Muntik pa akong mawalan ng balanse dahil sa narinig. Tila isang bomba ang sinabi ni Aera at kung hindi pa ako naalalayan ni Conrad ay napaupo na ako sa lupa. Si Ric... Kailangan kong ipaliwanag ang lahat kay Ric. Alam kong maiintindihan n'ya ako. Hindi ko na hihilinging sana ay hindi pa n'ya nakikita ang mga larawang sinasabi nina Aera dahil alam kong nakita na n’ya iyon. May tiwala s’ya sa akin kaya nasisiguro kong pakikinggan n’ya ako. He won't judge me. Iyon ang panghahawakan ko. Sinuyod ko ang paligid. Wala na akong pakialam sa mga mapanghusgang tingin ng mga estudyanteng nasa paligid. Ang mahalaga ay ang makita ko si Ric. "Oh, hinahanap mo ba ang boyfriend mo?" tanong ni Aera nang makita ang pagsuyod ko sa paligid. "Mukhang wala s'ya rito. Baka nga ay umalis na s’ya dahil sa sobr

