Tulalang nakatingin lang ako sa maliwanag at maingay na paligid. Ni hindi ako nasilaw sa paminsan-minsang pagliwanag ng dance floor. Dito ako dumiretso sa Zone One, isang high end bar na nasa labas ng Metro at malayo talaga sa amin. Wala naman akong planong pumunta sa kahit anong bar para uminom. Gusto ko lang talagang pansamatalang lumayo sa lahat ng problema ko pero sa lugar na ito ako dinala ng mga paa ko. Wala naman akong destinasyon kanina. Nag-drive lang ako nang nag-drive at hindi ko napansin na nakalabas na pala ako ng Metro. Malayo na rin ang narating ko at nakita ko na lang ang Zone One kaya pumasok na rin ako rito. At heto nga, nakakailang baso na ako ng tequila. Hindi ko alam kung ilang oras na ako rito. Hindi ko rin naman alam kung anong oras na nang umalis ako sa bahay.

