“Nabusog ka naman siguro, ano?” Nilingon ko si Markiel. “Paanong hindi ako mabubusog samantalang lahat yata ng nasa menu sa Lovelyz ay in-order mo?” Natawa s'ya at napailing. "Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko? Kakausapin mo na ba si Ric?" Nagkibit ako ng balikat. "I'll think about it. Siguro. Baka. Hindi ko alam." Hinawakan ni Markiel ang kamay ko at bahagyang pinisil iyon. "Take your time, Gabriella. Ayokong pilitin ka ngunit ayoko ring pagsisihan mo ang maaaring maging desisyon mo." Tumango na lang ako. May pakiramdam ako sa gusto n’yang sabihin sa akin kanina sa Lovelyz ngunit ayokong pangalanan iyon. Ilang minuto na mula nang makabalik kami ngunit hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa loob ng kotse n'ya. Madilim na at kung hindi pa namin nakitang gabi na ay hindi pa kam

