"Lovelyz?" maang na tanong ko at nilingon si Markiel matapos silipin ang pangalan ng restaurant na pinagdalhan n'ya sa akin. Hindi naman malayo ang ibiniyahe namin. Nasa kalahating oras lang iyon at dahil pahapon na ay hindi kami nakaranas ng traffic. Muli kong tiningnan ang malaking pangalan ng restaurant habang papasok pa lang ang sasakyan sa parking area. Kilala ang Lovelyz sa masarap nitong pasta at pizza. High school pa lang kami ay paborito na naming kumain dito. Lagi kaming magkakasama nina Conrad na tumatakas para lang kumain dito. Naging matumal na nga lang ang pagpunta namin dito nang mag-college na kami. Kasalungat kasi ito ng direksyon ng San Sebastian kaya hindi na namin napupuntahan. Ngayon lang ulit. Sinilip ni Markiel ang restaurant. Sa may gilid lang niyon kami na

