"Anong oras s'ya natulog?" "Alas dos ng madaling araw. Ewan ko ba sa babaeng 'yan, plano n'ya yatang maging zombie." "Umalis ba s'ya kahapon?" "Hindi. Nagkulong lang s'ya maghapon dito sa kuwarto n'ya. Umalis kasi kami ni Letti para mamili. Ayaw naman n'yang sumama sa amin kasi masakit daw ang ulo n'ya." "Kaya hinayaan namin s'yang matulog. Hindi naman namin alam na iba pala ang depenisyon n'ya sa salitang tulog. Naubos n’ya ‘yong ilang bote ng korean beer na kabibili lang nina Alfon. Lima 'yon! At ang taas ng alcohol content niyon!" Nangunot ang noo ko nang marinig ang tila bubuyog na mga boses sa paligid. Hinawakan ko ang sentido nang maramdaman ang pagkirot niyon. Napaungol pa ako bago tumagilid sa kama. Ayokong magmulat ng mga mata. Ayokong bumangon at harapin na naman ang panib

