"Tama na nga 'yan!" Inis na kinuha ni Sab ang bote ng wine na tinutungga ko. "Alas siyete pa lang ng umaga, Gab!" Inirapan ko lang ang kaibigan bago muling kinuha ang bote ng red wine. "Kaya nga ito ang iniinom ko. Atleast ito, walang alcohol." Tila sumusukong naupo si Sab sa bakanteng upuang nasa harap ko. Narito kami sa dining area at kanina lang ay nagluluto s'ya ng almusal pero mukhang natapos na kaya ako naman ngayon ang sesermunan. Muli kong tinungga ang bote. Nangangalahati na iyon at wala naman talaga akong planong uminom dahil may hang-over pa ako. Hanggang madaling araw din kaming uminom at gusto ko sanang magpahinga muna pero natakam ako sa hilera ng wine ni Tita. Ang dami niyon at ngayon lang ulit ako nakakabawi sa pag-inom. Noong lunes ng gabi ko napatunayan kung gaano k

