Mapangahas na binuklat ni Stef hindi lamang ang mga email kundi pati na rin ang mga send item. "What? Nagpapadala si Paris ng mga confidential infos sa FullyBooked Inc?" Biglang tumunog ang phone ni Stef, kaya habang patuloy sa paghahalungkat, pinindot niya ito at sinagot. "H-hello..." "Stef? Bakit bumubulong ka? Are you still in Sir Ford's office?" Sumilip muna sa labas si Stef at muling sinagot ang kausap. "No, Greg. Nandito ako sa opisina ni Paris." "Anong ginagawa mo d'yan?" "Greg, may natuklasan ako. Si Paris, she's a spy. Si Gael pa ang itinuro niya, pero siya naman pala 'tong nagbibigay ng impormasyon sa kabila!" "What!" "Yeah! Then 'yong mga letters niya, may kakaiba pang logo sa taas." "What logo? Anong itsura niya Stef?" "Ah, para siyang dalawang fern na pabilog ang for

