Ilang oras bago ang kasal. Halos huminto ang paghinga ni Elijah nang marinig ang pag-sirena ng mga sasakyan ng pulis. Si Greg naman ay nagkikibit-balikat lang habang nakangisi. "I warned you before. But you didn't listen. Sorry but I have to do this. You should be in jail." Walang bakas ng pag-aalala ang kanyang mukha. "Entrapment? Seriously?" Bumaling si Elijah sa kanyang mga tauhan at sumenyas gamit ang ulo niya. "Go get him!" Sa isang utos lamang ni Elijah, maliksing kumilos ang dalawa sa mga tauhan niya. Muli nilang sinikmuraan si Greg hanggang sa mawalan ito ng malay. Kasunod nito'y iniakyat nila ang aktor papuntang kwarto nito. Nang muling gumising si Greg, ang mabigat na pakiramdam sa tyan ang unang bumati.sa kanya. Marahan siyang dumilat at bumulaga sa kanya ang nakagapos na m

