Kasalukuyang nakaharap si Greg sa malaking salamin habang isinasara ang butones ng kanyang white long sleeves. Pagkatapos nito'y pinatungan niya ang sarili ng itim na tuxedo. Huli niyang inilahok sa kabuuang anyo ang kaakit-akit na ngiti na ang tanging dahilan ay si Stef, ang babaeng pakakasalan niya sa araw na iyon. "This is the day," bulong niya na may saliw ng masayang himig. Bago tuluyang iwanan ang salamin, sinuri niya ang iba pang detalye ng kanyang sarili, masiguro lamang na maging perpekto sa paningin ng minamahal. Dahil sabik nang magsama, napagkasunduan nilang sa sibil muna ganapin ang kasal. Nais nilang payak muna ito at pribado ngunit sa susunod na taon, sa simbahan na nila ito itutuloy. Habang bumababa sa hagdan, ang isip naman ni Greg ay naglalayag sa hinaharap. "Aakyat ak

