"Couz, bakit biglaan naman yata 'yang pagre-resign mo? Eh may project pa tayo next year ah. Pa'no na 'yong prequel ng Sanely In love With You?" tanong ni Gael na nakalukot ang mukha, tinitingnan isa-isa ang mga bagay na inilalagay ni Stef sa malaking kahon. "Gael, I'm sure na makakakuha pa sila ng magaling na writer. I really need to do this, sana maintindihan mo." Matapos mailagay ang lahat ng gamit sa kahon ay agad niya itong binitbit at diniretso ang mahabang hall patungo sa elevator. "Hindi ka ba magpapaalam kay Mr. Ford? Sigurado akong malulungkot 'yon." Huminga nang malalim si Stef at matamlay na ngumiti. "Hindi na, Gael. Nanggaling na ako sa office niya kanina. Ayoko nang makita ulit ang reaksyon niya." Bagama't hindi niya naaalala ang CEO, nang magkita sila'y naramdaman niyang

