Tumayo si Elijah sa kanyang upuan at nag-unat ng mga braso. Si Greg naman ay nakatulala pa rin habang tagus-tagusan ang tingin sa chess board at sa nakatumbang piyesa niya. Ibinaling niya ang paningin sa mga gwardiya dahil nagtatawanan ang mga ito habang si Elijah ay muling umupo sa harapan niya at bumuntong-hininga. "Stef and me are going back to San Diego this week. But I'll give you the chance to say your goodbyes to her," ani Elijah na nakalihis ang ulo kay Greg. "Are you sure about that, Jared?" Ang maliwanag na ekspresyon sa mukha ni Elijah ay unti-unting naglaho nang magsimulang humalakhak si Greg. Dahil dito'y nagkatinginan ang mga gwardiya at natahimik naman si Elijah. "You think I came here just to play fuckin' chess with you? Hell. Fuckin'. No!" Muling naging seryoso ang muk

