Halos mapudpod na ang mga daliri ni Greg dahil sa sunod-sunod na pagpindot sa maliit na doorbell. "Come on, please," bulong niya habang tinatanaw ang kabilang dako ng mataas ng gate. "Bakit hindi ka lumalabas?" aniya at muling pinindot ang doorbell. Makalipas ang tatlumpung minuto, nakarinig si Greg ng mga paa na kumakaripas na papalapit sa gate. Agad itong binuksan mula sa loob at inihayag ng bakal na pinto nito ang humahangos na si Stef. "Oh, Greg. Akala ko kung sino na." Nakabalot pa ng tuwalya ang ulo nito at bagama't walang kasing-presko ang mukha, halata rito ang pag-aalala dulot ng pagkatok niya. "Stef." Agad na pumasok si Greg at awtomatikong ipinulupot ang kanyang mga braso sa maliit na bewang ng dalaga. "Akala ko, ayaw mo na akong makita." Tinitigan ni Stef ang mukha ng nobyo.

