Nang napatitig si Stef sa mga asul na mata ni Elijah, pakiwari ng dalaga'y nakatanaw siya sa bughaw na karagatan na ubod nang payapa at hindi hinihipan ng hangin. "May I come in?" tanong ng doktor sa malalim at misteryosong tono. Bahagyang lumabas si Stef at tumingin sa paligid. "Where are your guards?" "I'm alone." Doon lamang napansin ni Stef na ang puting Montero Sport lamang ang nandoon na personal na ginagamit ni Elijah. Dahil ang mga guwardiya nito ay sumasakay sa bukod na sasakyan. "Jared, you're not supposed to be here. If Greg finds out-" "There's something you need to know." "You hurt my fiancé. I don't wanna see you!" "This is about your lost memory, Stef." Labag man sa kalooban at nag-aalinlangan, pinapasok ni Stef si Elijah. Inalok niya ito ng anumang makakain at maii

