Flash of Light

1457 Words

Isang buwan na ang nakararaan nang magpasa si Stef ng resignation letter sa publishing house ngunit hindi pa rin ito tinatanggap ng CEO na si Mr. Ford. Binigyan lamang siya ng bakasyon upang makapag-isip. Dahil dito'y nadaragdagan ang panghihinayang niya sa iniwanang karera. Minsan nga'y kapag naiiwan siyang mag-isa, inuusisa niya sa sarili ang pagpili kay Elijah kapalit ng matagumpay niyang buhay sa Pilipinas. Dugo, luha, at panahon ang pinuhunan niya sa pagiging manunulat ngunit sa isang iglap ay mapupunta lamang sa isang tabi. Pero isang bagay ay tinitiyak niya - na maligaya siya sa piling ni Elijah at mababaliw siya kung mawawala ito sa kanya. Mas mabuti pa na talikuran ang nakaraang buhay kaysa sa sundin ang walang-pusong kondisyon ng Wunsken. Biglang tumunog ang cellphone ni Stef

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD