Nanlalambot na bumalik si Stef sa sala. Ang pakikipagtalo kay Tamara ay tila pag-inom ng mapait na gamot. Oo't batid niyang ang ninang ay nasa katuwiran - na nais nitong ituwid lahat ng gusot na kanyang kinasasangkutan at ang lahat ng ginagawa nito'y para sa kapakanan din niya. Gayumpaman, sa kabila ng pagmamalasakit ni Tamara, mas pinipili ni Stef na mabitag sa labirint ng kanyang pantasya. Kahit batid niyang malalim na ang kanyang pagkaligaw ay ayos lang, kung ang kasama doon ay walang iba kundi ang minamahal na perpektong nilalang ng kanyang isipan. "I'm here..." Ang may himig na tinig ni Elijah ang nagpabalik kay Stef sa kasalukuyang kinalalagyan. Ito rin ang unti-unting nagpakalma sa kanyang iritadong panagano. Nanatiling hindi kumikilos si Stef habang naririnig sa likod niya ang

