Sumailalim si Stef sa hanay ng mga ebaluwasyon. Matapos ang isang oras na paghihintay, muling hinarap ng doktor ang hindi mapakaling si Tamara. "Stef is under retrogate amnesia. Most part of her memories are badly affected." "W-what?" biglang namutla si Tamara. "So you mean-" "That's right. Her present memory have vanished. And if she thinks it's 2011 it's because she still lives in that particular period," paliwanag ng doktor. May sasabihin pa sana ito nang lumapit ang isang nurse at sinabing kailangan siya sa emergency room. Kaya nagpaalam muna ang doktor at nangakong itutuloy ang usapan mamaya. Inalala ni Tamara ang sinabi ng doktor tungkol sa huling naaalala ni Stef. 2011, kung kailan ang edad niya ay bente at kaka-graduate pa lang sa kursong Journalism. Limang taon na ang nakarar

