Kabanata 15

3494 Words
KABANATA 15 DON'T DO THAT AGAIN NARRATOR's POV PARA MATULUNGAN ANG anak. Tumawag si Dimitri sa kaibigan niya na si Damon Vega. Ang source niya palagi sa mga taong nais niyang ipahanap. "Yes, Ford?" "Vega, favor." "Sure, ano ba 'yon?" Napangisi si Dimitri habang hindi makapaniwala na sa pangalawang pagkakataon ay kakailanganin niya muli ang tulong ni Vega. "Gusto kong ipahanap ang nobya ng anak ko. Si Lara Evangelista." "Evangelista? Ang anak ni Armando Evangelista na may ari ng company ng mga gamot." "Paano mo nakilala si Mr. Evangelista?" nagtataka si Dimitri dahil hindi niya akalain na kilala ni Vega ang ama ni Lara. "Well, kilala ang company niya dahil sa kanya lahat kumukuha ng gamot na dinadala sa merkado. Pero Ford, delikado ang pinasok ni Mr. Armando. Nabalitaan ko na nakipag-deal siya para maglabas ng pinagbabawal na gamot para sa illegal sindicate na si Jonson Reyes." Biglang natigilan si Dimitri sa sinabing pangalan ni Damon. "Jonson Reyes? 'Yung panganay na anak ni Carol Reyes?" "Yes." Natahimik si Dimitri dahil si Jonson Reyes ang bata na noon ay ginawa niyang paing para sa ina nitong si Carol. "Hindi ko ata nabalitaan na isang sindicate si Jonson?" tanong niya kay Damon na napahalakhak. "Dahil nag-iba siya ng pangalan." "Anong pangalan?" "Nate Santos." Napatango si Dimitri habang napapatapik ang mga daliri niya sa lamesa. Nasa library siya para maayos niyang makausap si Damon. "Thanks sa info, Vega." "Alam mo naman na hindi ako humihingi ng 'thank you' lang.." Napangisi siya at humalukipkip habang nakasandal ng upo sa swivel chair.... "Of course.. Asahan mo na lang sa bank account mo. Basta ipadala mo agad sa akin ang information kung nasaan ang nobya ng anak ko." "Sure.." Ngumiti si Dimitri at binaba na ang tawag. Nilapag niya ang phone sa table at pumikit upang umidlip habang hinihintay ang information na ipapadala ni Damon. - Lara NARARAMDAMAN KO ANG lamig ng hangin maging ang paghampas ng tubig. At wala ring masyadong ingay kaya gumaang ang pakiramdam ko. Kahit na hindi ko nakikita ang lugar kung saan kami nagpunta ni Dad ay alam ko na narito kami malapit sa dagat. Naapakan ng paa ko ang buhangin na tumatama sa mga paa ko dahil suot ko lamang ay flat sandals. "Mabuti at napasyal kayo rito, Armando. Matagal na rin mula ng huli niyong dalaw rito sa Siargao daku island." "Belinda, hindi kami narito para mamasyal.. Narito kami ng anak ko para saglit na manirahan habang inaayos ko pa ang papeles ni Lara." "Ito na ba si Lara? Pero bakit tila hindi na siya nakakakita?" Napayuko ako sa tanong na iyon ni Aling Belinda, mamamayan rito at isa sa nangangalaga ng Daku Island. Kung noon ay wala lamang sa akin ang tanong kung bakit ako nabulag, pero ngayon ay sumasakit ang puso ko kapag nababangit ngayon ito. Naaalala ko lamang ang panloloko ni Deo. Naaalala ko lamang ang katangahan ko. "Mahabang kwento, Belinda. Tsaka ko na lang ikukwento sa 'yo... Kailangan na rin kasing magpahinga ni Lara, lalo't kakagaling lamang niya sa hospital." "Gano'n ba. O, sige, halika kayo't doon na kayo tumuloy sa dati niyong pinagbabakasyunan." Inalalayan ako ni Dad kaya sumunod ako habang buhat-buhat ko si Saver. Naging pamilyar sa aking pang-amoy ang amoy ng bakasyunan ng makapasok kami. Pitong taon palang ata ako no'n ng mula na makapunta ako rito, pero tandang-tanda ko pa ang amoy dahil itong lugar ng Daku ang isa sa tumatak sa akin. Naupo ako sa rattan chair at kinandong ko si Saver na maligalig na gustong kumawala sa bisig ko. Pinakawalan ko siya na agad niyang kinababa mula sa kandungan ko, hanggang sa marinig ko pa ang isang pagtahol ng aso na kinangiti ko. Tila nakahanap agad siya ng chicks. "Ayos na ba kayo rito? Walang pagkain sa ref dahil wala namang gumagamit nito mula ng umalis kayo noon. May isang restaurant na malapit rito, kaya doon na lang kayo kumain kapag nagutom kayo." "Ayos na kami rito, Belinda.. Pupunta na lang kami doon kapag nagutom kami. Salamat nga pala." "Walang problema. Siya, siya. Maiwan ko na kayo at may mga bagong bisita na naman ang isla. Kaya kayo na muna ang bahala sa sarili niyo." Ngumiti ako para ipaalam kay Aling Belinda ang kagalakan ko sa tulong at muling pagkikita namin.. Narinig ko na ang yapak niya hanggang sa maiwan na lamang kami ni Dad. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Dad, bakit niyo po naisipan na pumunta tayo dito?" Tanong ko. "Dito ay malayo at alam kong malabo na malaman ni Ford kung nasaan tayo." Napayuko ako ng banggitin niya si Deo. Hindi ko ata mapigilang mangilid ang luha t'wing maiisip ko na nais lamang akong paghigantihan ni Deo. Akala ko pa naman ay mahal niya ako. Binigay ko ang puso at katawan ko sa kanya, pero mauuwi lang din pala sa sakit ang isusukli niya.. "Anak, 'wag mo nang isipin si Ford. Delikado lang kung mananatili kang iibig sa kanya. Lalo pa't may dinadala ka na." Napaangat ako ng mukha sa sinabi niya. Napabuka-sara ang bibig ko habang hindi makapaniwala sa sinabi niya. "A-ano po? M-may dinadala? Ibig sabihin niyo po..." "Yes, you're pregnant, anak. Two weeks pregnant." Tila ako nanlamig at nanginig ang kamay ko na kumpirmahin niya ang nasa isip ko. Napahawak ako sa tiyan ko at napaiyak na ako dahil natakot ako bigla. Hindi ko akalain na may laman na tiyan ko. Paano ko 'to bubuhayin kung ang sarili ko ay hindi ko kayang alagaan? Tapos manloloko pa ang ama niya. Naramdaman ko ang pag-upo ni Dad sa tabi ko kaya napayakap ako sa kanya. Naramdaman ko ang paghagod niya sa likod at buhok ko. "'Wag kang mag-alala, narito ako, anak. Hindi kita pababayaan at pinapangako ko na gagawin ko ang lahat para sa 'yo at sa magiging apo ko." lalo akong napaluha sa sinabi niya, "Shhh.. Tahan na, baka masama sa 'yo ang sobrang pag-iyak." Kaya pinunasan ko ang luha ko at napahawak akong muli sa tiyan ko habang iniisip kung kaya ko bang maging isang ina agad? - NAISIPAN KONG MAGLAKAD-LAKAD sa dalampasigan sa tulong ni Saver na hawak-hawak ko ang tali. Napakasarap ng hangin at tinatangay ang buhok ko sa lakas. Isabay pa ang alon na tila nagsasayawan sa tuwa.. "Dito na lang tayo, Saver." pinigil ko na sa paglalakad si Saver at dahan-dahan akong naupo habang hinihipo ko ang buhangin kung meron ba akong mauupo na hindi dapat. Nang wala ay naupo ako at naramdaman ko ang pagsampa sa akin ni Saver kaya napangiti ako at nilagay ko siya sa kandungan ko. Tahimik na pinapakiramdaman ko ang dagat habang hindi ko mapigilan na isipin si Deo. T'wing maiisip ko ang lahat ng nangyari sa amin ay nasasaktan ako tuwing mapagtatanto ko na baka para sa kanya ay balewala lang iyon. Ako lang pala ang masaya at siya ay masaya dahil naloko niya ako. "Lara Evangelista." Napaidtad ako ng may nagsalita na hindi pamilyar na tinig sa akin. Naramdaman ko ang presensya niya na medyo malapit sa akin kaya tatayo sana ako ng pigilan niya ako sa balikat na kinakaba ko. "'Wag kang matakot, hindi naman ako masamang tao... Ako nga pala si Nate Santos." "Ah, paano mo nalaman ang pangalan ko?" Naramdaman ko na naupo siya sa tabi ko na hindi naman masyadong malapit kaya medyo nakahinga ako ng maluwag dahil tila mabait naman siya. "Nalaman ko dahil sa kapatid kong si Gian Santos, kaibigan mo." Napamaang ako sa sinabi niya. Kapatid siya ni Gian? "Kapatid ka ni Gian?" "Oo.. At may masamang nangyari sa kanya." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Sa tono ng boses niya ay malungkot siya. "Anong nangyari sa kanya?" Matagal siyang nanahimik tila mabigat sa loob niya na sabihin, kaya mas lalo akong kinabahan. "He's dead now." Tila ako nanlamig sa paraan niya ng pagkakasabi, pero hindi doon natuon ang isip ko, kundi sa sinabi niyang patay na si Gian. "P-patay na siya? P-paanong nangyari iyon? Eh, nung nakaraan lang ay kausap ko pa siya." "Dahil ang grupo ni Deo ang may gawa kaya siya namatay. Pinosasan nila si Gian sa pole at kitang-kita ko kung paano nila binaril si Gian, pati ang ibang kasama ng kapatid ko." Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Si Deo? Pero hindi naman magagawa ni Deo iyon. Pero ano nga ba ang alam ko sa pagkatao ni Deo? Ni ako man ay pinaglaruan niya, si Gian pa kaya? Dahil ba sa akin kaya niya pinatay si Gian? Gusto ba niya na maghiganti pati sa mga taong malapit sa akin? "P-pero bakit narito ka ngayon? Nasaan ang bangkay ni Gian?" "Dahil sa request ng aming ina na ipaabo na lang ang katawan niya. Nasa kulungan ang ina namin, kaya nais niya na makasama ang abo ni Gian." Napaiyak ako lalo dahil nakakulong pa pala ang ina nila. Tiyak ako na mas masasaktan ito dahil makikita na lang niya ang anak niya na abo. "At kaya ako narito ay dahil gusto ni Gian na bantayan ka para kaligtasan mo. Masama ang Deo na iyon, Lara. At baka saktan ka niya kaya dapat na bantayan kita." Naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko tila kino-comport ako. "Nate, salamat, pero hindi mo naman dapat na alalahanin pa ako. Dito ay hindi na ako mahahanap ni Deo." "Mabuti ng nasa tabi mo ako para makasigurado. At nangako ako kay Gian na babantayan kita, kaya dito lang ako." Napatango na lang ako dahil tila desidido na siya gaya kung gaano kadesidido si Gian sa pagtulong sa akin noon. Naalala ko ang pag-uusap namin ni Gian nung huli kaming magkita. "Lara.." "Gian." napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Gian. Naramdaman ko ang pagyakap niya kaya yumakap rin ako pabalik. "Lara, pinuntahan kita sa inyo, pero sabi ng kasambahay niyo ay lumipat daw kayo. Kaya sinikap ko na alamin ang pinaglipatan niyo, kaya ngayon ay narito na ako sa harap mo." "Mabuti at nakauwi ka na. Akala ko ay matagal ka pa sa ibang bansa... Ano nga ba ang nangyari sa competition mo?" Hinawakan niya ako sa braso at inalalayan na maupo. Narito kami sa lobby ng condo ng pababain ako ng attendant ng sabihin na may bisita nga daw ako. Hindi ko naman akalain na si Gian pala iyon. "Hindi pinalad." Napatango ako at nalungkot sa binalita niya. Alam ko na malungkot sa part niya dahil pangarap niya na maging magaling at sikat na musician, pero gano'n nga ata talaga, siguro ay hindi pa tamang panahon para sa kanya. "Lara, naalala mo ba ang sinabi ko na pagbalik ko ay may aaminin ako sa 'yo." Napatango ako dahil naalala ko iyon. Napangiti ako dahil sa wakas ay malalaman ko na. "Ano nga ba iyon?" Naramdaman ko ang pagkuha niya sa mga kamay mula sa kandungan ko. Nailang ako na hawakan niya iyon pareho. "Lara, matagal ko ng gustong aminin sa 'yo ito, pero pinangungunahan kasi ako ng daga sa dibdib ko." "Ano ba kasi iyon?" Huminga siya ng malalim tila ba nahihirapan siyang sabihin ang nais niyang aminin sa akin. "Lara, I like you." Natigilan ako sa inamin niya. Nais ko sanang baklasin ang kamay niya ngunit hinawakan niya iyon ng mahigpit. "G-Gian, ano ba 'yung sinasabi mo?" "Gusto kita, Lara. At gusto ko sanang sabihin sa 'yo na liligawan kita." Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Pero wala akong feelings sa kanya at iba ang gusto ko. "Gian, sorry, pero kasi--" "Still.. I want to court you. Please Lara. Hayaan mo ako na ipakita ko sa 'yo kung gaano kita kagusto.. Wala ka pa naman sigurong boyfriend, 'di ba?" Napayuko ako dahil ayokong saktan si Gian, pero kasi ayoko naman na paasahin siya. "Gian, I'm sorry, pero may boyfriend na kasi ako." "f**k you, Ford." bulong niya na tanging 'Ford' lang ang narinig ko. "Tsaka na lang tayo magkita muli, Lara. Bye." naramdaman ko ang paghalik niya sa pisngi ko, ang pagtayo niya, at maging ang paglayo ng yapak niya. At nalaman ko na narito rin pala si Deo na nakita ang paghalik ni Gian sa akin sa pisngi. "Lara, are you okay?" Nagbalik ako sa sarili ng pukawin ako ni Nate. Ngumiti ako at tumango upang sabihin sa kanya na ayos lang. Kung si Gian ang nagustuhan ko, siguro ay hindi niya ako sasaktan gaya ng ginawa ni Deo. Siguro ay masaya parin kami at papahiramin pa niya ako ng iba pa niyang instrumento. Dahil kay Deo kaya nawala si Gian. Kaya lubos-lubos ang galit na nararamdaman ko ngayon kay Deo. "Lara, maiwan na muna kita.. May kakausapin lang ako." "Ah, sige." naramdaman ko ang pagtayo niya hanggang sa paglayo ng yapak niya. Napapikit ako habang nakakuyom ang kamay ko at may namumuong sama ng loob kay Deo. Nalulungkot ako dahil hindi ko na makakausap ang kaibigan kong si Gian. Napadilat ako ng may biglang humawak sa braso ko at sapilitan akong itinayo mula sa pagkakaupo sa buhangin. Nasinghot ko ang amoy na siyang pamilyar sa akin. "Akala mo siguro ay makakalayo ka na." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang mapanganib na tono ng boses ni Deo. Napakahigpit ng hawak niya at kinabahan ako dahil hindi ko akalain na agad-agad niya akong nasundan. Binaklas ko ang kamay niya sa braso ko na nagawa ko naman. "Anong karapatan mo na hawakan pa ako? Nagawa mo pa talagang magpakita sa akin! Hay*p ka! Hay*p!" Binayo ko siya ng malakas habang hindi ko mapigilan na mapaiyak ng manuot sa akin ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Pinigilan niya ang mga kamay ko sa pagbayo at niyakap kaya nagpupumiglas ako pero masyadong mahigpit ang yakap niya. "Magpapaliwanag ako. Kaya 'wag kang magalit sa akin, babe." Pinagsusuntok ko ang likod niya habang nagpupumiglas ako at umiiyak. "Hindi ko kailangan ng paliwanag mo. Dahil kahit ano pa 'yan ay hindi na kita mapapatawad pa!" Humigpit ang yakap niya at hinapit niya ang baywang ko para mas hapitin pa ako sa kanya. "Oo, nung una ay plano ko na paghigantihan ka, pero hindi ko akalain na mamahalin kita. Kaya 'yung pinakita ko sa 'yo ay totoo. Totoong mahal kita, Lara." Umiling-iling ako at pilit kong umaalis sa yakap niya ngunit ayaw niya akong bitawan.. "Hindi totoo 'yan.. Hindi mo ako mahal dahil alam ko na mahal mo parin ang ex-girlpren mo na napatay ko. Kaya 'wag ka nang magsinungaling pa." Hinalikan niya ang ulo ko habang ramdam ko ang pag-iling niya. "Buhay si Kacey. Hindi mo siya napatay." Natigilan ako sa sinabi niya. Napahikbi ako habang pinoproseso sa isip ko lahat. "Niloko niya ako.. Plano nyya iyong aksidente para maloko ako kasama ng taong nais na pabagsakin ako. Inosente ka, Lara. At hindi ko na mahal ang kagaya niya. Dahil simula ng mahalin kita ay ikaw lang ang nag-iisang babae sa akin." "Sinungaling ka... Mamatay tao ka pa.. Hindi na ako maniniwala sa 'yo " "Oo, nagsinungaling ako sa 'yo, pero isang beses lang. Pero ang pagsabi ko sa 'yo na mahal kita at ikaw lang ay hindi kasinungalingan iyon. Lalo't hindi ako pumapatay ng tao ng walang dahilan." Malakas na tinulak ko siya kaya napabitaw siya sa akin. Tumulo ang luha ko dahil inamin din niya na kaya niyang pumatay. "Bakit mo pinatay si Gian?! Napakasama mo! Kaibigan ko ang tao pero pinatay mo!" Umiyak ako at tumalikod sa kanya pero agad niya akong niyakap sa likod kaya nagpumiglas ako. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Si Gian, papatayin ko? Sino naman may sabi sa 'yo?" "Sinabi sa akin ng kapatid niya! Kaya 'wag ka nang magmaang-maang pa." siniko ko siya pero agad niya akong hinarap sa kanya at hinapit muli sa baywang kaya napasubsob ako sa leeg niya. "Damn. Wala akong pinatay na Gian.. At kung sino man ang kapatid niya na tinutukoy mo ay hindi mo siya dapat na pinaniwalaan." "Anong ginagawa mo sa anak ko?" Narinig ko ang boses ni Dad kaya nagpumiglas ako kay Deo pero ayaw niya akong bitawan . "Sinusundo ko na ho ang girlfriend ko, Sir." parang wala man lang siyang kaba na sinabi iyon kay Dad. "Bitawan mo ang anak ko at umalis ka na rito, Ford. Hindi ko hahayaan na may mabuong relasyon sa inyo." "Hindi, Sir. Dahil isasama ko ho siya pauwi.. Alam niyo at alam ko na sa akin siya ligtas. 'Wag niyong ipahamak ang anak niyo sa pinasok niyong gulo." Hindi nakaimik si Dad at ako naman ay naguluhan sa kanilang pinag-uusapan. "Please, 'wag mo nang guluhin ang anak ko. Umalis ka na, Ford." bakas sa boses ni Dad ang kaba na hindi ko malamang dahilan kaya pinilit kong makaalis sa bisig ni Deo. Nang makaalis ako ay hahakbang sana ako kung nasaan si Dad pero agad na pumulupot ang braso ni Deo sa baywang ko at hinapit akong muli para hindi makaalis. "Sir, hindi ako aalis hangga't hindi ko kasama si Lara.. At dapat na sumama kayo sa akin dahil nararamdaman ko na narito si Jonson Reyes." "P-paano mo nakilala si Jonson?" hindi makapaniwala at kinakabahang tanong ni Dad. "Mahabang kwento, Sir. Kaya kung ako sa inyo ay sumama na kayo dahil hindi kayo ligtas rito." "Hindi, ikaw ang umalis at 'wag mong isama ang anak ko. Pakiusap, 'wag niyo na kaming guluhin." Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Dad, pero napaidtad ako ng umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril na kinalamig ko. Unti-unting kumalas ang hawak sa akin ni Dad hanggang sa maramdaman ko ang pagbagsak niya. "Dad!" agad kong inalis ang kamay ni Deo sa batwang ko at agad na lumuhod ako para kapain kung nasaan si Dad. Nang makapa ko siya ay agad ko siyang niyakap, "Dad, ano pong nangyari? Dad!" "Fuck." rinig kong mura ni Deo hanggang sa makarinig ako ng putok na malapit sa akin tila galing kay Deo na kinakaba ko, "Habulin niyo! Lintek! Bakit hindi niyo nakita si Jonson?" Narinig ko ang mga yapak tila mga kasama ni Deo. Naramdaman ko ang pagluhod at pagtabi sa akin ni Deo. "May tama kayo sa braso, Sir. Wilson. Saan may malapit na hospital rito?" "May nadaanan tayo na maliit na hospital, baka p'wede na doon." Naramdaman ko na itinayo ni Deo si Dad kaya tumayo ako habang hinahanap ko ang isang braso ni Dad. "Ouch!" daing ni Dad kaya hindi ko na diniinan ang hawak ko sa kanya. "Dad, sabihin niyo po na hindi niyo ako iiwan. Please po.." "'W-'wag ka nang umiiyak, Anak. Daplis lang ito." aniya na nahihirapang magsalita. "Ano po ba talaga ang nangyayari? Naguguluhan na po ako." "Mamaya mo na kausapin ang Dad mo, Lara. Kailangan na madala natin siya sa hospital agad dahil baka maubusan siya ng dugo." Hindi na ako nagprotesta sa sinabi ni Deo dahil tama sya. Sinakay ni Deo si Dad sa kotse at pati ako ay inalalayan na makaupo sa tabi ni Dad. Umusad na ang sasakyan habang ako ay pinapagaang ko ang loob ni Dad dahil alam kong masakit ang nararamdaman niya. Ilang saglit lang ay huminto ang sasakyan. Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto sa side ni Deo habang ako ay humihikbi parin. May bumukas muling pinto at naramdaman ko ang pag-alis ni Dad sa tabi ko. "Stay here, Lara. Dadalhin ko muna ang dad mo sa loob, tsaka kita babalikan." Hindi na ako umimik dahil hindi naman ako makapagsalita dahil gulong-gulo ako sa lahat ng nangyari. Umalis na sila Deo at narinig ko ang pagtahol ni Saver na hindi ko alam na naisama pala ni Deo. Naramdaman ko ang balahibo nito kaya kinuha ko siya at nilagay sa kandungan ko habang lubos ang kaba ko sa sobrang pag-aalala kay Dad. Matagal bago bumalik si Deo. Inalalayan niya ako sa pagbaba sa kotse habang buhat ko si Saver. "Saan tayo pupunta?" "Stop crying. Your dad is now okay. Ginamot lang ang sugat niya at nagpapahinga na siya kaya pupunta tayo sa room niya." Nakahinga ako ng maluwag at inalis ko ang kamay niya sa braso ko bago ako maglakad para iwanan siya dahil galit parin ako sa kanya. Pero muntik na akong madapa ng matisod ako sa hagdan. Napatili ako at napapikit habang yakap ko ng mahigpit si Saver. Ngunit may bisig na yumakap sa akin kaya hindi natuloy ang pagbagsak ko. "Damn it, Lara! Don't do that again, understand?! Muntik ka nang mapahamak." galit niyang sermon sa akin habang yakap-yakap ako. "'Wag mo nga akong hawakan." Imbes na maalis ko ang yakap niya ay napasinghap pa ako ng pangkuin niya ako. "Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan ng muntik ka nang madapa, pero 'wag mo ng uulitin na lumayo sa akin dahil aatakihin ako sa nerbyos 'pag ginawa mo iyon." Hindi na ako nakaimik sa kaseryosohan ng tono niya. At napakagat ako ng labi ng maalala ko na buntis nga pala ako. Muntik ko pang ipahamak ang anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD