KABANATA 14
THE TRUTH
Lara
NAKAHIGA LAMANG AKO sa kama habang iniisip ko si Deo. Matapos ang araw na may nangyari sa amin ay hindi siya muli pa nagpaparamdam. Inaamin ko na sobra ko na siyang nami-miss, lalo na ang bango niya. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya, pero masyado akong kinakabahan para doon.
Napahinga ako ng malalim at naupo. Niyakap ko ang mga binti ko at bagot na napabuntonghininga.
Hindi na kasi ako lumalabas ng condo unit ni Dad dahil sinusunod ko ang bilin sa akin ni Deo. Nagtataka nga si Dad kung bakit ayokong lumabas, pero dinadahilan ko lang na wala ako sa mood.
Nababagot na ako sa kwarto lang, tapos hindi man lang siya nagpaparamdam sa akin kahit saglit. Napahawak ako sa tiyan ko na tumunog ito kaya natawa ako at napangiti kapag naalala ko ang paghalakhak ni Deo nung tumunog ang tiyan ko nung kasama ko siya at pamilya niya noon.
Bumangon ako at naglakad para lumabas ng kwarto. Pinagpraktisan ko ang bawat sulok ng condo unit ni Dad para hindi ako mahirapan sa paglalakad ko. Ngayon ay kabisado ko na ang bawat step ko kaya parang normal lang ako na maglakad kung titignan.
"Hindi ko gusto ang anak ni Mr. Dimitri sa anak ko. Alam ko naman na gumaganti lang siya sa anak ko dahil sa nagawa ni Lara sa nobya niya noon. Oo, ang nobya ng Deo na iyon ang nasagasaan ng anak ko. At kaya lumalapit ang ford na iyon sa anak ko upang maghiganti."
Napatigil ako sa paglalakad at para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang sinabi ni Dad sa kausap niya na tila nasa kabilang linya.
Nanikip ang dibdib ko at halos bumigay ang tuhod ko ng manuot sa isip ko ang lahat. May nasanggi akong bagay na nabasag dahil sa pagkakasandal ko rito.
"Lara!"
Agad kong narinig ang yapak ni Dad at nalaman ko na lang na hawak niya ako sa balikat upang 'wag tumumba.
"D-Dad, totoo po ba ang narinig ko? P-Pinaghihigantihan lang po ba ako ni D-Deo?"
Nangingilid na ang luha ko at halos hindi ako makahinga dahil tila nabasag ang puso ko sa narinig ko.
"Anak, totoo ang narinig mo. Kaya nga hindi kita gusto na lumapit sa ford na iyon dahil alam ko na sasaktan ka lang niya. 'Yung nobya niya na si Kacey Tan ang babaeng nasagasaan mo at namatay. At kaya siguro lumalapit sa 'yo si Deo ay dahil gusto ka niyang paghigantihan dahil sa pagkamatay ng nobya niya."
Tumuloy-tuloy na ang pagpatak ng luha ko at hindi ko alam ang magiging reaksyon ko..
Kacey. Kacey na nabanggit ni Benj noong unang magkita kami. 'Yung kacey rin na iyon ang huling narinig ko na bigkas ng bibig ni Deo noong nasa bar kami at muntik na akong ma-rape noon nung iwan niya ako.
Napahawak ako sa dibdib ko at nilamukos ko ang suot kong damit dahil nahihirapan akong huminga.
"Anak, ayos ka lang."
Nanghihina ako sa nalaman ko at wala akong marinig sa paligid ko kahit pa alam kong salita ng salita si Dad. Napapikit ako ng biglang manghina ang katawan ko hanggang sa lamunin ako ng ulirat.
-
Armando
AGAD NA SINUGOD ko sa pinakamalapit na hospital ang anak ko. Ubod ng lakas ang pintig ng puso ko sa kaba habang nakatingin sa anak ko na maputla at walang malay habang tumatakbo ako pasabay sa mga nurse na tinutulak ang stretcher na kinahihigaan ng anak ko.
"Dito ho muna kayo, Sir."
Agad akong napahinto ng pagbawalan akong pumasok ng nurse. Napasilip ako sa pintuan ng emergency room at napapikit ako dahil natatakot ako na baka mawala sa akin ang anak ko. Alam ko ang naging kasalanan ko sa kanya, pero bumabawi na ako ngayon. Naging gag* ako at hindi ko man lang naisip ang kapakanan ng anak ko. Puro sariling damdamin ko lang na nasaktan ang inisip ko, imbes na dapat na pinagtuunan ko ng pansin ang pagpapalaki ng maayos sa anak ko.
Kung hindi pa dumalaw sa panaginip ko si Tricia ay baka hindi pa ako natatauhan ngayon. Kundi baka napahamak na ang anak ko kay Deo kung nahuli ako.
Ayoko na lalapitan ni Deo ang anak ko. Nalaman ko na anak siya ng pinakamayamang businessman at hindi lang iyon, anak siya ng mafia boss na hindi ko nagustuhan.
Natatakot ako ngayon sa anak ko dahil alam ko na hindi paghihiganti ang nais ng ford na iyon, kundi ang makuha ang anak ko at gawing kanya.
Delikado sa kanya ang anak ko. Ngayon palang ay ramdam ko na delikado ang Deo na iyon.
Ilang oras ang hinintay ko bago lumabas ang doctor na tumingin kay Lara. Agad akong lumapit rito kaya huminto ito at inalis ang face mask niya.
"Sino ho ba ang asawa ng anak niyo?"
"Wala pa pong asawa ang anak ko, Doc. At bakit niyo po hinahanapan ng asawa ang anak ko?" nagtataka ako dahil imbes na sabihin niya ang lagay ng anak ko ay iyon pa ang una niyang tinanong.
"Dahil kailangan ho para sa kalagayan ni Lara."
"Bakit, ano ba ang kalagayan ng anak ko?"
"Two weeks pregnant na ho ang anak niyo, Mr. Evangelista." sabi niya at tumingin sa patient record na hawak niya.
Napamaang ako at hindi makapaniwala sa aking narinig.
"Buntis si Lara? Pero paanong..." napatigil ako sa pag-iisip at halos sumakit ang sentido ko ng maisip na nagalaw na ng ford na iyon si Lara.
"Father, sa nakikita kong deperensya sa mata ng anak niyo ay baka mahirapan siya sa pagbubuntis niya. Kaya dapat na makausap niyo ang asawa niya o kung sino man ang ama ng pinagbubuntis niya para maalalayan siya."
"Sige ho, Doc. Ako na pong bahala sa anak ko."
"Sige ho. Kapag ayos na ang pakiramdam ng pasyente ay maaari na ho siyang umuwi... Congratulations ho."
Tinapik-tapik niya ang balikat ko at umalis na sa harap ko. Napahilot ako sa dibdib ko ng kumirot iyon dahil sa pag-ambang pamumuo ng galit sa dibdib ko.
"Armando, anong nangyari kay Lara."
Napatingin ako kay Pia na humahangos na pumunta sa akin. Huminto siya ng makarating siya sa harap ko at tila kagagaling lang niya sa lakad niya.
"Ayos na siya. Nahimatay lang dahil sa kondisyon niya."
Nanlalata na lumapit ako sa upuan at naupo.
Napahawak ako sa tuhod ko habang mariing humahawak doon ang mga kamay ko.
"Anong kondisyon?" naupo sa tabi ko si Pia habang nagtataka ang tono niya.
"Buntis si Lara."
Napasinghap siya kaya napayuko ako at nangangamba.
"Paanong nabuntis si Lara? Sinong nakabuntis sa kanya?"
"'Yung anak ni Mr. Dimitri Ford. 'Yung Deo."
"God! Ang anak ni Mr. Dimitri?" hindi siya makapaniwala at ako man ay hindi makapaniwala kung paano agad na nakuha ng batang ford na iyon ang anak ko.
"Armando, 'di ba kasama sa mafia ang pamilya ng ford? Edi, delikado si Lara?"
Napasandal ako sa upuan at napahawak sa bridge ng ilong ko dahil sa problema.
"Oo, delikado. Kaya nga dapat na mailayo ko si Lara. At dapat na hindi malaman ng Ford na iyon na nabuntis niya ang anak ko, dahil ayokong pati ang bata ay madamay."
"Pero saan mo siya dadalhin?"
"Bahala na. Basta hindi lang maabot ng kaalam ng Ford na iyon."
-
Deo
NGUMITI AKO HABANG nakaupo sa isang upuan habang pinapanood ang mga nagkakasiyahan sa party na nagaganap ngayon rito sa bar na kinuha ko para pagdausan ng party kuno ko.
Nasa paligid rin ang lahat ng tauhan ni Dad na pinadala niya para daw makasiguro sa kaligtasan ko. Ayoko sana ngunit mas tamang makinig kay Dad dahil alam kong alam niya ang lahat dahil napagdaanan na niya iyon.
Lumapit sa akin si Mo at bumulong sa akin.
"Boss, nand'yan na sila."
Tumango ako at napangisi habang nakatingin na sa entrance ng bar. Nakita ko ang pagpasok ng grupo sa pangunguna ni Steven Tan este--ni Sugo. O mas tamang sabihin na Sud Gorio Reyes. Ang anak ni Carol Reyes na pinakulong ni Dad na hanggang ngayon ay nasa piitan pa. Kaya ngayon naghihiganti si Sugo ay dahil gusto niyang makaganti kay Dad sa pamamagitan ko.
Planado nilang lahat ni Kacey o saphire ang gagawing hakbang para ako ang mapaikot nila. Nanirahan sila sa Bf Island na medyo malapit sa amin para madali nga naman na magawa nila ang plano nila. Si Saphire ang ginamit ni Sugo para akitin ako at mahulog sa bitag. Hindi naman sa ganda ni Saphire kaya ako nahulog noon sa kanya, kundi sa kainosentehan nito at kabaitan na pakitang tao lang pala. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko dahil naging gag* ako para sa pagmamahal kay Kacey na unang-una palang ay pinaglaruan na ako.
Kaya ngayon ay sila naman ang paglalaruan ko. Maging ang mga tinuring kong kaibigan na siya palang traydor na nasa paligid ko.
"Deo." bati ni Cole, king, at Gin.
"Mabuti at nakarating kayo." Ngumisi ako na kinatigil nila pero ngumisi rin sila.
"Syempre, matatanggihan ba namin ang imbitasyon mo." si Cole na may kakaibang ngisi na binigay sa akin.
"Sabagay, expected ko naman na 'yan dahil alam kong makapal ang mukha mo."
Nawala ang ngisi niya at kita ko na tila siya napikon sa sarkastikong tono ng boses ko.
"Pre, ano bang meron ay nagpa-party ka?" tanong ni Gin.
"Relax lang kayo at uminom muna kayo dahil nagsisimula palang ang party. Mamaya ko pa sasabihin ang dahilan."
Lumapit ang waitres na isa ring tauhan ni Dad na pinadala. Lahat ng tao rito ay kakuntsaba ko at lahat sila ay may koneksyon sa mafia group ni Dad. Kaya ang natatanging bisita ko lang ay sila Cole, Gin, King, Sugo, kacey, at iilang tauhan pa ni Sugo..
Alam ko na hindi malalaman nila Sugo na ang taong nasa paligid nila ay kalaban nila. Dahil mga bagong labas lang sa mafia training ang mga 'yan. Kaya mag-iingat sila dahil mamaya ay mahuhulog na sila sa bitag ko.
"Deo." lumapit si Sugo at Saphire sa akin. Kita ko ang senyasan ng mata ni Sugo at Cole ngunit hindi ko pinahalatang nakita ko iyon.
"Mabuti at dumating rin kayo. Akalain niyo, sabay pa kayong dumating." ang tuwa sa boses ko ang naging dahilan kung bakit hindi sila mapalagay, "Magkakilala ba kayo?" dagdag na tanong ko.
"Hindi, ngayon ko lamang nakita ang grupong ito." si Sugo ang nagsalita kaya tumango-tango ako at ngumisi.
"Gano'n ba. Akala ko ay magkakilala na kayo dahil tila sabay kayong dumating."
Natawa si Sugo na sinundan naman nila Cole. Pero kita ko na masyadong hilaw ang tawa nila.
"Anyways, uminom muna kayo at mamaya pa naman magsisimula ang party." sinenyasan ko ang waitres kaya inaya niya ang grupo ni Sugo.
Sinundan ko ng tingin sila Sugo hanggang sa paupuin sila sa espesyal na upuan para lamang sa kanila. Lumapit sa akin ang isang waiter.
"Boss.."
"Nalagyan niyo ba ang lahat ng inumin?"
"Yes, boss."
Tumango-tango ako at tumingin muli sa grupo ni Sugo na tinanggap ang inumin. Napangisi ako ng lihim at pasimpleng tumingin sa taas kung nasaan sila Wilson. Hindi sila p'wedeng makita pa muna nila Sugo, dahil baka manghinala sila.
Nagpatuloy ang party habang hinihintay ko ang tamang oras. Tumingin ako kela Sugo at nakita ko ang pagtayo nito bago maglabas ng baril at itutok sa akin.
"Hayop ka! Anong pinainom mo sa amin?!" hiyaw niya at ipuputok na sana niya ang baril ng bigla siyang matumba.
Gano'n din sila Cole na napahawak sa binti nila habang nanginginig. Tumayo ako habang inaalog ang baso na may lamang alak na kanina ko pa iniinom. Lumakad ako palapit sa kanila habang ngumingisi.
"Dahil ang ininom niyo lang naman ay may halong gamot na magpapawala ng gana ng inyong paa. Ano, tumalab na ba?"
"H-hayop ka!" nagawa pang makahiyaw ni Cole na lalong kinangisi ko.
Naupo ako habang nakatingin kay Cole na pilit bumabangon ngunit hindi niya kaya dahil sa panghihina ng kanyang binti.
"Bakit ikaw, hindi ka ba naging hayop para magpanggap na kaibigan kita?" tumingin ako kay Gin at King na gano'n din ang sitwasyon, "Kayo, tinuring ko kayong kaibigan pero tinitira niyo rin pala ako na patalikod."
"O-oras na mawala lang ang bisa nito, mapapatay kita. Hayop kang Ford ka!"
Tumingin ako kay Sugo at napangisi ako habang tinitignan siya na hirap na hirap. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Naupo muli ako ngunit sa harap na ni Sugo.
"Kung buhay ka pa bago pa mawala ang bisa n'yan, Sud Gorio Reyes."
Nakita ko na hindi siya makapaniwala na nalaman ko ang tunay niyang pangalan. Napahalakhak ako at tumayo bago ko sinipa ang mukha niya na kinapaling niya sa kabila.
"Akala niyo hindi ko malalaman ang tunay niyong pagkatao. Hindi mo tunay na kapatid si Kacey." tumingin ako kay Kacey na takot na takot na umatras na hindi naapektuhan ng alak na binigay ko, "Kacey na hindi tunay na kacey. Saphire Dominguez."
"P-paano mo nalaman?"
Tumayo ako at nilagok ko ang laman ng baso ko bago ko ilapag sa malapit na lamesa.. Lumapit ako kay Saphire na napapausog sa upuan. Pero bago pa ako makalapit ay may pumutok na baril kaya lumingon ako at napatingin sa isa pang kasama nila Sugo na tumumba. Napatingin ako sa ilang kasama nila Sugo na tinutukan ako ng baril pero nagtumbahan din sila. Tumingin naman ako sa gawi nila Wilson at napangisi sila sa akin kaya ngumisi rin ako at muling tumingin kela Sugo.
"Paano ba 'yan, lima na lang kayo."
Bumunot ng baril si Cole pero lumuhod ako sa harap niya at inagaw ang baril niya. Sinenyasan ko ang mga nakakalat na tauhan ni Dad kaya agad silang nagsilapitan at pinagtulungan na buhatin sila Sugo, Cole, King at Gin. Habang si Saphire ay hawak ng dalawang babae na tauhan at kinaladkad.
Dinala sila sa stage at sa pinaka-pole ay pinosasan sila. Naupo ako sa couch at nagdekwarto ng binti. Tinignan ko sila nanlalambot ang mga binti habang nakataas ang kamay at nakaposas kaya hirap na hirap sila sa pagtayo..
Pumitik ang daliri ko at biglang dumilim ang buong paligid. Pero isang iglap lang ay bumukas ang isang malaking led wall na pinasadya ko pa para sa gaganaping event ngayon. Nakatutok kela Sugo ang malaking screen hanggang sa mag-play ang video.
Pinalabas ang video kung saan ay nagpapakita ng kanilang profile. Sumandal ako sa sandalan at pinatong ko ang mga braso ko sa backrest habang seryosong tinitignan sila Sugo.
"Anak, please stop what you're doing. Kasalanan ko kung bakit ako nakakulong ngayon, kaya 'wag mong ilagay ang kamay mo sa masama."
Nagsalita si Carol Reyes, ina ni Sugo. Kita ko ang pagbagsik ng mukha ni Sugo habang pinapanood ang ina niya na ngayon ay umiiyak sa video.
"Asshole!" tumingin sa akin si Sugo habang nagpupumiglas. Nawala na ang talab ng gamot at unti-unti na rin siya nagkalakas.
"Sundin mo ang nais ng ina mo, hindi ka malalagay sa alanganin kung gagawin mo iyon."
Mas sumama ang binigay niyang tingin at pilit niyang kumakawala sa posas. Nagulat ako ng may biglang nagpaputok sa gawi ni Sugo kaya agad akong napalingon sa entrance ngunit ang pagtalikod na lang nito ang nakita ko kaya agad akong napatayo at tumakbo para habulin ito.
Pero ang pagharurot na lang ng motor ang naabutan ko kaya napakuyom ako ng kamay habang nanggigigil sa inis dahil hindi ko inaasahan ang panggulo nito at ang masama ay hindi ko nakilala kung sino ito.
"Boss!"
Nakarinig ako ng barilan sa loob kaya napatingin ako kay Vj na tumakbo palapit sa akin.
"Boss, pinagbabaril rin ang lahat ng kasama ni Sugo pati ang babae."
"Damn. Sino ang mga iyon?"
May nilabas siya na itim na panyo at sa panyo ay may logo ng isang bungo na may panyong itim sa pinakanoong bahagi no'n.
"Boss, tila may bago kayong kaaway."
Napakuyom ang kamay ko na hawak ang panyo. Nanginginig ang kamay ko sa inis dahil tila hindi talaga mauubos ang kalaban sa paligid.
"Boss, may tawag ka kay Rafy."
Agad na napukaw ang atensyon ko sa sinabi ni Mo. Agad kong kinuha sa kanya ang cellphone niya at tinapat sa tenga ko.
"Anong nangyari kay Lara at napatawag ka?"
Si Rafy ang babaeng pinabantay ko kay Lara. Kahit babae siya ay alam kong kaya niyang protektahan si Lara.
"Boss, umalis sila ng ama niya sa condo unit nila."
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone at kinabahan ako bigla.
"Nasundan mo ba?"
"Hindi, Boss. May biglang humarang sa akin kaya hindi ko na nasundan sila Miss Lara."
"f**k!" halos ibato ko ang cellphone sa lupa sa sobrang pagkabanas. Agad kong binaba ang tawag at inabot kay Mo ang cellphone niya.
"Kayo na ang bahala na maglinis ng kalat ng iba.."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin ng dalawa at agad na tinungo ko ang sasakyan. Pagsakay ko ay agad kong binuhay ang sasakyan bago paharurutin paalis sa harap ng bar.
Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang bumibigat ang hininga ko. Niluwagan ko ang necktie na suot ko at napapalo ako sa manibela habang iniisip kung saan pupunta sila Lara.
Tinungo ko ang dati nilang bahay na kapitbahay ko lang, pero walang kailaw-ilaw sa buong bahay hudyat na wala parin sila doon. Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Rafy.
"Saan sila patungo sa tingin mo?"
"Boss, sa airport."
Nang sabihin niya iyon ay agad kong niliko ang sasakyan kung saan ang daan patungo sa airport.
"Damn! Damn this traffic!" napahilot ako ng sentido ko habang hindi ako mapakali. Malakas na pinalo ko ang busina sa pagkabanas, "s**t. 'Wag mong susubukan na umalis, Lara. 'Wag na 'wag."
Nang umusad na ang mga sasakyan ay sinikap ko na makisingit para agad na makarating sa airport. Nang sa wakas ay makarating ako ay agad akong bumaba at hindi ko na inabalang isara ang pinto basta tumakbo na ako papasok ng airport.
Kinapkapan pa ako ng security guard at agad ding pinapasok kaya nagmadali ako. At nang makapasok na ako ay nilibot ko ang tingin ko. Agad na tinakbo ko ang mga byahe ngayon na nakapaskil, pero hindi ko naman alam kung alin d'yan ang pupuntahan nila Lara. Napasabunot ako sa buhok habang hindi ako mapakali na sinusuyod ng tingin ang buong airport.
Nilabas ko muli ang cellphone ko at tinawagan si Dad. Ilang saglit rin ay sinagot niya kaya huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Dad, umalis si Lara kasama ng ama niya. Magagawa niyo po kayang alamin kung saan siya nagpunta?"
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago siya umimik.
"Tumawag siya kanina sa Mom mo at alam na niya ang tungkol sa paghihiganti mo kaya mo lang daw siya nilapitan."
Napamaang ako at napalunok habang hindi ko mapigilan na mapamura sa isip.
"Dad, kaya niyo ba siyang ma-detect kung nasaan siya?"
"Kaya kung idadaan ko sa kaibigan kong si Vega."
"Thanks, Dad. Hihintayin ko ang balita niyo."
Pagkatapos ng tawag ay binulsa ko ang cellphone ko at naglakad na palabas ng airport. Hindi p'wedeng malayo sa akin si Lara, dahil ikababaliw ko kapag nangyari iyon.