Kabanata 13

4336 Words
KABANATA 13 IMBITASYON SOMEONE's POV NAPATITIG AKO SA imbitasyon na inabot sa akin ni Kios. Imbitasyon mula kay Deo.. "Para saan naman ang imbitasyon na ito?" tumingin ako kay Kios na nakiba't balikat tila walang nalalaman sa pinadalang imbitasyon ni Deo. "Ang nakakapagtaka, bakit ako ang binigyan niya ng imbitasyon? Maging si Saphire." Binuga ko ang usok na nagmumula sa hinihithit kong sigarilyo. Napaisip rin ako doon at napangisi rin kalaunan. "Pumunta ka, Kios. At tila magiging maganda ang mangyayari sa party niya." Ngumisi si Kios at tumingin kela Gin at King. Tila iisa lang ang naiisip namin at iyon ang oras para magbigay muli ng panibagong surpresa kay Deo. "Boss! Boss!" Agad na bumaling ang paningin namin sa humahangos na si Otap. Pawisan at tila namumutla na hindi ko alam kung ano ang dahilan. "Bakit?" pinagpatuloy ko ang paghithit ng sigarilyo habang nakatingin kay Otap. "Si Ford, nandito!" Agad na nabitawan ko ang sigarilyo at napatayo ako sa sinabi niya.. Agad na sinenyasan ko sila Kios na magtago dahil ayokong masira ang plano namin.. Maganda na maging palaisipan parin kay Deo kung sino nga ba ang kalaban niya, para madali ko na lang siyang mapapabagsak. Muli akong naupo sa sofa at hinintay si Ford. Pumasok ito kasama ni Saphire. Kaya tinignan ko si Saphire ng matalim habang sinesenyasan siya kung bakit narito si Deo. "Steven, bakit tila hindi ka na-surpresa ng makita mo ang kapatid mo?" seryosong tanong na pamungad ni Deo. Tumayo ako at iniba ko ang reaksyon ko na may gulat at halong saya. "P-Paanong buhay pala siya? Kacey, buhay ka talaga?" nakita ko ang pagngisi ni Saphire na lihim kong kinahalakhak. Madali lang naman na um-acting, basta 'wag lang makahalata ang ford na ito. "Yes, she's alive.." Agad akong lumapit kay Saphire at niyakap siya na para bang nangungulilang kapatid. "Bakit siya narito at kasama mo?" bulong ko na tinitiyak ko na hindi aabot sa pandinig ni Deo. "Hindi ko alam. Ang sabi niya ay gusto niya na siya mismo ang magdadala sa akin sa 'yo." Bumitaw ako ng yakap at tumingin kay Deo na seryoso lang habang pinagmasdan kami. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang balikat niya at tinapik-tapik. "Paano mo siya nakita? At paanong nangyari na buhay siya?" "Tanungin mo siya. Siya ang nakakaalam ng lahat." Parang wala lang sa kanya ang sinasabi niya dahil busy na rin ang mga mata niya na nililibot ang tingin sa buong paligid ng bahay ko. Tumingin ako kay Saphire at sinenyasan siya na pukawin ang atensyon ni Deo. Dahil kapag nabuking kami ay tiyak na magkakandaleche-leche ang plano ko. "Ah, Kuya, may kumuha kasi sa akin nung naaksidente ako at tinulungan ako na magpagaling sa loob ng tatlong taon. At nagka-amnesia rin ako kaya hindi agad ako nakauwi agad sa inyo. Pero nang manumbalik ang alaala ko ay si Deo agad ang pinuntahan ko." Napatingin si Deo kay Saphire ng hawakan siya sa braso. Ngumisi ako ng palihim dahil d'yan magaling si Saphire at tila kaya parin niya na mauto si Deo. "Ah, gano'n pala ang nangyari..." sabi ko habang nagkatinginan kami ni Saphire na ngumisi sa akin. Tumingin ako kay Deo na napatingin sa akin kaya ngumiti ako. "Salamat at dinala mo siya rito, Deo. Pasensya na rin kung dati ay napagsalitaan kita ng masama." Tumingin siya sa kamay ko na nasa balikat niya kaya agad kong inalis at naglakad ako patungo sa sofa at naupo. Tumingin ako kay Deo na nakatingin sa akin. "Meron akong party mamaya at gusto kong pumunta ka rin kasama si Kacey." Tumingin ako kay Saphire na ngumiti sa akin at alam ko na ang nginingiti niya. Kung tinamaan ka nga naman ng swerte, hindi ko na pala kailangan na ipag-utos pa kela Kios ang lahat, dahil ako mismo ang makakagawa ng maluwag sa party. "Of course pupunta ako, Deo. Matatanggihan pa ba kita, boyfriend ka ng kapatid ko." Ngumiti siya at tumango sa akin. Kakaiba ang ngiti niya ngunit binalewala ko iyon dahil ganyan naman ngumiti ang walang kwentang ford na ito. "Aasahan ko iyan, dahil sinisiguro ko sa inyo na magiging masaya kayo sa party ko." Tumango ako at ngumiti pero napaisip ako sa sinabi niya. Tumingin siya kay Saphire na agad namang ngumiti ang gaga. "Mauna na ako at maghahanda pa ako para sa party." paalam niya. "Sure." ngumiti ako sa kanya kaya tumango siya at tumalikod na. Ngumisi kaming dalawa ni Saphire at tumingin kay Deo na naglalakad na palabas. Pumorma ang isang kamay ko at mga daliri ko na parang isang baril at animo'y binaril si Ford. "This is it, Sugo. Tapusin mo na si Ford mamaya para matapos na ang paghihiganti mo." Tumingin ako kay Saphire at ngumisi ako habang lumalapit sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya na kinangiti niya, kaya ngumisi ako at bumaba ang kamay ko pababa sa leeg niya. Mariin kong hinawakan ang leeg niya na kinawala ng ngiti niya at napahawak siya sa kamay ko habang namumula ang mukha niya sa kawalan ng hininga. "Akala mo ba ay hindi ko alam na wala kang ginagawa para sundin ang utos ko sa 'yo. Nalaman mo lang na nasa paligid ang Dimitri na iyon ay nabahag na ang buntot mo." "S-Sugo, please, magpapaliwanag ako.." "Anong paliwanag naman ang sasabihin mo?" mas dumiin ang mga kamay ko sa leeg niya na halos bumaon na ang daliri ko sa leeg niya. "T-Tingin ko kasi ay may alam si Dimitri kung sino ba talaga tayo.. K-kaya iniiwasan kong mangyari na magkita kami, dahil baka sa harap pa ni Deo niya tayo mabuking...Acckk!" Binitawan ko ang leeg niya kaya napaubo siya habang habol ang hininga at hawak ang leeg niya. Napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya.. Pero malabo na makilala niya kung sino ako, dahil sinisiguro ko na wala ni isang bakas ng pagkatao ko ang makakaalam. - Deo SINIPAT KO ANG baril habang maingat na nililinis ito.. Tiyak na lasog-lasog ang katawan na tatamaan nito dahil sa lahat ng baril ni Dad ay ito daw ang pinakamalakas. "Deo, paano mo nalaman kung sino si Steven Tan?" Tumingin ako kay Wilson at ngumisi. Pinagpatuloy ko muli ang paglilinis habang hindi ko mapigilan na maningkit ang mga mata ko habang iniisip ang nangyari nung nakaraan. "Kacey, mabuti at hindi ka nagtampo ng paalisin kita.." Tumingin ako sa kanya habang nakangiti at nakaupo habang magkaharap kami. Narito kami sa isang coffee shop kung saan sinabi ko na magkita kami. "Hindi naman, dahil nauunawaan kita." ngumiti siya at nilapag ang dala niyang bag sa isang upuan ng makaupo siya. Nilihis ko doon ang tingin ko at tumingin ako sa kanya habang nakangiti parin. "Order muna tayo. Anong gusto mo?" "Ice coffee na lang." tumango ako at sinenyasan ang waiter. "Yes, Sir." "Two ice coffee and orange cake." "Is that all, Sir?" tanong sa akin ng Waiter kaya tumango ako kaya nagpaalam na ito at umalis. Humarap muli ako kay Kacey na nakatingin sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. "Oo nga pala, hindi ka pa ba magpapakita sa kapatid mo?" Tumaas ang isang kilay niya tila ba hindi niya alam ang sinasabi ko. Lihim akong napangisi habang tumatapik-tapik ang kamay ko sa lamesa. "Wala naman akong---" napahinto siya at nasamid kaya humawak siya sa bibig niya habang nakaiwas siya sa akin ng tingin. "Are you okay?" tumango siya sa tanong ko na kinangiti ko, "Anong nga ba ang sasabihin mo?" Inalis niya ang kamay sa bibig at peke na ngumiti sa akin. "Ang ibig kong sabihin ay wala naman si Kuya sa bahay nung magpunta ako, kaya hindi ko pa siya nakikita." Tumango-tango ako habang lihim na napangisi. Sige, galingan mo pa, Kacey.. Dahil oras lang na makumpirma ko ang lahat ay tingnan ko kung magawa mo pang makapagsinungaling. Dumating na rin ang in-order namin at agad siyang humigop ng ice coffee habang hindi siya makatingin sa akin. Binaba ko ang kamay ko sa ilalim ng lamesa at pasimpleng dinikit ko ang isang recording device. Nang maikabit ko ay pinindot ko na ang button para mag-start na mag-record. "Kacey, rest room lang.." paalam ko na kinatango niya kaya tumayo na ako at naglakad patungo sa alam kong banyo.. Pero nagtago lamang ako sa isang pader at nilabas ko ang cellphone ko. May pinindot akong apps at lumitaw ang nire-record ko. Naglo-loading na ito, kaya ang ibig sabihin lang no'n ay nagsasalita si Kacey. Napangisi ako at imbes na sa banyo magpunta ay nagpunta ako sa likod ng coffee shop. Tinawagan ko si Vj na siyang pinagbabantay ko kay Lara habang busy ako sa pag-aayos sa mga kalaban ko. "Boss?" "Kamusta si Lara?" "Okay naman siya, Boss. Pero napapansin ko na may isang lalake na palaging pinupuntahan siya. Hindi ko lang makita ang mukha dahil laging nakasumbrero at nakasalamin sa mata.. At tingin ko ay kakilala naman ni Miss Lara, dahil nakikipagkwentuhan pa rito si Miss Lara." Napatiim-bagang ako sa ni-report ni Vj. Uminit ang ulo ko na kanina ay malamig. Ang kamay ko ngayon ay mariing napapakuyom. "Nand'yan ba ulit? Nasaan sila?" "Yes, Boss. Narito sila sa baba lang ng condominium na tinutuluyan ni Miss Lara." "Good. Bantayan mo sila at 'wag na 'wag mong pababayaan si Lara. Papunta na ako d'yan." Pagkatapos kong magbilin ay binaba ko na ang tawag habang kinakain ako ng matinding selos ko. Agad akong bumalik sa loob ng coffee shop at pagbalik ko ay nakita ko na may kausap sa cellphone niya si Kacey. Pero nang mapansin na pabalik na ako ay agad niyang binaba ang cellphone para putulin ang tawag. "Sorry, natagalan." sabi ko ng makaupo ako sa upuan ko at tumingin sa kanya na ngumiti sa akin. "It's okay... By the way, I need to go, Deo. Kailangan ko kasing puntahan ang kaibigan ko, may usapan kasi kami." "Sure." tumango ako sa kanya na kinangiti niya. Agad siyang tumayo at nakita ko sa mata niya ang napupuyos na galit bago siya umalis sa harap ko. Nang makaalis siya ay pasimpleng kinuha ko ang device at binulsa.. Kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng dalawang libo para sa bayad sa in-order namin. Nilapag ko lang sa lamesa ang bayad at agad na rin akong tumayo. Pagdating sa kotse ay agad kong binuhay ang sasakyan.. Pero bago ko paandarin ay kinabit ko sa cellphone ang device at pinasak ko ang head set sa tenga ko bago ko paandarin ang sasakyan. Narinig ko ang boses ko na nagpapaalam para magbanyo at rinig ko rin ang ilang kaluskos sa background. (Sugo, where are you? Sugo! Argh.. Hello, Kios? Nasaan si Sugo? Bakit hindi niya ako sinasagot?) (Pinuntahan niya ang babaeng gusto niya at dahil hinahanap mo siya sa akin ay tingin ko ay hindi ikaw iyon.) Cole? Si Kios siya? (Bwisit! Ako ay nagpapahirap na utuin si Deo, tapos siya ay nagpapakasaya lang! Kung sabihin ko kaya kay Deo na ang Steven Tan na kapatid ko kuno ang kalaban niya.) (Gaga! Papatayin ka ni Sugo at kapag sinabi mo kay Deo ang lahat ay tiyak na kasama ka rin na ibabagsak. Kaya subukan mong ibagsak ang grupo, kundi ako na mismo ang magpapabagsak sa 'yo!) Narinig ko ang pagbaba ni Cole sa tawag.. Napahigpit ang hawak ko sa manibela dahil lumabas ang nais kong malaman.. At bonus pa dahil nagkaroon pa ng karagdagang kaalaman sa akin kung sino nga ba si Cole. Damn. Mali na siya ang naisip kong leader ng nagpapadala sa akin ng dead threat, pero tama rin pala ang kutob ko na hindi ko tunay na kaibigan ang tulad ni Cole, o mas tamang sabihin na si Kios. Sugo? Steven Tan ay hindi tunay na Steven Tan. Ang tunay na pangalan niya ay Sugo. Kailangan kong malaman kung sino ka ba talaga Sugo. Hininto ko na ang sasakyan sa harap ng condo na tinutuluyan ni Lara. Agad kong binigay sa security guard ang susi ng kotse ko at naglakad ako papasok. Hinanap ko sa lobby kung nasaan si Lara.. Nakita ko si Vj at nginuso niya ang dereksyon ni Lara kaya lumipat doon ang paningin ko. Nakita ko ang pagtayo ng lalake at nagmadali akong lumapit ng makita ko ang paghalik nito sa pisngi ni Lara. Pero agad ding umalis ang lalake na hindi ko nakita ang mukha, kaya napasunod na lang ang tingin ko rito. Naglakad ako palapit kay Lara at nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang hinaklit sa braso para itayo. "Who's that man, Lara?" galit kong tanong sa kanya habang mariin kong hawak ang isang braso niya. "D-Deo?" "Ako nga.. At kitang-kita ko na nagpahalik ka sa lalakeng iyon!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil kinakain ako ng matinding selos sa nakita ko. "N-Nasasaktan ako." aniya pero hindi ko siya binitawan at kinaladlad ko siya. Dinala ko siya sa walang taong tumitingin sa amin at sa fire exit ko siya dinala. Sinandal ko siya sa pader at kinorner. "Sino ang lalakeng iyon, ha!?" "S-si Gian lang iyon, kaibigan ko." Napatawa ako ng pagak dahil sa sinabi niya. Hinawakan ko siya ng mariin sa balikat habang tinitignan. "Kaibigan pero nagpapahalik ka!" mariin kong sabi sa kanya. "Hindi ko naman alam na hahalikan niya ako." Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at nakita ko ang pag-iwas niya na kinangisi ko. "Bakit ako, ilalapit ko palang ang mukha ko ay nararamdaman mo na agad, ha?" maanghang kong tanong sa kanya na kinayuko niya. Hinawakan ko ang baba niya at inangat para makita ko ang mukha niya. "Sa susunod na makita kong kausap mo ulit ang lalakeng iyon at magpahalik ka pa, patay ka sa akin." Inalis niya ang kamay ko sa baba niya at tinulak ako sa dibdib kaya umatras ako at napalayo sa kanya. "Hindi ko alam kung anong nangyayari sa 'yo, pero kaibigan ko si Gian. At nauna siya kesa sa 'yo." Hindi ako makapaniwala na napatingin sa kanya. Ngumisi ako at humakbang muli palapit sa kanya. Ginitgit ko siya sa pader na kinayuko niya kaya hinawakan ko ang baywang niya at pinulupot ko ang braso ko sa baywang niya. "Masama akong magselos, Lara. Kaya 'wag mong idadahilan sa akin ang ganyan.. At kahit na nauna mo siyang nakilala ay ako naman ang nagmamay-ari sa 'yo ngayon." Gumapang ang isang kamay ko paakyat sa likod niya hanggang sa umabot sa batok niya. Pinakatitigan ko si Lara na sobra kong na-miss. "Paano ko matatapos ang ginagawa ko kung inaabala mo ako, ha?" "Paanong inaabala?" inosente niyang tanong. Ngumiti ako habang nakatitig sa labi niya na mapupula. "Basta, 'wag na 'wag kang makikipagkita muli sa Gian na iyon, maliwanag ba?" Ngumuso siya kaya hindi na ako nakatiis at binaba ko ang mukha ko para maabot ang labi niya. Sabik na sinakop ko ang malambot niyang labi at napangiti ako ng tumugon siya. Pumikit ako habang pahigpit na pahigpit ang yakap ko sa kanya at lumalalim na rin ang halikan namin. Umiinit ang pakiramdam ko kaya hindi ko mapigilan na bumaba ang isang kamay ko na nakahawak sa baywang niya pababa sa pang-upo niya. Bumitaw siya ng halik ng pisilin ko ang pang-upo niya na ramdam na ramdam ko dahil sa suot niyang skirt na manipis. Hinabol ko muli ang labi niya at hindi ko hinahayaan na makaalis siya. "Hmmmp---D-Deo.." ungol niya habang pilit na umaalis sa halik ko. Binitawan mo ang labi niya at tumingin ako sa paligid. Tumingin muli ako sa kanya at napakagat ako ng labi ng makita ang pagkapula pa ng labi niya. "Nasa condo niyo ba ang ama mo?" "Wala." Napangiti ako ng pilyo sa naging sagot niya. Agad kong inalis ang pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko siya sa kamay. Inakay ko na siya at lumabas kami ng fire exit. Paglabas namin ay nagulat pa ako ng tahulan ako ni Saver na nakaabang pala sa amin. Kinuha ko ang tali niya at hinila ko na rin ito kasama ng amo niya. Pagpasok sa loob ng condo na malaki at parang isang buong bahay nila. Binitawan ko ang tali ni Saver kaya nagtatakbo-takbo na ito. Tahimik at walang istorbo na siyang kinatuwa ko. Tumingin ako kay Lara na tahimik lang na kinangiti ko. "Saan ang kwarto mo rito?" Tanong ko. "Bakit?" "Basta, sabihin mo na lang." "Sa kanan." nang sabihin niya iyon ay tumingin ako sa kanang bahagi at doon ay may nakita akong pinto. Inakay ko siya palapit doon at pumasok kami. Ni-lock ko ang pinto at tumingin ako sa kanya na nakayuko. Binitawan ko ang kamay niya at humawak ako sa baywang niya na kinakislot niya. "I miss you.." namula siya at napayuko na naman na kinangiti ko. Hinapit ko siya palapit sa akin na kinasinghap niya, kaya lalo akong napangiti, "Hindi mo ba ako na-miss?" bulong na dugtong ko. "N-na-miss.." nahihiya siya at nasa kanya parin ang ilang tuwing lumalapit ako at hinahawakan siya. "Mabuti naman. Dahil ako ay sobra kitang na-miss at lalo akong nanabik na makita kita na ganitong kalapit." "D-Deo.." napahawak siya sa kamay ko na bumaba sa pang-upo niya. Pinisil ko ang matambok niyang pang-upo na kinabigat ng hininga ko. "May sinasabi ka?" halos pabulong kong tanong sa kanya at nilusot ko ang mga kamay ko sa skirt niya. Napasubsob siya sa leeg ko kaya napakagat ako ng labi at binuhat siya habang nakapulupot na ang mga binti niya sa baywang ko. Maingat na hiniga ko siya sa kama niya. Tinukod ang mga braso ko sa pagitan ng mukha niya. Tinitigan ko siya habang siya ay napahawak sa dibdib ko animo'y pipigilan ako. Bumaba ang mukha ko at dinampian ko ng halik ang labi niya. Nung una ay panaka-naka, pero hindi ko na napigilan kaya hindi ko na tinigilan ang labi niya. Buong puso ko siyang hinalikan habang palalim ng palalim ang aking halik. Nasiyahan ako ng tumugon siya kaya mas naging agresibo ako sa paghalik sa kanya. Kinuha ang mga kamay niya na nasa dibdib ko at dinala ko sa taas ng ulo niya upang ipirmi doon. Binigay ko na ang buong bigat ng katawan ko kung kaya lapat na lapat ang aming katawan. Bumaba ang isang kamay ko para haplusin ang isang binti niya nasa baywang ko. Nakapagitna ako sa mga binti niya kaya malaya ang kamay ko na haplusin ang binti niya. Binitawan ko ang labi niya at bumaba naman ang labi ko sa leeg niya upang singhutin ang bango niya at halik-halikan ang bawat balat na madadaanan ng labi ko. "D-Deo, baka dumating si Dad.." "Shhh..." sinuway ko siya kaya natahimik siya. Ngumiti ako at bumaba pa ang labi ko. Binitawan ko ang kamay niya at humawak ako sa butones ng blouse niya. At dahil nahihirapan ako sa pag-alis kaya pwersahan kong sinira na lang ang blouse niya na kinatalsik ng mga butones ng blouse niya. "Deo!" napasinghap siya sa ginawa ko at pinigilan ang kamay ko pero ngumisi lang ako at tumingin sa dibdib niya na natatakpan ng itim na bra niya na lalong kinaalab ng nararamdaman ko. "This is mine, Lara. Understand?" mariin kong sabi sa kanya habang madiin kong pinapahawak ang mga kamay ko sa dalawang korona niya. Napadaing lamang siya kaya lalo kong pinanggigilan ang dibdib niya. Tinaas ko ang bra niya na kinabunyag ng dibdib niya na kinalunok ko. Damn. Damn. Mas kaakit-akit at nakakapanglaway. Para akong tanga na tumititig habang malaya ang mga kamay ko na pumipiga sa dibdib niya. Tumingin ako kay Lara habang napapalunok. Pagkatapos ay tumingin muli ako sa dibdib niya. Nilapit ko ang bibig ko at hayok na hinalikan ko ang kanang dibdib niya. Mas nagiging hayok ako sa binibigay na reaksyon ni Lara na nakikiliti sa binibigay kong halik sa dibdib niya. Salitan kong binusog ang bibig ko sa katam-tamang laki ng kanyang dibdib. Hindi ko pinansin ang daing niya sa tuwing kinakagat ko ang tuktok ng dibdib niya. Ngayon lamang ako naging marahas at hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko siyang panggigilan. Binitawan ko ang dibdib niya na halos napakapula na sa sobrang gigil ko. Ginagalang ngayon ng aking labi ang bawat balat niya na nadadaan ng labi ko, hanggang umabot sa mga daliri niya sa paa na hindi ko mapigilan na pati doon ay maakit. Nang magsawa ako ay pinagparte ko pa ang mga binti niya at gumapang muli ako sa binti niya hanggang sa umabot ako sa pinakanakakaakit sa lahat. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakapikit ang mga mata habang nakahawak sa kanyang tiyan. Ngumisi ako at tumingin sa tiyan niya na may namumuong plano sa isip ko. Nilihis ko ang skirt niya at maging ang black panty niya. Tumitig ako sa napakaganda niyang kayamanan at sinungaban ko na upang aking ariin. Napahalinghing siya sa tuwing pagaganahin ko ang aking labi at dila na siyang kinaagresibo ko pa. At hindi ko tinantanan pa ang p********e niya. Pigil ng mga kamay ko ang binti niya sa tuwing maglilikot siya, kaya pinirmi ko ito habang walang sawa ang labi ko at dila sa pagpapaligaya sa kanya. Nang manginig siya ay ngumisi ako at tinigilan na siya. Hinubad ko ang lahat ng saplot ko at maging ang kanya. Pinantayan ko siya at muling sinakop ang labi niya habang lapat na lapat ang pareho naming hubad na katawan. Kinuha ko ang mga kamay niya at pinagsiklop ko ang aming daliri. Pareho kaming napasinghap ng pasukin ko siya. Pinagpatuloy ko ang pagsakop sa labi niya habang marahan akong gumagalaw sa ibabaw niya. Halos ibaon ko siya sa kama niya sa sobrang diin na ginagawa ng aking katawan sa kanya. Bumitaw siya ng halik at napabuka ang labi niya ng bilisan ko na ang galaw. "Anak! Narito na ako!" Napadilat siya at nakita ko ang kaba sa mata niya ng marinig namin ang pagtawag ng kanyang ama na dumating na. Agad kong tinakpan ang bibig niya ng ambang magsasalita siya. "Anak, may dala akong pagkain. Halika na at nang makakain ka na!" Humawak siya sa dibdib ko at kamay ko na nasa bibig niya para alisin ako sa ibabaw niya, pero kinuha ko ang isang kamay niya habang nakatakip parin ang isang kamay ko sa bibig niya. "Shhh... Sabihin mo na kumain ka na at matutulog ka." bulong ko sa kanya. Tumigil siya sa pagpupumiglas kaya dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa bibig niya. "B-Busog pa po ako... Kakain na lang po ako mamaya." Napangiti ako sa sinabi niya at muli ko siyang hinalikan sa labi habang patuloy ko siyang inaangkin. "Good girl.." bulong ko ng tigilan ko saglit ang labi niya. Hindi ko na narinig ang pagsigaw ng ama niya kaya muli kong sinakop ang labi niya at bumilis pa ang galaw ko. Niyakap ko siya habang pareho na kaming pawisan dahil sa hindi nabuhay na aircon. Binitawan ko ang labi niya at sumubsob ako sa leeg niya. "D-Deo.." ungol niya kaya tinakpan ko muli ang bibig niya. "Shhh.. Marinig tayo ng ama mo. Ayokong mahuli tayo at ilayo ka naman." bulong ko sa kanya at napakagat ako ng labi. Naramdaman ko ang pagtango niya kaya inalis ko ang kamay ko sa bibig niya at mas bumilis pa ang galaw ko. Matagal ang naging pagtatalik namin dahil halos pigilan ko ang nararamdaman ko, pero alam ko na aabot din ako sa puntong iyon. Napahinga ako ng malalim at isang mariing pagpasok ang ginawa ko sa kanya bago ako nanginig habang mahigpit na yakap siya. Hingal na hingal ako at tumingin sa kanya na hingal na hingal rin ng sabay naming maabot ang rurok ng sarap. Hinalikan ko muli siya sa labi at hindi na siya nakatanggi at tumugon rin. Bumitaw ako ng halik at tumingin sa kanya habang hawak ko na ang mukha niya. "'Wag ka munang lalabas ng condo unit niyo at 'wag na 'wag kang makikipagkita o makikipag-usap kung sino hanggang sa hindi ko natatapos ang problema ko. Maliwanag ba?" "P-pero bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" Ngumiti ako at hinawakan siya sa baywang. Hinila ko siya kasabay ng pag-upo ko habang siya ay inayos ko ng upo sa kandungan ko paharap sa akin. Niyakap ko siya habang nakatitig sa mukha niya na hindi ko pagsasawaan titigan. "Dahil naging busy ako sa pag alam ng lahat. At oras na matapos lang ang lahat ng iyon ay ipinapangako ko na dadalhin na kita kung saan ako tumira at lumaki. At hindi na kita bibitawan pa, Lara." Napangiti siya sa sinabi ko kaya ngumiti ako at kinantilan syya ng halik muli sa labi dahil nakakagigil talaga ang labi niya. "Talaga? Dadalhin mo ako sa lugar niyo? Hindi ba nakakahiya sa parents mo at sa pamilya mo?" "Hindi, dahil tiyak ako na matutuwa sila kapag nakita kang kasama kita." Napangiti siya lalo at yumakap sa akin bago ipatong ang ulo sa balikat ko. Hinaplos ko ang buhok niya at likod habang napapangiti ako kapag naiisip ko na ang plano ko para sa aming dalawa. Kaya hindi ko na dapat patagalin pa ang lahat. Ayokong mapahamak pa si Lara bago ako kumilos. Mahal na mahal ko na ang babaeng ito kaya hindi ko magugustuhan kung sakali na siya ang kantiin nila Sugo o Steven Tan. "Boss." Nagbalik ako sa sarili ng pukawin ako ni Mar. Tumingin ako kela Wilson at napailing bago ilagay ang kaha ng bala sa baril. Masyadong napalalim pala ang pag-iisip ko sa nakaraan kaya hindi ko namalayan na napatulala ako. Sinuksok ko na ang dalawang baril sa pantalon ko sa gilid at likod habang nakatingin sa kanila na tumayo na rin. "Tsaka ko na sasabihin sa inyo ang lahat, dahil kailangan na nating maghanda para sa pasabog mamaya sa party ko." Ngumisi sila at naglagay na rin ng mga baril sa kanilang katawan. "Let's go." aya ko at inayos ko ang kurbata na suot ko habang naka-formal suit ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD