KABANATA 23 I WILL MARRY YOU Lara "Samahan na kita, babe." Napaidtad ako sa gulat ng magsalita bigla si Deo. Hinawi ko ang kamay nya sa pagkakahawak sa braso ko. "Ano na naman ang ginagawa mo rito?" Mula ng araw na muli kaming nagtagpo ay palagi na syang nangungulit at nag-aabang sa labas ng bahay namin.. Palagi din syang nagpapaabot kay Ate Lourdes ng mga pagkaing pinaglilihian ko parin. "Babe, patawarin mo na ako. Hindi na ako nambababae." Umirap ako at nagpatuloy sa paglalakad habang hawak ang tali ni Saver. Malapit na akong manganak kaya dapat na maglakad-lakad ako para maginhawa raw na maidelivery ko ng maayos ang baby ko. "Ang laki na ng tiyan mo, babe. Bagay pala sa'yo ang magbuntis." Nag-init ang pisngi ko pero hindi ko pinahalata at umirap ako. Bigla akong hinawakan

