KABANATA 24 PAMAMANHIKAN Lara "Anak, bakit naman nagpa-uto ka kaagad sa Ford na iyan? Hindi mo man lang pinahirapan?" Napahinga ako ng malalim at humawak sa braso ni Dad habang narito kami sa kwarto ko at alam kong nakatayo kami sa pinto ng veranda ko. "Dad, mahal ko naman po si Deo. At alam ko po at ramdam ko kung gaano sya nagbago, nagsisi, at kung gaano nya ako kamahal. At pagpapakipot pa po ba ako? Buntis na nga po ako. Tsaka ayoko pong ilabas ko ang baby namin na hindi kami ayos." Napabuntong-hininga sya at hinaplos ang balikat ko matapos nya akong akbayan. "Napakaswerte ng lalakeng iyan at maunawain ka, Anak. Manang-mana ka sa Mom mo na kahit sobra ang binigay kong heart break sa kanya ay tinanggap pa rin nya ako." Napangiti naman ako ng banggitin nya si Mom. Tama ang sinabi

