MAAGANG gumising si Rendell para tumungo ng ospital. Nasa banyo siya habang nagse-shave ng kaniyang mukha nang marinig niya ang tawag mula sa kaniyang cell phone. Nasa malapit niya ito saka niya tiningnan ang caller. Raven is calling? His forehead wrinkled when he slide the call to answer it and the speaker on. Hindi pa siya nakapag-hello rito ngunit ito na agad ang bumungad sa kaniya. “Bro, I am here at the airport. I am traveling to Dubai to spend my cruise ship for twenty days. I just called to let you know,” Raven said over the phone. “Tumawag ka pa talaga para sabihin sa akin iyan? Naiinggit ka ba talaga?” Nagpatuloy lang siya sa kaniyang ginagawa. “Yeah. Tumawag din ako para sabihin sa iyo na kailangan ko pa rin ng proteksiyon. Gawin na lang kaya kitang bodyguard? Magkano ba ang

