Love? Tila dinurog ang puso ni Rendell nang marinig nitong may kausap ang dating nobya sa kabilang linya. Sa tagal ng panahong hindi sila nagkita at nagkausap ay hindi pa rin niya matanggap kung sakaling may mahal na itong iba. Ngayon na may narinig siyang kausap nito at dama niyang masaya ang dating nobya, tila binuhusan siya ng malamig na tubig. Labis siyang nasaktan sa bagay na natuklasan niyang may ibang lalaki na sa buhay nito. And the moment that he still loves her for almost seven years. Ngayong kaharap na niya ito ay gusto niya itong yapusin at ipadama rito na mahal na mahal pa rin niya ang babaeng una niyang minahal at huling mamahalin. Subalit ibang-iba na ang aura ng Riexen na nakilala niya noon kumpara ngayon. Habang pinagmamasdan niya ang kabuuan nito ay marami na ang nagbag

