INILIBOT ni Riexen ang mga mata niya sa NAIA Terminal 1 matapos niyang makuha ang bagahe niya at tumungo na siya sa arrival area. Ilang taon din niyang hindi nasilayan ang paligid at sa wakas ay nakatuntong din siya ng Pilipinas. Maraming mga pagbabago sa paligid ngunit hindi pa rin nagbago ang mga taong labas pasok sa Terminal 1. Paglabas naman niya ng arrival area ay nakita na niya ang kaniyang tiyuhin na si Doctor Jeron Clave na agad din na sumalubong sa kaniya. “Riex!” Sabay yumakap ito sa kaniya. “Tito…” Gumanti rin siya ng pagkakayakap sa tiyuhin na matagal na nitong hindi nakikita. Pinasadahan siya nito ng tingin matapos itong humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya. “Welcome back, hija. Mukhang ibang-iba ang dating mo at halos hindi kita nakilala,” komento nito. “For a change,

