KINABUKASAN, inihatid ni Rendell ang kaniyang nobya sa tinutuluyan nito dahil may mahalagang tawag siya mula sa kanilang opisina sa France. Nauunawaan na man nito ang bagay na iyon dahil on call ang trabaho niya. Nagkasundo na rin silang sa susunod na lang nila itutuloy ang kanilang naudlot na kasiyahan. And now, he’s complacent to know that he’s finally owned her. Hinding-hindi niya iiwan ang babaeng nagbigay ng tunay na kasiyahan para sa kaniya. “I’ll be back by tomorrow morning, love.” Kinintalan niya ng halik sa labi ang nobya. “Okay, love. Just take care of yourself,” she said. Bahagya siyang ngumiti habang nakatitig sa mga mata ng kaniyang nobya. Kanina pa siya may naramdaman na hindi siya mapakali rito ngunit isinantabi niya iyon dahil baka wala lang. Matapos siyang makapagpaalam

