PAPASOK na si Riexen sa kanilang bahay sa Forbes Park habang matamlay at wala siya sa sarili. Kagagaling lang niya sa isang Ob-gyne at nalaman niya ang isang bagay na mas lalong nagpapagulo ng kaniyang sitwasyon. She’s six weeks pregnant and she doesn’t know how to tell it to his father. Isang buwan mahigit na rin mula nang bumalik sila galing ng UK at isang buwan na rin na hindi nagpaparamdam sa kaniya si Rendell. Napakasakit pa rin sa kalooban niya ang nangyari dahil naglahong parang bula na lang ito at ni hindi na siya kinausap pa. “Riexen!” Bumalik siya sa naturang pangyayari nang dumadagundong na naman ang boses ng kaniyang ama habang papalapit ito sa kaniya. Mula rin noong dumating sila ay lagi na lang itong nakasigaw sa kaniya o kaya naman ay mainit ang ulo. Hindi niya alam kung b

