“Doc Riex?” “Yes?” Hindi niya tiningnan ang assistant niyang nurse dahil abala siya sa kaniyang mga paperworks sa ospital. Kakatapos lang niyang mag-check ng mga records ng ilang mga patient na may rare case at tumutulong din siya sa ibang doktor upang mapadali ang mga operation na ginagawa ng mga ito. Naghihintay din siya sa result kung kelan magigising ang kaniyang ama. “Pinapatawag kayo ni Sir Jerald sa laboratory,” wika ng nurse. “Bakit daw?” Noon lang niya ito tiningnan. “Hindi ko alam pero ang sabi lang niya ipapakita lang niya iyong result ng pinapa-test mo sa kaniya.” Ang result ng test ko. Agad siyang tumayo saka iniligpit ang mga nasa table niya. Nagkukumahog siyang lumabas ng kaniyang opisina upang malaman niya ang result tungkol sa test niya. Huwag naman sanang mangyari

