"Riex…" “Hmm?” Napatitig siya sa malamlam na mata ng nobyo. Ginagap nito ang kanang kamay niya saka may isang bagay na marahang isinuot sa kaniyang daliri. Sunod-sunod ang kaba na naramdaman niya nang makita ang kumikinang na bagay na iyon. "What's this?" she asked him with amusement. "Happy anniversary. Will you marry me?" “A-Are you…serious?” Lihim siyang napakagat-labi sa kasiyahang naramdaman. "Yes." He slowly kissed her hand. "I want everything just in a line, love. Sapat na siguro ang dalawang taon na magkasama tayo. I want to settle down with you. And may I know your answer, my love?" “Bago ko sagutin ang tanong mo siguro ay may kapalit ito?” Tila nahulaan na niya ang kasunod sabay napangiti sa nobyo. Hindi ito sumagot bagkus ay malawak lang ang pagkakangiti nito sa kaniy

