IYA POVS. "Lino, sa hospital tayo?" utos ko, kay Lino. "Sige po, ma'am," tipid na sagot nito . Nanginginig na ang bata sa lamig. Mainit rin ang katawan nito. Maya-maya nakarating kami sa hospital. Agad naman kinarga ni Ann ang bata papasok sa loob. "Ma'am, ihatid ko na po, kayo sa bahay. Babalik na lang po, ako dito para magbantay," anya ni Lino. "Saglit kailangan muna natin malaman kung ayos na ang bata." "Pero Ma'am, ako po, ang mayayari kay boss?" untag ni Lino sa akin. " Tama sya, Best. Kailangan na natin umalis. Ako at si Lino na lang ang babalik dito upang magbantay ng bata. Tawagan na lang kita kung ano ang nangyari dito, " singit ni Ann. Alam ko, nag-alala lang sila para sa akin. Dahil buntis ako at takot sila kay Liam. " Tara na, " tipid na sabi ko. Ngunit bago kami u

