IYA POVZ Habang nagpapahinga ako sa sala bigla tumunog ang doorbell. Tatayo na sana ako ng biglang dumating si Ann. "Ako na magpahinga ka na dyan," wika nya sa akin. Tumango ako sa kaibigan ko. Hindi lang basta-basta kasambahay si Ann, dito. Dahil naging kaibigan ko na rin sya. Maya-maya bumalik si Ann sa loob. "Best, may naghahanap sa' yo, sa labas," wika nya sa akin. "Sino?" takang tanong ko. "Si R-Rico," pautal na sagot nito. "Sige," tipid na sagot ko. Nagtungo ako sa labas. Ano na naman kaya ginagawa ng lalaking ito dito. At ang lakas ng loob nya magpakita pa ulit sa akin. Pagbukas ko ng pinto nakita ko nga si Rico naka tayo at may hawak pa itong folder. Pagkakita ni Rico sa akin agad sya lumapit. At walang sabi na inabot nya ang dala nyang folder. Isarado ko na sana

