IYA POVS KINAUMAGAHAN, maaga ako bumangon. Dahil gusto ko maglakad-lakad sa buhangin. Masarap lalo na ganitong oras. Hindi ko ginising si Liam dahil ang himbing ng tulog nito. Tila naghihilik pa ang mahal ko. Halatang pagod na pagod ito. Ganun rin si Lian ang himbing ng tulog nito. Kumuha ako ng Jacket. Pagbukas ko ng pinto sakto lumabas rin si Rita. "Good morning ' best saan ka pupunta?" tanong nya sa akin. "Sa labas maglakad-lakad lang ikaw ba?" balik na tanong ko sa matalik kong kaibigan. "Ganun rin sa labas," tipid na sagot nito. " Bakit ang aga mo naman nagising, " saad ni Rita sa akin. " Hindi ka na sanay sa akin." " Nga pala best, nakita ko, kagabi si Rona dito. May kasamang lalaki," anas ni Rita sa akin. "Hindi lang basta nakita nagkasalubong pa kami. Alam mo ba, bes

