RICO POVS. "Rico, laya ka na?" saad ng pulis sa akin. Napatayo ako sa aking narinig. Laya na ako at pwede ko na puntahan ulit si Iya. "Sino nagpalaya sa akin," tanong ko sa pulis. "Asawa mo. Magtino ka na para hindi ka nakulong ulit," anas ng pulis sa akin. May pinirmahan lang ako saglit pagkatapos lumabas na ako. Nakita ko si Rona naghintay sa labas. "Rona, saan ka kumuha ng pera?" agad na tanong ko sa kinakasama ko. "Pwede ba, doon tayo mag-usap sa bahay," wika nya sa akin. Sumakay kami sa tricycle. Maya-maya nakarating kami sa bahay. "Rona tutal nandito na tayo sa bahay. Sagutin mo ako saan galing ang pera?" seryosong sabi ko. " Anong klaseng tanong iyan Babe. Nagtrabaho ako, kung alam mo lang. " " Ano? At saan mo iniwan ang anak natin." " Malaki na sya at marunong na

