IYA POVS Sa katangahan ko muntik na mawala sa akin ang anak ko. Kaya laking pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi nawala si baby sa loob ng tiyan ko. At lagi pa rin nakagabay si Lord sa akin. Nagligpit ako ng mga damit ko dahil ngayon kami uuwi sa bahay. "Honey, ako na dyan?" saad ni Liam akin. "Wag na kaya ko na , di naman mabigat ," sagot ko. Ngunit hindi pa rin nagpa'awat si Liam. Inagaw nya pa rin sa kamay ko ang mga damit na tinupi ko. "Honey, tumawag si Lian sa akin," untag ni Liam. Hindi ko kasi sinabi na ngayon kami uuwi. Kaya panay ang tanong ng panganay namin. "Anong sabi nya," anya ko. "Miss ka na daw nya," tipid na sagot ni Liam. Ngayon lang kasi kami magkahiwalay ni Lian. Dahil nasa tabi lang nya ako palagi. Bigla ko na ala-ala ang kumpanya ko. " Honey, ano na

