Shakirra’s POV
Matapos sabihin ng doctor na pwede na kaming umuwi ay gumayak kaagad ang kasama ko. He told me he should be back to work tomorrow.
Ang ipinagtataka ko na naman ay kung bakit sa ambulansya kami nakasakay at ang sasakyan naman ni Hope ay ang tauhan ni governor Cielo ang nagda-drive. Napagalaman ko rin na si Cielo pala ang governor dito sa Bicol. Napakalayo sa Manila. Bakit kaya rito ako napadpad?
“I’m sorry we have to ride here. Mas mabuti kasi ito at mas ligtas. Just trust me, okay?” he said and held my hand again.
Nakakakita naman na ako, ngayon ay siya naman ang nahihilig na humawak sa kamay ko.
Mahaba ang biyahe kaya natulog na lamang ako. Narito na kami sa may Quezon. Hinawakan na naman niya ang kamay ko. His hands are cold.
“What’s wrong?” I asked. Umiling lamang siya. Mukhang hirap pa siyang huminga hanggang sa marating namin ang lugar na sabi niya ay malapit na sa bahay niya. Is he alone in his house?
Nasa may tapat kami ng waiting shed nang tumigil ang sinasakyan namin. Nagtataka ako dahil wala namang mga kabahayan dito. Madilim din. Bumukas ang pintuan ng ambulansya sa likuran.
He held my hand again. “Hold on tight,” he said before carrying me in a bridal style position.
Sabi ko kasi ay ayaw ko ng wheel chair kaya binubuhat na lamang niya ako. Mukhang hindi naman siya nahihirapan at nagrereklamo. Ayaw ko sa wheel chair. I feel so useless. I feel so weak. But I know, when we reach his house, I’m gonna use that thing. Hindi naman pu-pwedeng lagi na lamang niya akong bubuhatin. What if he is away?
Inilipat niya ako sa kotse niya. A Maserati car. Maging sa kotse ay parehas sila ng taste ng kapatid ko.
Umalis na ang ambulansya bago sumakay si Andres.
“Sorry about that.”
Hindi na ako nagtanong. He went near me and got something from the side. The seatbelt.
“Comfortable?” he asked softly, still near me.
I smiled at him. “Yes, thank you.”
He then started the engine and drove slowly. Tanging mga ilaw lamang ng street lights ang nakikita ko. I don’t know where this place is, but he said, this is still inside NCR.
Mga ilang minuto pa ang lumipas nang itigil niya ang sasakyan niya sa nagiisang bahay. Mataas ang gate nito na gawa sa metal. Kulay abo at berde ito. He then went out and opened the gate himself. I just watched him as he did that.
Natitigan ko ang kabuuan niya. Matangkad, moreno at sa tindig ay alam mo talaga na isa siyang doctor. He is wearing a simple gray t-shirt and a maong pants. On his feet coverings is a Nike sports shoes. Who are you Hope Andres?
Matapos buksan ay bumalik na siya sa kotse at pinaandar muli.
“Just wait here,” he said again before stepping out of his car. Naiilawan ng kotse ang harapan ng bahay niya. He opened the door of his house. Pumasok siya at maya-maya lamang ay umilaw na ang bahay niya.
Tumatakbo siya nang bumalik. Dinala niya muna ang mga gamit sa loob maging ang wheel chair ko. Nandito lang ako sa loob ng sasakyan, nanunuod sa kaniya.
He is a very organized person. He knows what to do first. I never get impatient with what he is doing.
Nakailang balik din siya dahil may mga pagkaing ipinadala rin sina gov sa amin na delicacies sa kanilang lugar.
Matapos madala ang lahat ay bumalik siya at ako naman ang binuhat niya papasok. Mahigpit akong yumakap sa batok niya. I don’t know but I have this audacity to stare at his face who is looking straight on our way. He really looks like an angel.
I felt him took some steps before making me lay on a soft bed.
“Do you want us to eat first or you are going to sleep?”
I feel tired. Tingin ko ay madaling araw pa lamang. Mamaya na lamang siguro ako kakain. “I’ll sleep muna.”
“Okay. Call me if you need anything.” He took something from his pocket. “Here, use this. I still have a spare phone on my room. Call this number.”
I just nodded and rolled the comforter on my body. He helped me with it.
“Night,” he said again.
Tinanguan ko lang siya at humiga na.
Ilang oras rin yata akong nakatulog at nang magising ako ay ang pananakit ng mga mata ko ang aking unang naramdaman.
Kinabahan ako at agad na nagmulat. I am super thankful again that I can still see. Napahinga ako nang maluwag bago sumandal sa headboard ng kama. A king-sized bed.
Malawak ang kwarto niya. He is a minimalist type of person dahil kakaunti lamang ang gamit niya sa kwarto. Only the big cabinet, the bed side table and a lamp. Clean lines is visible, the stripped-down simplicity and restrained palette. The color of his room is pure white. Gray curtains cover his window. Malinis ang paligid. Walang nangangalat na mga gamit. He really is a neat person.
Hindi pa kayang lumakad nang magisa kung kaya’t kailangan ko pa rin siyang tawagin. I wonder again, bakit hindi na lamang siya kumuha ng katulong para gumabay sa akin kaysa naman siya na lamang lagi ang tatawagin ko.
But I think, would I be comfortable if other people will be the one to take care of me instead of him. I got fond of his care.
Gising na kaya siya? I saw that it is just seven in the morning. Parang nakakahiya na magising ko siya. Should I wait for an hour before I call him?
Nangialam na lamang ako sa cellphone na iniwan niya. The locksreen of his phone is him, in a white coat and with a stethoscope. Nakatitig lamang siya sa camera at malawak ang kaniyang ngiti. Napangiti ako nang hindi ko namamalayan. A very handsome doctor.
I swiped it up. Kakaunti rin lamang ang mga apps niya. Single nga siguro siya dahil walang ibang tao rito sa bahay maliban sa aming dalawa. Sino ang magiintindi sa akin kung wala siya rito sa bahay?
Bakit kaya talaga hindi niya ako ipinapaalam kina Justine? I find it odd. Kung sino pa ang mga hindi ko kilala ay sila pa ang nagintindi sa akin. I am having some assumptions here but it’s so hard to accept.
Pumunta ako sa contacts niya. Number niya lamang ang nandito.
I wanted to call Justine. I can still remember his number. I typed his number in the dial pad and was about to call him when the door suddenly opened. Dahil sa kabiglaan ko ay bigla kong napindot ang dial button.
Masaya siyang lumapit sa akin. “Good morning. How are you feeling?” he asked and sat on the bed. Dahil doon, nakita niya na may tinatawagan ako sa cellphone.
“Who’s that?” tanong niya at biglang dumilim ang kaniyang awra. He got the phone from me.
Bigla akong nangilabot sa itsura niya ngayon. Nang nasa kaniya na ay natigil na ang pagri-ring. “Hello?” sagot ng isang babae na alam ko kaagad kung sino.
Si Maxine. Bakit siya ang may hawak ng cellphone ni Justine? Naalala ko, magkapatid nga pala sila kaya baka siya na ang sumagot para sa kuya aniya.
Sinenyasan niya ako na huwag magsasalita. “Hello!” pagalit na sambit nito dahil sa hindi namin pagsagot.
“Who’s that?” Parang piniga ang puso ko nang marinig ang boses ng lalaking tinitibok ng puso ko.
“Ewan ko ba. Hindi naman nagsasalita. Bwisit!”
Wala kaming ibang ginawa kung hindi ang pakinggan sila.
“Just end the call hon and come here,” Justine said again from the other line.
Parang nabingi ako sa narinig. Hope ended the call. “Sino iyon? Kaibigan mo at boyfriend niya? Diba ang sabi ko, ako lang ang tatawagan mo? Paano kung hindi agad ako nakarating dito? Edi malalaman nila na buhay ka?! Shakirra naman. Don’t ruin what I have started. This is all for your sake.”
Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Maxine iyon. Are they having a relationship? O kaboses lamang ni Maxine. They are siblings for God sake! May bago na ba siya agad? Kaya ba hindi sila ang nagiintindi sa akin?
Napakuyom ang mga kamay ko. f**k him! Naiyak na naman ako sa mga nangyayari. Why is this happening to me?
“It’s my boyfriend,” I answered, laughing without humor. “Boyfriend ko, pero bakit parang may iba siyang kasama. Namali ba ako ng dinig?”
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at maya-maya ay lumamlam ang mga mata niya. Sumakit na naman ang mga mata ko.
Fuck! I am starting to hate everything.
He just held my hand. “Maybe, you dialed the wrong number?” Pagpapagaan niya kunwari pero sigurado ako na iyon ang number ni Justine. Even his voice.
Mukhang nagiisip siya ng sagot. Natatawa ako habang umiiyak. Ayaw kong isipin na namali lang dahil alam ko na tama ako.
Now, I am eager to know everything. Pinahiran ko gamit ang likod ng kamay ko ang mga luha ko. I closed my eyes.
“Tell me, ano ba talaga ang nangyari?” I asked when I opened my eyes.
“Can we have breakfast first? You need to drink your medicine and I still need to apply ointment on your scars.”
“No. I want it now.”
Mukhang problemado siya pero napahinga na lamang nang malalim dahil alam niya na desidido na ako.
Umayos siya ng upo. Kung kanina ay nasa sahig pa ang mga paa niya, ngayon ay nakaupo na rin siya sa gitna ng kama, nakaharap sa akin habang naka-indian seat. He held my hand. The favorite gesture I always want him to do.
Nang titigan ko siya ay parang gumagalaw ang paningin ko.
“Tungkol sa inyong aksidente, tingin ko, hindi pala... sigurado ako na sinadya ang nangyari. Someone wanted you and your family dead.”
Napalunok ako. Naisip ko na rin ito dahil sa ikinilos nila nang magising ako pero hindi ko iyon matanggap. Maging ang pagtatago nila sa akin. Napansin ko na iyon eh. Hindi lang talaga ako nagtatanong.
“Wala naman kaming kaaway.” Wala naman kasi talaga. Mabait kami sa lahat. In fact, we have helped millions of people. Wala akong natandaan, maging ang mga competitors namin ay maayos naman naming nakakahalubilo. Pero sabi nga, kung sino pa ang may masamamg motibo ay sila pa iyong malalapit sa iyo. Naisip ko ang mga taong malapit sa amin. Huwag naman sana.
“Wala nga, pero maraming nangangarap na mapunta sa katayuan niyo.” Nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil doon. Napatitig ako sa mga mata niya. The hell?!
“Pero hindi tama na ang pagkawala namin sa mundo ang gawin nilang paraan. Iyong pamilya ko Hope, wala silang ibang ginawa kung hindi ang tumulong sa tao. Wala sila ni-isang inapakan. Napakabuti nila para sapitin iyon lalo na ang kapatid ko! Napakabata pa niya. Alam mo bang sobrang daming pangarap niya sa buhay? Nang dahil lang sa inggit na iyon?!”
“I’m sorry for your loss,” malungkot niyang saad at hinila ako papalapit sa kaniya. He hugged me again. “Wala na sila pero nandito naman ako. I could be your family.”
“Tingin mo, sino kaya ang may gawa nito?”
“I think, those persons close to you are the primary suspect. I have two questions.”
I looked at him. Lumayo na muna ako sa kaniya.
“Who hired the van?”
Van? Ang sinakyan ba namin papuntang airport?
“My boyf…” pagpuputol ko sa sasabihin dahil sa naisip ko. “Si Justine.”
“Who initiated the vacation?” seryoso niyang tanong.
Napalunok ako nang maalala kung sino nga ba ang nagpasimula ng bakasyon na iyon.
-Flashback-
Justine invited me for lunch in their house. Nami-miss daw kasi ako nina tita kaya gusto nila akong bumisita roon.
“Have this dear. I cooked this for you,” magiliw na pagaasikaso sa akin ni tita habang kumakain kami.
Nginitian ko siya at nagpasalamat.
“Anyway, kailan niyo balak mag-out of the country ni Zaffron?” she asked again as we ate. Tahimik lamang si Maxine. Lagi na lang siyang ganyan kapag nakikita ko.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. “We haven’t talked about it po eh. Still busy with work.”
“Naku. Don’t overwork yourselves. Ang babata niyo pa. Explore,” singit naman ni tito.
Natawa naman ako dahil doon.
“You want that? We can go to States. We can visit the place I lived when I studied there,” Justine said smiling. Katabi ko siya.
Napangiti naman ako dahil doon at biglang na-excite. “Sure!”
I saw happiness on their eyes. “Ikaw na ang magayos Zaff sa lakad niyo.”
Tumango naman si Justine sa ama bago ako ngitian nang pagkatamis-tamis. “You’ll like it there.”
-End of Flashback-
“The plan is, dapat kami lang ni Justine tapos nasama ang pamilya ko. Araw na iyon ng lakad namin nang sabihin niya na hindi na siya makakasama. At… at…”
When realizations hit me, I clenched my fist. f**k! f**k them all!
"How can they do this to me? To my family?!" I gritted my teeth.
My visions became blurry. I wiped my tears thinking that it is just because of it. Lights began dancing on my eyes.
"We are not yet sure. It's just my theories. We still need to investigate." Alam ko pero mukhang tama siya eh.
“Hope,” tawag ko sa kasama ko. “What’s happening?!” I nervously asked.
“What do you mean?” he asked, concerned of my sudden reaction.
I shouted in pain when I felt like someone is squeezing my eyes. “Hope! It hurts!”
“Damn it! What do you feel? Where does it hurts?” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. “Shakirra…”
Dahil sa sakit ay napapikit na ako. Parang gusto ko na lamang mawala ito. He held my face. “Sumasakit ang mata mo?”
“Anong nangyayari? Anong nakikita mo?”
I didn’t answer his questions. Hindi na ako makapagsalita sa sakit. “Hintayin mo ako rito. I’ll just get something.”
Mabilis din siyang nakabalik. Inilawan niya ang mga mata ko. “Look down…” Sinunod ko kaaagad ang sinabi niya. “Up… on your left then on your right.”
“Now look at me.”
I look at him and saw his worried face.
Biglang lumiwanag ang paligid. Sobrang liwanag. Nakakasilaw. At maya-maya ay biglang dumilim.
Kinapa ko ang paligid. “Hope?” takot kong tawag sa kaniya.
Naramdaman ko na hinawakan niya ang mga kamay ko at dinala sa mga pisngi niya. “Can you see me? Shakirra Dennise! You are scaring the s**t out of me.”
Tuloy-tuloy na nagsituluan ang mga luha sa mata ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at iminulat muli pero ganoon pa rin.
“Hope,” I called him. I heard his heavy breathings. “Huwag mo akong iiwan ha.”
“What the hell! Tell me, can you still see me?”
Nginitian ko siya nang mapait. “It’s so dark…”
Napamura siya at bigla akong niyakap. Yakap na akala mo ay mawawala ako. Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Mula sa galit, naging takot at ngayon, wala na akong maramdaman.
“Ssssh. Ssssh. I’m just here.”
“Hope, I see black. I only see black.”
_____________❤️