Chapter 14: Endure

2625 Words
Hope's POV "Miss Shakirra has traumatic eye injury. Because her cornea is deeply affected, it had caused her a vision loss. We can't say if this is temporary or permanent until we examined her fully. For now, you need to bring her to the nearest hospital in your place." I knew it! I called Dr. Emanuel after Shakirra fell asleep. Her body is still weak that is why her reaction to simultaneous problem is poor. She needs to recover yet this happened. Nakakalungkot. Nakakagalit. This is a possibility but I thought she is lucky enough to not get blind. Magbabayad talaga ang mga gumawa nito sa kaniya at sa pamilya niya. Pero ngayon, kailangang humupa ng galit ko dahil kailangan kong alalahanin ang kasama ko. I called the management of the hospital I am working. "Please, I need another leave for a month. If you can't accept it, then I will completely resign. I'm sorry, but this is more important than work. I'm sorry." Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Dati, sobrang mahal ko ang pagdo-doctor to the point na hindi ko na inaalintana kung wala akong tulog o kain basta maintindi ko lamang ang mga pasyente. Hindi ko rin noon naisip na agad-agaran kong igi-give up ang propesyon na ito, pero ngayon, nang dahil lamang sa babaeng ito, nagiba na ang prinsipyo ko sa buhay. I wanted to take care of her even if it means I'll turn my back on being a doctor. Hindi lang dahil sa awa pero sobrang gaan na ng loob ko sa kaniya na parang isang pamilya. Wala na rin kasi akong pamilya. Sumakabilang buhay na ang mga magulang ko at wala rin akong mga kapatid. May mga kamag-anak ako pero mga hikahos pa rin sa buhay at sila ay nasa probinsya. Sa aming magpi-pinsan, ako pa lamang ang nakapagtapos at may maayos na trabaho. Mahirap lang talaga kasi kami. Ang nanay ko ay isang tindera sa palengke at ang tatay ko ay isang driver ng tricycle pero dahil sa katandaan na rin kaya pumanaw na sila. Kaya’t sobrang laking pasasalamat ko talaga na isa ako sa mga napili ng scholarship program ng pamilya ni Shakirra, ang mga Cheng. They had changed my life. They supported me for almost fifteen years. "Doc, we can't just sign your request for leave. You just took your leave remember? You know the rules. But... okay. Since the management is eyeing for you and for the hard work you've done, I will accept this and process everything. We know you haven't used your leaves these past years so, yeah. But please, even if I don't know what is really the matter with you, come back here as soon as possible." Napahinga ako nang maluwag dahil doon at nagisip ng mas mabuting desisyon. Kung babalik kami sa Bicol, masyadong hassle ito para kay Shakirra. Kung dito naman, masyadong delikado lalo na at kilala siya at kamakailan ay binabalita sila sa TV, maging sa ngayon. I looked at my contacts and saw Doctora Sheryl's name. She was once my senior in pre-med. She has her own clinic but still working in some hospital which I am not sure of. She is now a known-opthalmologist and all her surgeries are successful. Kilala kaya niya si Shakirra? Can I trust her enough? Napakabait nito sa akin dati. Bago ko siya tawagan ay si Cielo na muna ang kakausapin ko. Nakaupo ako sa kama ni Shakirra habang minamasahe ang sentido. Ang hirap ng ganito. Mas lalong gusto ko siyang alagaan. Nang makita ko ang mapait na ngiti niya, parang dinurog ang puso. "Oh?" sagot niya sa kabilang linya. Hinihingal ang gago. Pwedeng nage-exercise siya o may milagrong ginagawa kasama ang asawa niya. "Si Shakirra..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Hindi ko matanggap na bulag na siya. f**k! "Anong nangyari kay Shakirra natin?!" Sigaw ni Lorraine. Nailayo ko naman ang cellphone dahil doon. Mukha ngang may ginagawa sila. "Ugh! Bakit mo hinugot?" Rinig ko sa kabilang linya. Si Lorraine iyon. Kahit kailan talaga ang mga ito. Hindi ako nai-eskandalo kapag tumatawag ako at naabutan silang nagmi-milagro. Why? It's normal. Kasama iyon sa buhay. Basta huwag ko lamang silang makikita na ginagawa iyon. f**k! That's what I cannot take. "Hindi na siya nakakakita," malungkot kong balita sa kanila. Hindi ko alam pero may luhang pumatak sa kanang mata ko. Ako kasi ang nasasaktan para sa kaniya. Ang hirap ng pinagdadaanan niya ngayon. "Seryoso ka ba riyan? Kakauwi niyo lang kahapon ah. Dalhin mo na siya sa ospital para macheck ang mata niya." "Nakatulog siya ulit." Shakirra is physically and mentally drained. Kung pwede ko lamang siyang hatian sa sakit na pinagdadaanan niya ngayon, gagawin ko. "Huwag mo na siyang dalhin dito. Anyway, may kakilala ka bang doctor diyan? I could just bring her doctors there. Mas mabuti ng si Doctor Emanuel ang mag-opera sa kaniya pare." Naisip ko na rin iyon pero paano? "How?" nanghihina kong tanong. Hindi na rin ako makapagisip ng tama. "Tingnan mo, siya rito ang doctor. Eh ie-examine pa lang naman siya diba? Hindi naman agad-agad ang surgery? Kailangan ko lang isama riyan si doc para makatulong ang doctor na mage-examine sa kaniya riyan." Damn! Oo nga. I'm the doctor here pero ako ang hindi makapagisip nang tama. Inayos ko ang sarili ko. Get a grip of yourself Hope. Kailangan ka ni Shakirra. "Okay. Thank you pare at pasensya na sa abala." "Relax bro. May paraan pa, huwag kang madyadong pahalata." Nangaasar. Bubulyawan ko sana siya nang patayin niya ang tawag. Kay Doctora Modejar ko siya dadalhin. I know I can trust her. Binalikan ko ng tingin si Shakirra. Mahimbing ang kaniyang tulog. Malalim din ang paghinga at ang mga bibig niya ay nakabukas nang maliit. I can’t accept what happened to her. I just hope she wouldn’t get too much stressed with her situation. Tinanggal ko ang nakatabon sa mukha niya. My heart melts as I stare at her face. Napakaamo. Napakaganda. Simula nang makasama ko siya ay hindi ko pa nasisilayan ang mga ngiti niya. I want to see her smile. Hindi na siya nakakain ng umagahan. Naalala ko na kailangan kong lagyan ng gamot ang mga sugat niyang naghihilom pa rin. Kinuha ko ang mga gamot niya sa cabinet. Hinawi ko ang kurtina sa salamin kong bintana upang makatanggap man lang siya ng bitamina mula sa araw. Hindi pa naman ito masakit sa balat. Bumalik ako sa kama at pumamewang, nagiisip kung panao ko siya lalagyan ng gamot. Nakasuot siya ng isang isang flowing dress na hanggang tuhod. Dahan-dahan akong lumuhod sa kama papalapit sa kaniya na nakahiga sa gitna ng malawak kong kama. Why do I find what I am doing awkward? Ngayon ko lang narealize na dahil siguro, nandito kami sa bahay at nakahiga siya mismo sa kama ko. Baka nga. I placed a small amount of gel on the cotton and put it on the healing wound. Ang dami niyang sugat. Mayroon sa parteng paa at hita niya, maging sa tiyan at likuran. Sa mukha ay mayroon din. Mga maliliit lang naman ito, sa tiyan niya at likuran talaga ang malaki. May mga pasa na malapit na ring gumaling. Ang hindi pa ay ang malaking pasa sa ibabang likuran niya na may pinakalakas na tama. Nilagyan ko ng gamot ang mga sugat sa mukha niya. Kahit nagkalat ang mga ito ay hindi mo maitatanggi ang angking kagandahan niya. Natural na mapula ang mga pisngi niya. Napadako ang tingin ko sa labi niya. Manipis, hindi ganoon kapula dahil kulang sa bitamina pero mukhang malambot at masarap halikan. Halos murahin ko ang sarili ko dahil sa naisip. Tangina naman Hope. Sa mga paa niya naman ako naglalagay. Sa bawat pahid ko ay siya rin ang paglunok ko. I hate this feeling. Itinaas ko ang laylayan ng dress niya. She is wearing a black cycling. Iniiwasan man ay nakita ko ang parteng nakaumbok sa gitna. f**k! What the hell Hope Andres! Itinaas ko pa ang dress niya hanggang sa makita ko ang tiyan niya. Napakaputi niya. Mas kapansin-pansin iyon dahil sa mga naghihilom na sugat at pasa. Malaki ang sugat niya. Pahaba mula sa kanang ibaba ng lower rib niya hanggang sa may itaas ng puson niya. Sa likuran naman ay napakalaking pasa. Iyon ang tumama sa kotse nang tumalsik siya at ito rin ang parte ng katawan na naipit nang bumagsak siya. Mabuti at hindi naapektuhan ang mga buto niya. Ang leeg niya lamang pero agad din itong gumaling. Sa totoo lang, dapat bali-bali ang mga buto niya to the point that she chould be lying in the hospital bed for years or less as well as her unconsciousness. I think an angel saved her. Ang bilis niya ring gumagaling. Napakabuti talaga ng Panginoon. Nilagyan ko na ang sugat niya sa tiyan ng gamot. Natutuyo na rin ito. Halos maubusan na ako ng laway sa kakalunok. Why am I feeling this? Hindi naman ganito dati. Nang matapos ay agad kong binaba ang damit niya at umalis ng kama. f**k! I need to endure this. I am not a pervert. f**k! Nangilabot ako sa ideya na iyon. Hindi ako manyak puta. Si Cielo lang iyon. I took a cold shower to lessen the hot temperature I have. Seriously Hope? Naghanda ako ng tanghalian namin bago bumalik muli sa kwarto ni Shakirra. Nakamulat na ang mga mata niya. Her hands are on her stomach. I can see tears falling in her eyes. Hindi ko ito kaya. Lumabas muli ako at kumatok kunwari. I know she doesn’t want me to see her crying. Napansin koi yon noong nasa ospital kami. Tahimik lang siyang umiiyak kapag kunwari nagsasabi ako na matutulog na ako. She thought I am sleeping but I am not. I can hear her painful sobs. Nang buksan ko ang pintuan ay nagpapahid pa siya ng mga luha niya. “Hey,” tawag ko at umupo sa kama. She didn’t answer. Sumandal lang siya sa kama. “Kain na tayo?” paga-anyaya ko. “Saan mo gusto, dito o sa labas?” “Wala namang pinagkaiba iyon Hope. Hindi ko rin naman makikita,” mapakla niyang sagot sa akin na siyang ikinagulat ko. “Sorry. I’ll just bring the food here. Dito tayo kakain.” Mabili akong pumanhik at inihanda ang mga pagkain bago ilagay sa tray. Dahan-dahan lamang akong naglakad lalo na sa kwarto ko na madadaanan ang sampung baitang. Ang bahay ko kasi ay simple lamang. Wala rin itong second floor. Pero ang parteng kwarto ko ay mas mataas kumpara sa ibang kwarto. I have three rooms here in my house. One is for me, located on the center part of my house and the other two is on its both sides. I had these two spare room in case someone would sleep over here. Sina Cielo at ang asawa niya pa lamang ang nakakatulog sa mga iyon. I am a neat person that is why inviting a lot of people in my house is a big no. Ayaw ko rin na naghahanda ng sobra. Kakaunti lamang ang mga palamuti rito sa bahay ko dahil okay na sa akin ang mga simpleng kurtina at puting pintura. Ayaw ko rin ng sobrang daming gamit sa bahay. Maliban sa kusina ko na maraming kagamitan. Hindi matarik ang hagdan papunta sa kwarto ko. Hindi rin sasakit ang tuhod mo o hihingalin. Iniwan kong nakabukas ang pintuan ng kwarto ko kaya madali lamang akong nakapasok. Ipinatong ko muna sa ibabaw ng lamesa ang mga dalang pagkain bago hinila iyon palapit sa gilid ng kama. Kinuha ko rin ang nagiisang bangko ko roon na ginagamit minsan kapag may inaaral akong case ng pasyente. Inalalayan ko siya para makaupo sa gilid ng kama. “Hope.” Nagulat ako nang biglaan siyang magsalita. “Hhhm?” “I haven’t gargle, wash my face and… and…” Nahihiya siya. Nalimutan ko rin ito. Ang tanga ko talaga. “Sorry, nalimutan ko.” Binuhat ko siya at dinala sa banyo. Ibinaba ko siya sa tapat ng bowl. “Kaya mo ba?” tanong ko, tinutukoy kung kaya niya bang umihi nang hindi na kailangan ng tulong ko. “Ah yeah. Pero huwag kang aalis ha. Okay lang ba? Pasensya na. Ang hirap pala nito,” natatawa pa niya kunwaring sambit. Tumalikod ako at inayos ang mga gamit sa sink. I heard the sound of it. Naririnig ko na tumitigil ito tapos lalakas ulit. Nangingiti ako. Nahihiya siya sa lakas kaya pinipigl niya. ang narinig ko naman ay ang flush. Madali lang kasi itong kapain dahil nasa parteng itaas ito. “Hope.” Tawag niyang muli. Mabilis akong humarap sa kaniya. Nakatayo lang siya roon. Her eyes aren’t wandering around. Ano nga naman ang silbi noon kung hindi niya rin nakikita nag paligid? Inalalayan ko siya sa may sink. Kaya naman niyang maglakad pero marahang hakbangan lamang. Ilang hakbang din lang namana ng layo nito sa bowl kaya okay lamang. Binuksan ko na ang gripo para sa kaniya. I gave her a soap. Nakatitig lamang siya sa salamin habang pinapabula ang sabon. Nagbanlaw siya ng mukha pero nahihirapan sa pagsambot ng tubig kaya ang ilan ay natapon sa damit niya. Tinulungan ko na siya dahil mukhang nahihirapan pa siya. I know, masasanay din siya kalaunan hanggang sa hindi pa siya naooperahan. Kahit mahirap, kailangan niyang kayanin. Nang matapos ay basang-basa ang itaas na parte ng damit niya. “You need to change. Iyong sugat mo.” Dahil sa pagalala ay bigla kong itinaas ang dress niya at sinilip ang tiyan niya. Natutuluan ito ng tubig. “Hope.” Pagkuha niya sa atensyon ko. Agad naman akong nahiya sa ginawa ko. Nakakapit siya ngayon sa ulo ko, mukhang sinasaway ako sa ginawa. “s**t! Sorry, nagalala lang ako.” Ngumiti siya nang maliit. Maliit lang iyon pero napansin ko. Napangiti tuloy ako nang dahil doon. Parang buong-buo na ang araw ko. “Magpapalit na ako.” Iniwan ko siya roon para kumuha ng damit. Lorraine bought her clothes. Puro mga dress na presko at hindi fitted dahil sa mga sugat niya. alam niya na rin ito dahil ganito ang mga suot niya lagi. Kinuha ko siya ng isang puting dress, cycling, panty at bra. Noong una, parang nahihiya pa ako kapag kinukuha siya nito pero ngayon ay nasanay na rin. Bumalik ako sa banyo. I helped her with removing her dress. Nasa may kili-kili na niya ang damit, natatabunan ang mukha niya nang makita ko ang ayos niya. f**k! She is in her black push-up bra that emphasizes her healthy boobs. Ang puti. s**t! May naramdaman akong nagising nang punasan ko ng tuwalya ang dibdib at tiyan niyang nabasa. Napaubo ako. Napansin niya na napatigil ako kaya umubo-ubo na rin siya. We just realized what I just did. Tuluyan ko ng inalis ang damit niya bago tumalikod. f**k! “Remove them. I am not looking anymore. Iaabot ko na lang sa iyo ang pamalit mo. Don’t wory, nandito lang ako sa harapan mo,” nahihirapan kong sabi. Ilang saglit ang tinagal bago siya nagsalitang muli. “My panty.” f**k! I can imagine her naked. Inabot ko naman sa kaniya. Nang maramdaman na hawak na niya ay binitawan ko na ito. “Cycling.” Nanginginig ang kamay ko nang iabot ko ito sa kaniya. “Bra.” Inabot ko naman agad sa kaniya ang bra niya. “My dress.” I stamped my foot. “Okay na. Salamat.” Lumunok muna ako bago humarap. Buhok na lamang ang magulo sa kaniya. Inayos ko ang puyod. I put in a bun. Nakataas para mapreskuhan siya. Hindi naman siya mahirap puyuran dahil madulas ang buhok at maiksi lamang. “There, kain na tayo.” At binuhat ko na siya palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD