Chapter 15: Permanent

1688 Words
Shakirra’s POV I can’t see him. I can’t see what’s around me. All I can see is black. Nakakapanglaw. Nakakawala ng gana para magpatuloy pero dahil sa kasama ko ngayon, pinipilit kong lumaban sa hamon ng buhay. He never left me. Sa lahat ng ginagawa ko ay lagi siyang nakabantay, nakaabang sa akin kung sakaling may mangyaring masama. He can just leave me. Wala naman siyang mapapala sa akin. Siya pa nga ang maghihirap para sa akin. I know nahihirapan siya, lalo na kapag may nakikita siya sa aking hindi naman niya dapat makita. Nahihiya rin ako pero kailangan ko pa talaga ng tulong niya ngayon. Ang hirap mangapa. Hindi ako pwedeng maginarte. Siguro kapag nasanay na ako, kaya ko na ang magisa. I am so thankful he is the one who saved me. Kapag siya ang iniisip ko, naiisip ko na baka siya ang way ni God para magpatuloy pa ako. Para gawin ang misyong hindi ko pa natatapos dito sa mundo. Nang dahil sa kaniya, nagkakaroon ako ng pag-asa. Siya ang pinaghuhugutan ko ng lakas ngayon. “We’ll head to Doctora Sheryl’s clinic. She will examine you. I also called her kanina and she had reserved her schedule for us.” He is driving. Nasa sasakyan niya kami ngayon. Hawak niya ang isang kamay ko habang ang isa ay ipinangma-manaeho. Gusto ko kasing hawak ko ang kamay niya. Kapag ganoon, hindi ko naiisip na magisa ako. “Don’t worry, we can trust her. At saka, senior ko siya dati noong nagpipre-med pa ako. May asawa na rin siya at isang anak.” Pagpapaliwanag pa niya. Tumatango lamang ako. Hinigpitan niya ang hawak sa akin. Naalala ko noong nagku-kwento siya sa akin noong nasa ospital pa kami sa Bicol. Ang sabi niya ay halos fifteen years siyang nagaral mula college hanggang residency o fellowship. Ganoon talaga ang pagdo-doctor. He is now thirty two years old. He is old enough to settle down but chose to prioritize his work. Hindi ko rin siya natatanong kung may naging girlfriend na siya maging ang pamilya at iba pang tungkol sa kaniya. It’s too personal. Pero kapag nagku-kwento siya sa buhay niya, parang okay lang naman. I guess, I’ll just wait for him to open up. Ganoon din ako sa kaniya. I now consider him as my friend. Binuhat niya ako at isinakay sa wheel chair. Inayos niya ang pagkakatapak ng paa ko. “Okay na ba?” he asked. “Hhmm,” sagot ko bago tumango. Inayos niya muna ang tumatabing na buhok sa mukha ko bago inayos ang face mask ko at salamin. He told me that I need this for my protection. Narinig ko na isinara niya ang pinto ng kotse at pinatunog ito. Umaandar na ang wheel chair. Hindi ko alam kung nasaan kami. Basta wala akong nakikita. Pero naramdaman ko na lumamig ang paligid. Maybe we are inside the clinic na. “Good morning! Doctor Laurente?” I heard a feminine voice asked. Pakiramdam ko ay nasa harapan ko siya ngayon. “Yes, can you please tell doctora Sheryl that we are here? Thank you.” Narinig kong may mga yabag na papalayo. Maybe she’ll announce our arrival. Nakatigil lang kami. Kinapa ko sa sandalan ng wheel chair ang kamay niya. Napansin niya siguro iyon kaya siya na ang kumuha sa kanang kamay ko at hinawakan iyon. Ang hirap nang walang nakikita. Hindi ko alam kung paano gagalaw, kung may kasama pa ba ako. Kaya, gusto ko laging hawak ko ang mga kamay niya. Wala na siya sa likuran ko, nasa tabi ko na siya. Mas madali kasi niyang mahahawakan ang kamay ko kapag ganito. Natutunaw ang puso ko sa ginagawa niya sa akin. Hope’s POV “Hope Andres! It’s been a long time. You’ve grown really well. Come, let’s talk inside.” Bungad ni doktora sa akin nang lumabas siya ng opisina niya. Ganoon pa rin ang itsura niya, ang pinagkaiba lamang ay mas nag-mature na ang mukha niya. Tinanguan ko siya na may kasamang ngiti at itinulak na ang kasama ko papunta sa sinasabi niya dahil nauna na siya sa amin at ang staff niya ang naga-assist sa amin. Nandito kami sa kwarto kung saan siya nage-examine ng mga pasyente niya. Maraming medical equipments na nakaayos at may higaan at upuan para sa pasyente. “So? Mamaya na lang tayo magcatch up pagkatapos. For now, lay her on the bed. I’m going to check her eye condition.” Sinunod ko naman ang nais niyang mangyari. Itinulak kong muli ang wheelchair ni Shakirra papunta sa patient bed. Binuhat ko siya at inayos ang higa. Inayos ko rin ang tumaas na laylayan ng damit niya at ang mga tumatabing na takas na buhok sa mukha niya. I removed her eyeglass and remained the mask. Tumabi ako nang lumapit siya sa amin. “You’ve told me, she got into a car accident. Her eyes are also operated because of the broken glasses that hit her eyes.” Tumango naman ako sa kaniya. She is now examining Shakirra. Nakasuot pa rin ito ng face mask. Nandito lang ako sa malapit na gilid nila, nakasubaybay sa ginagawa sa kaniya. “May I know who’s the doctor who did the operation?” she asked, not looking at me. “It’s doctor Emanuel Macdon.” Napatigil siya sa ginagawa at napatingin sa akin. “He is my classmate. But, we haven’t talk since we’ve separate ways. I asked you because I need to talk to him.” “Don’t worry. They are on their way here. He will be good by tomorrow.” Tumango-tango siya at ipinagpatuloy ang test na ginagawa niya. Wala pang isang oras ang lumipas nang matapos niya ang test. Dinala niya kami sa opisina niya. “So, what is your name Miss?” “I’m Shakirra,” sagot naman ng kasama ko. Katabi ko siya ngayon at nakahawak na naman ang kamay niya sa akin. “Shakirra Dennise Cheng.” Tiningnan ko ang mukha ni doctora at nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya. “I thought you’re dead?” Napahigpit ang hawak ko kay Shakirra. Hindi pa niya ito alam. Ang alam lang niya ay patay na ang pamilya niya. “I saved and kept her. Can I please trust you with this?” “But I’ve watched in the news…” Hindi pa rin siya makapaniwala. “Someone wants them dead. It’s obvious in the news. Please, doc,” pakiusap ko. Hindi rin naman ako nag-explain pa. Maybe the logic is already enough for her. Hindi pa rin siya makapaniwala pero sa huli ay tumango. “Now, I understand. You can count on me. I will change your name here. My staff will process this and I don’t want them to know.” Nakahinga ako nang maluwag. “Thank you, doc.” “Now, have her test result. Shakirra's cornea isn’t working anymore. It cannot be healed with medicines and laser surgery. I will be honest. This vision loss that she has is permanent. Both her cornea are damaged.” Parehas nang nakahawak ang dalawang kamay ni Shakirra sa akin. Ipinatong ko naman ang isa kong kamay at dinala sa ibabaw ng hita ko. Hindi siya nagsasalita. I know it’s painful for her to know that she cannot see anymore. “She needs a surgery. She needs a cornea transplant.” Parang nabingi ako sa narinig. It’s so hard to find a healthy cornea. Alam kong hindi madali na makahanap ng donor nito. “As of now, you need to be by her side. Mahirap ang walang paningin. Anyway, are you two together or something?” I want to say that she is my girlfriend but doctora knows, she’s not. Kilala siya bilang girlfriend ng Justine na iyon. Parang nabitter naman ako sa naisip. Gago ang lalaking iyon. He doesn’t deserve her. She deserve someone who will took care of well. Katulad ko. f**k! Asa, Hope. “She’s living in my house now.” “Paano ang trabaho mo?” “I took a leave. I’ve been planning on resigning.” Napalingon sa akin si Shakirra dahil doon. Alam kong may gusto siyang sabihin pero pinili na lamang na manahimik at tumungo na lamang. “Oh! Maybe you can talk it out with the management?” “It’s not my concern now doc. I want to be hands on with Shakirra’s recovery.” Nangi-ngiti si doctora kaya napakamot ako sa ulo. Nangaasar ang tingin niya sa akin. Shakirra is now looking at my direction but our eyes never met. “Really?” she asked. She’s hoping. Lumapit ako sa kaniya at inayos ang buhok niya. “Really.” Bulong ko sa tainga niya at lumayo. I saw her ears turned red so as her already rosy cheeks. Ang ganda niya talaga. Hindi ko napigilan na kurutin ang pisngi niya. Nang marealize ang ginawa ay nahihiya kong inilayo ang kamay ko. s**t talaga. “It’s good. Mabuti at isang doctor ang maga-alaga sa kaniya. Sabi nga nila, masarap daw magalaga tayong mga doctor. So, good luck to you Miss Shakirra.” Doctora is teasing us. s**t! Nakakahiya na tuloy lalo kay Shakirra. Baka kung ano na ang isipin nito sa akin. “Alagaan mo siya nang mabuti doc Hope,” dagdag pa nito. Tinatawanan ko na lamang siya at paminsan ay tinitingnan ang kasama ko. Namumula na siya. Kinikilig ba siya? Napangiti naman ako sa naisip. “I’ll expect Mr. Emanuel tomorrow. I will talk some important matter about Shakirra’s state. We will also find a donor for her. I know you have contacts with different hospitals, so you can also start looking. I’ll contact you if we found one.” Tumayo ako at nakipag-kamay sa kaniya. She also tapped Shakirra’s back. “I know things are going hard for you, but always remember that God is always with you.” Isinuot ko na ang shades niya at tumayo. Binuksan ni doctora ang pintuan ng opisina niya. “I am sure, before her surgery, you two… you know…” nangaasar nitong saad kaya tinawanan ko na lamang siya bago nagpaalam. ______________❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD