SHAKIRRA’S POV
Patay na raw ako.
Patay na raw ako katulad ng sinabi ni doktora.
Ibinalita na patay na ako. But why am I still here? Sino ang ibinalita nilang patay?
Hope hasn’t told me about this. How can he not tell me this if it involves my own life?
“Are you okay?” Hope asked when we are on our way home.
I didn’t answer him. I was silent the whole drive. Iniisip ko kung bakit ganoon na lamang ang gulat ni doktora nang malaman na buhay ako. Kahit ako ay nagugulat at nagtataka.
Binuhat na lamang niya ako nang makarating kami sa bahay.
“Tell me what I need to know Hope, please?”
Naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko. Siguro ay nandito kami sa couch sa living room niya.
He held my hand again. “But-”
“I wanted to know Hope!” I desperately said, frustrated of everything that’s happening. Ang hirap ng nangangapa. Wala na nga akong makita, wala pa akong alam sa nangyayari.
“Okay, okay. Just calm down baby.”
Huminga ako nang malalim. Nakakainis eh. Wala ako sa mood sa baby na iyan. Ayaw ko nang marinig ang tawag na iyan. Naaalala ko lamang ang manlolokong Justine na iyon.
“Listen to this,” he said. May nag-play na balita. I think it’s coming from his phone.
I felt goose bumps all over me. Nakakakilabot na marinig na matapos matagpuan na patay ang pamilya ko ay nahanap na rin ang sunog kong katawan. It couldn’t be.
Totoo nga talaga na may gustong pumatay sa amin. I don’t want to think of this but the Sebastians can be the primary suspects. Sila ang nagiintindi sa mga labi ng aking pamilya at sa aksidente kaya sila ang nakakaalam sa operasyon maliban sa mga pulis. Alam nila na hindi sa akin ang katawan na iyon pero bakit kung iyakan nila ay parang ako talaga iyon?
Good actors and actresses. f*****g Sebastians. We don’t have proofs but it really is so obvious. How can they do this to us? To me? And Justine? I loved him. I trusted him! Just f**k them all.
“Mayroon pa, about naman sa business niyo. Wait.”
Naghintay ako nang ilang segundo bago makarinig ng isang balita na mas lalong nakapagpakulo sa dugo ko.
Tangina naman talaga. How can they be? Tao pa ba sila? Matapos ilibing ang labi ng pamilya ko at kung sinuman ang bangkay na iyon na sabi ay sa akin, talagang inangkin na agad nila ang kompanya ng pamilya ko. Cheng Architectural Firm is under the Sebastians control. Napalitan na agad iyon at ginawa na nilang sa kanila. Oo, may share sila sa kompaniya pero hindi sila ang may hawak ng pinakamalaking stock sa company. The board of directors has the power to do that, baka, naka-kontsaba na nila ang mga iyon.
Napakuyom ako. They can’t have our company. No greedy man can take away our company. Our company who had helped many people.
May nagplay na naman na balita. Tungkol naman sa kompaniya ko. Ang mga kaibigan ko at si Justine ang namamahala niyon. Matutuwa na sana ako na iniintindi iyon ng mga kaibigan ko pero nang malaman na pinalitan din nila agad ng pangalan iyon ay nadismaya ako sa kanila. Bakit pumayag agad sila sa mga Sebastian.
Napangiti ako nang mapait. Masaya na ba sila na finally, iyong pinapangarap nila dati na mayroon ako ay nasa kanila na? Ni hindi man lang nila ako hinanap? Alam din ba nila na ako iyong bangkay na iyon? O baka, naloko rin lang sila ng mga Sebastian. I can't blame them. Ako nga, naloko, sila pa kaya.
“Sha…”
Galit ang namumutawi sa dibdib ko. I need to get back what’s mine. Sa amin iyon. Hindi pwedeng mapupunta lamang sa mga haling ang kaluluwa na tulad nila.
Masaya ba sila na makapatay ng tao para lamang makuha ang gusto nila? Masaya ba sila na nakuha nila iyon sa pamamagitan ng paggawa ng isang hindi makataong paraan? They don’t deserve our wealth. They don't deserve the product of the hard work that my family and I did.
“The Sebastians could be the suspect.” Hope got my attention. Humarap ako sa kaniya.
“You think so?” pagkukunwari ko kahit na sigurado ako na sila talaga. Come to think of it, they came in our lives unexpectedly. I fell in love with Justine that fast. Tunay nga ang sabi nila na kung sino pa ang may masamang balak sa iyo ay siya pa iyong huli mong pagiisipan ng masama.
I remembered how Lester hates the Sebastian. Sana ay dati pa lamang ay naniwala na ako sa kaniya. Pero naging marupok ako.
Kasalanan ko kung bakit nawala ang pamilya ko. Pinunasan ko ang mga luhang pumapatak sa mata ko.
Ilang beses lang iyong pumatak bago ako huminga nang malalim. I clenched my fist. My tears stopped from falling.
“Maghihiganti ako.”
Hope’s POV
Nagulat ako sa sinabi niya. Alam ko na magagit talaga siya pero hindi ko naisip na maghihiganti siya. Oo, napakabuti niyang tao na maisipan ang ganito ay napakalabo. Pero sa isang kagaya niya, alam ko na buo na ang loob niya.
Paghihiganti ang nakikita ko sa mukha niya.
“Yes you can. But not now, you still haven’t recovered yet.” Pagaalala ko sa kaniya. Wala na akong makita sa mukha niya kung hindi ay purong galit. Nakakatakot ang itsura niya. This isn’t the soft Shakirra that I met these past few days. She looked miserable, but now, she looks like she is about to kill a person.
I held her hand. Ibinuka ko ang palad niya. Her nails left marks. Sa tindi ng pagkakakuyom ng kamay niya ay bumakat na ang kuko niya sa palad niya. Namumula na kung kaya ay hinaplos ko iyon nang marahan.
“I know,” sagot niya sa akin. Malademonyo siyang ngumiti. Agad akong nangilabot nang dahil doon.
Fuck!
She is not Shakirra.
“You will,” malamig niyang saad. Napakurap ako sa sinabi niya.
“Wha... what?”
“You will be the way for my revenge until we found a donor.”
Napalunok ako. “Are you sure?”
“Never been this sure in my whole life.”
“But how?” Sino ang magaalaga sa kaniya? Ano ba kasi ang plano niya?
Tumawa siya nang nakakakilabot. Parang ako ang natatakot sa pina-plano niya. f**k!
“Contact our family lawyer.”
Napatango ako sa kaniya kahit hindi niya naman nakikita. Nakakatakot kung magrereklamo ako. Her aura is telling me to just say yes to whatever she has in mind.
“Do you have money?” Money? May pera naman ako pero hindi katulad ng sa kanila.
“How much?” tanong ko. Mayroon naman akong ipon.
“One billion," she answered with conviction.
Fuck! Napaubo ako sa sariling laway. Tatlong taon pa lamang akong nagta-trabaho. I bought house and lot as well as a car for my first year in service. Tingin ko ay two hundred million na lamang ang meron ako dahil gumastos pa noong na-hospital siya.
“Para saan iyon?” Ang laki masyado.
“We will invest in my company and buy a stock on my parent’s company. Through that, we can enter the building anytime we want," she explained, emotionless.
“I’ll borrow from Cielo.” Mas maraming pera sa akin iyon.
“Don’t worry. We will get back all the money. Nasisiguro ko sa iyo na hindi lamang maibabalik ang pera na mula sa inyo, mababalik din sa akin ang kompaniya namin.”
“But I don’t know anything about business.” Wala talaga akong alam. At ako? Magpapanggap na investor? Kaya ko ba iyon?
“That’s why you’ll have our lawyer. At saka, nandito naman ako. I’ll tell you what you need to do.” Napanatag naman ako nang dahil doon. Ibig sabihin, tuturuan niya ako? Mas magiging malapit kami? Parang naexcite ako sa ideya na tuturuan niya ako. I'm going to be her student.
“Ibig sabihin ba noon ay maiiwan kita rito?”
Nag-isip pa siya bago sumagot. “It depends.”
Hindi ko siya pwedeng iwan dito mag-isa. Paano iyon? “But I don’t want to leave you here.”
“Ayaw ko rin naman na iwan mo ako rito pero hindi naman always na aalis ka.” Ayaw niya rin na iiwan ko siya? My heart jumped.
“Fine.” Napakamot ako sa ulo, “So ano na?”
“You’ll just appear from them as a doctor who wanted to entrust your money to them by way of investing or buying stocks. Don’t worry, they won’t ask further. In fact, the more you buy stocks, the more they will give special treatment for you.”
“Oo na po. Sige na. Iyon lang ba?”
Hindi agad siya sumagot at nag-isip pa. Hinila ko ang kamay niya at dinala sa ibabaw ng hita ko.
“Did you see yourself getting married?”
Hindi ko pa naiisip na magpakasal pero nang sabihin niya iyon ay siya agad ang pumasok sa isip ko. She is wearing the most awesome white gown.
I quickly discarded it in my thoughts. Seriously Hope?
“I don’t know. Why ask that?”
“You are single right?" she asked again.
"Oo."
"Crushes or nililigawan?"
Natawa naman ako. "Wala." Ngayon, mukhang mayroon na. Pero siyempre, hindi ko sasabihin kung sino.
"So..." Pambibitin niya.
"So?" Panggagaya ko naman. Parang kinakabahan ako sa sasabihin niya.
Kinagat niya ang labi niya at ngumiti sa akin nang maliit. "Can you marry me?"
_________❤️