Hope’s POV
We have a meeting later at exactly one in the afternoon. Better be early than late. I’ll wait for you again in the parking. Tell this to Shakirra.
A message from attorney. He is my representative and my councilor. May bayad talaga dapat ang service niya pero siya na ang nag-prisenta na libre na lamang daw ito para na rin kay Shakirra at sa pamilya niya.
Isa na ako sa mga may-ari ng Cheng Architectural Firm at isa sa may pinakamalaking share sa kompaniya ni Shakirra. Iyon ay sabi nila sa akin.
Tangina, ang bigatin ko naman masyado.
Kapag pala may nabili kang share sa kompaniya, ibig sabihin ay shareholder ka na at masasabi na isa sa may-ari nito kahit na may CEO na tinatawag.
Niyabangan ko nga si Cielo noong nakaraan. Aba, ang loko, tinawanan lang ako. Sa kaniya naman daw iyong pera na nandoon.
Katatapos ko lamang maligo at ang asawa ko ay nandito pa sa kama namin, nakahiga na parang isang pusa. Naupo ako sa kama at pinakatitigan siya.
Sana magka-donor na para hindi ka na mahirapan pa.
I stood up and combed my hair. Tinanggal ko ang roba na suot at namili ng susuotin na polo, neck tie at slacks. Mga ganito ang isinusuot ko sa ospital.
Dinala ko na ito sa simpleng vanity table ko at humarap sa salamin.
I am wearing nothing. Nakita ko sa salamin ang babaeng nakahiga sa kama. Hindi ko na siya pinansin dahil parang isang diwata na nangaakit at nagsimula nang magbihis.
“Hope?”
Hawak ko na ang boxer brief ko nang marinig iyon. Sinilip ko siya sa salamin.
“Andito ako. Good morning, asawa ko,” masiglang bati ko sa kaniya.
“Good morning. Papasok ka na?”
Pinupunasan niya ang gilid ng mata niya at dahan-dahang naupo at sumandal sa head board ng kama.
Ang ganda niya sa umaga. Paano kaya kung totoo ko talaga siyang asawa? Baka hindi na ako pumasok at manatili na lang sa tabi niya.
“Oo,” sagot ko at tuluyan nang isinuot ang brief na hawak. Nanahimik siya at tumingala. Okay lang ba siya?
Ngayon naman ay slacks na ang hawak ko.
“Can I hug you?” she suddenly asked, looking at my direction. Kung kanina ay sa salamin ako nakatingin, ngayon ay sa kaniya na habang nagbibihis ako.
Hindi naman niya ko makikita, so, bakit pa ako mahihiya?
“Ha?”
“I want a hug. I had a bad dream.” Malungkot ang mukha niya habang sinasabi iyon.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at lumapit sa kinaroroonan niya. Naupo ako sa harap niya. Hinila ko ang likuran niya at dinala ang katawan niya sa akin. “Pwede ko bang malaman kung ano ang napanaginipan mo?” maamo kong tanong sa kaniya.
Umiling siya at sumuksok sa hubad kong dibdib. Ngayon ko lang napansin na wala pa akong suot pang-itaas. Nahiya ako sa kaniya pero parang hindi naman sa kaniya big deal iyon. O, baka, kailangan niya talaga ng yakap ngayon. Mukhang masama nga ang panaginip niya. What could it be?
Isinuksok ko pa siya lalo sa katawan ko at hinalikan ang buhok niya. “It’s okay. Nandito lang ako.”
Nagtagal pa siya roon nang ilang minuto. Kusa na rin siyang lumayo nang magsawa. “Salamat. Sige na at baka ma-late ka pa.” Itinulak-tulak pa niya ako pero tinigasan ko lalo ang sarili.
“Hoy! Ano?” natatawa niyang sambit at sinundot-sundot ang tiyan ko.
“Tsansing ka sa akin, alam mo ba iyon?” pang-aasar ko sa kaniya.
“Oy! Oy! Anong tsansing ang sinasabi mo riyan?” Kahit hindi nagtatama an gaming paningin ay sobra ang panlilisik nang mga mata niya. Naku, isa rin itong sss.
“Bakit, hindi ba?” gatong ko pa.
“Umalis ka na nga! Go! Just go!” Naiinis na siya. f**k! Ang ganda niya. Namumula ang pisngi at halos umusok na ang nguso.
Umayos naman ako kahit ma medyo natatawa pa rin.
“Sha, asawa mo naman ako. Okay lang sa akin kahit alipustahin mo ang katawan ko.”
Mas lalong sumama ang timpla nang mukha niya. “Hope!”
“Yes, baby?”
Gumalaw ang kaniyang kaliwang kamay at mabilis na nakuha niya ang white cane niya. Tumayo ako bigla at lumayo sa kaniya nang iwasiwas niya ito. “Hindi ka titigil? Tatamaan ka talaga sa akin!”
Tawang-tawa ako sa itsura niya. Ganito pala siya kapag inaasar. I suddenly felt the urge to kiss her pouting lips.
Narito na naman ako sa harap ng vanity table, nakasandal, binabantayan ang pagwasiwas ng patpat niya. Masakit iyon kung tatama sa akin.
Bigla kong naalala ang mensahe ni attorney kanina.
“Ay, nga pala. May meeting daw kami mamaya sa CAF. Kinakabahan ako. Grabe, parang hindi na ako makakapag-trabaho nang maayos nito dahil sa sobrang nerbyos. Wala bang pampalakas diyan?”
Natigilan siya at sumeryoso. “Anong oras?”
“Mamaya raw ala-una.”
“It’s too sudden. Okay lang ba sa work mo?”
“I already gave them a heads up before about this. May sasambot sa trabaho ko kung sakali mang may emergency.”
“That’s good.”
“Iniba mo ang usapan eh. Ano, Sha, wala bang pampalakas diyan?”
“Hope! Isa!” Handa na naman ang kamay niya na mamalo.
“Sabi mo may premyo…” Parang bata kong pagiinarte sa kaniya. Naalala ko ang simpleng halik na pinagsaluhan namin noong isang linggo. Simple at mabilis pero ang kakaibang pakiramdam na hatid nito ay hindi ko kailanman malilimutan. I wanted more. Matapos din ang tagpong iyon ay natawa na lamang kami sa isa’t isa.
Dahil din doon ay mas naging close na kami. Masasabi ko na unti-unti na siyang naglu-loosen up sa akin. We are building a good friendship. At iyon ay gusto ko. Maganda na magsimula kami sa pagkakaibigan at mauuwi sa pagkaka-ibigan. Kinikilig ako, tangina.
Masama pa rin ang timpla ng mukha niya. Kahit halos mag-transform na siya bilang isang dragon ay napakaganda pa rin.
“Parang tinatamad tuloy akong pumasok nito.”
“Pinaglololoko mo ba ako, Hope?”
“Bakit ko naman gagawin iyon? Nagsasabi lang ako nang totoo.” At bumuntong hininga pa ako nang pagkalakas-lakas. Iyong tipong maririnig niya.
“Oo na! Sige na! Mamaya, may premyo ka ulit. Kahit anong gusto mo, ibibigay ko.”
“Talaga?! Sabi mo iyan ha.”
“Oo, basta pumasok ka na nang matahimik na ako rito. Aga-aga, iniinis mo ako.”
Tinawanan ko na lamang siya at nagbihis na. Baka kapag kinulit ko pa siya ay hindi ko na mamalayan ang oras at ma-late na.
Pumasok ako ng ospital na may malaking ngiti sa labi. Ang ganda ng simula ng araw ko. Mas ginanahan tuloy akong magtrabaho. Kung dati ay masigla akong humaharap sa mga pasyente ko, ngayon ay mas masigla pa. Mukhang OA na nga ako pero hindi ko talaga mapigilan.
Nagpaalam na rin ako bago magtanghalian dahil sa lakad namin mamaya. Ang totoo ay kinakabahan din ako. Hindi ko alam kung ano ang dadatnan ko roon at ang mga sasabihin. Gagalingan ko na lamang talaga para kay Shakirra. Ang totoo ay kahit wala namang premyo mula sa kaniya ay ayos lamang sa akin pero mas nakaka-motivate nga naman kung mayroon. Talagang mas gagalingan ko pa.
Hindi man lang nasira ang umaga ko sa ospital. Katunayan ay nahawa ko pa sila sa kasiyahan ko.
Pagkauwi ay nadatnan ko sa nasa living room ang asawa ko, nakahiga habang nakikinig sa musika. Sinenyasan ko ang tatlo na huwag maingay sa pagdating ko at dahan-dahang dumiretso sa kung nasaan si Shakirra.
Nasa may ulunan niya ako nang pindutin niya ang remote ng speaker. Did she notice that I am here?
Nakapikit siya nang patayin ang tugtog. At mas nagulat ako nang magsalita siya.
“How’s work?”
“Ah… ahm… okay lang po. Paano mo nalaman na nadito na ako?”
“Hope, kahit hindi ako nakakakita ay may pangamoy pa rin ako. Amoy na amoy ko ang pabango mo. At isa pa, rinig ko ang tunog nang sasakyan mo.”
Para akong binuhusan nang tubig sa pagkapahiya. Ibig sabihin ay nasasanay na rin siya sa kaniyang lagay. Nakapag-adjust na siya na nagagamit na niya ang ibang senses niya para maramdaman ang paligid. She really is a wise person. Gugulatin ko pa naman sana siya.
Napakamot ako sa ulo at narinig ang bungisngis nang tatlong babaeng nasa kusina. Wala kasi ritong mga divider o pader na tumatabon sa parteng ito at sa kusina. I hate too much furnitures and designs. Nakikita at naririnig nila ang sasabihin namin kung talagang dito sila nakafocus.
Natawa na rin lang ako at inalalayan si Shakirra na umupo.
“Kain na tayo? May lakad pa ako mamaya. Gusto kong makasabay ka ngayon kumain.”
“Sige. Hinintay din kita dahil alam ko na rito ka kakain.”
At may background tilian na naman na mula sa kusina. Ano ba naman itong mga ito? Palagi na lamang parang mga kinikilig kapag nagkakausap o nagkukulitan kami ni Shakirra. Paano kung iba ang amo nila? Edi, baka napalayas na ang mga ito dahil sa kakulitan nila.
Ang totoo rin ay ayaw ko talaga kapag maingay ang bahay ko pero kung sila naman at si Shakirra ang mga dahilan niyon ay okay lamang. Maraming nagbago sa akin. Malinis din akong tao at kahit sa pagkain ay ayaw ko na may ibang tao na gumagamit ng kinakainan ko pero kapag si Shakirra naman ang taong iyon ay walang kaso sa akin.
Nang matapos kaming kumain ay gumayak na agad ako papunta sa CAF. Katulad ng usapan ay naroon na si attorney sa parking, hinihintay ang pagdating ko.
Nakaabang sa amin ang mga Sebastian at ang ibang board of directors according from attorney.
Nakahanay kaming naglalakad patungo sa conference room ng kompaniya. Grabe. Napakabigatin talaga nitong kumpaniya na tumulong sa akin para matupad ang pangarap ko. I am walking here not as an scholar but a part of the company. Hindi man sa akin lahat ang pera at isa lamang palabas ang ginagawa ko ay pakiramdam ko ay isa na nga ako sa kanila. Ganito pala sa negosyo. Ramdam mo talaga na nasa taas ka kung ganito ang trato.
Kaya siguro may mga gahaman talaga na nagnanais makamit ang mga bagay na hindi naman nararapat sa kanila.
It’s the greed that’s living in them. Sa sobrang obsessed na nilang magpayaman at mapanatili na nasa tuktok ay hahamakin nila ang lahat kahit pa may matapakan na sila na ibang tao.
Katulad sa SDCIHI, mainit nag naging pagtanggap nila sa akin. Hindi rin naman sila nagtatanong kung bakit si attorney ang aking counselor dahil kahit sino naman ay pu-pwede niyang maging kliyente lalo na at patay na ang mga Cheng.
Naasar din ako sa mga Sebastian dahil sa kakulitan nila sa akin. Nagpapasipsip ba sila sa akin katulad na nabanggit ng asawa ko noon? Naririnig ni Shakirra ang lahat ng kaganapan sa meeting ngayon. Hindi na siya nagsasalita at nakikinig lamang.
“I remembered, we’ve reviewed your personal information. It is stated there that you are married?”
Nagulat ako sa tanong na iyon ni Mrs. Sebatsian. f**k! Narinig ko rin ang kalabog sa kabilang linya. Mukhang si Shakirra ay nagulat din.
Ngumiti ako sa kaniya at iginala ang paningin ngayon sa mga kasama namin dito sa loob na nag mga mata ay nasa akin.
I showed my ring finger to them “Yes, I am married.”
Less talk, less mistake. Turo ni Sha sa akin. Pinanatili ko ang seryoso kong mukha.
“A doctor also?” tanong naman ng isang BOD na hindi ko natatandaan kung sino.
Agad akong umiling. Not a doctor, but the real owner of the company you're just stepping in to. “I am already married with my simple and loving wife. I never kept our marriage a secret but I just want it private. So, if you guys don’t mind…”
Seryoso pero nakangiti kong sambit sa kanila. Agadnaman silang nagtanguan na parang ang pagtatanong pa nilay ay isa nang malaking kasalanan kung kaya’t nanahimik na sila.
Effective pala talaga kapag nagsi-seryoso.
Iniba na nila ang usapan at tungkol na sa status ng kompaniya ang pinapalabas sa harapan.
Na-amaze ako sa mga nakikita na charts at table. Hindi ko man maintindihan ang ibang sinasabi, nang dahil sa mga ito ay nakukuha ko naman. Napakaganda ng takbo ng operasyon ng kompaniya at ng pera na inilalabas nito.
Ilang oras pa ang itinagal at natapos na ang meeting.
May nakahanda ng mga pagkain sa hall ng CAF kung saan dito nagaganap minsan kapag may party daw dito sa kompaniya o may celebration.
“Huwag kang masyadong iinom. Nabanggit mo na mahina ang tolerance mo sa alak.” Paalala ni Shakirra sa kabilang linya.
Nakipag-toast ang mga Sebastian sa akin. Mabuti na lamang at wala dito ang kumag na Justine. Kahit papaano ay nabawasan ang stress ko.
At isa pa, baka kapag marinig ni Shakirra ang boses ng gagong iyon ay ma-miss niya pa ito. Dapat ako lang ang mami-miss niya.
Mga alas-singko na nang matapos ang selebrasyon.
Hindi ko na rin naririnig si Shakirra dahil sinabi niya na may gagawin siya. Pero pinaalalahanan niya muna ako na huwag masyadong iinom at magpapagabi.
“Ang Mam mo?” tanong ko kay Maylyn nang siya ang magbukas ng gate.
“Nasa taas po Sir, sa kwarto niyo, natutulog.”
Tinanguan ko siya bago pumanhik sa kwarto ko. Nakasara ang pinto at dahil may susi ako niyon ay nabuksan ko kaagad.
Bakit niya inilock ang pinto? Kapag magisa siya ay sinabihan ko na siya na huwag i-lock ang pinto.
Wala siya sa kama.
“Sha?” tawag ko at hinubad ang coat. Niluwagan ko ang neck tie bago ito hubarin at ganoon na rin ang pantalon ko.
Nakaboxer na lamang ako ngayon at dahil bababa pa naman mamaya ay nagsando ako.
Hindi pa rin siya sumasagot. Nasaan ba iyon? Sabi ay nandito sa kwarto.
Bigla akong kinabahan sa isipin na baka nadulas na iyon sa banyo. f**k! Dali-dali akong pumasok sa banyo para lamang magulat sa madadatnan.
“What the hell, Shakirra Denise!”
She is crawling in the floor, naked as f**k. Tangina! “Hope, help me.”
The way she talked to me, already aroused everything about me. Para akong natulos sa kinatatayuan, hindi makagalaw dahil sa nakikita.
“Ba… bakit… f**k! Anong nangyari sa iyo? Nasaan ang katulong mo sa pagligo? Shakirra naman! Look at yourself! Paano kung may mangyaring masama sa iyo?!” nagaalala, nagagalit pero pinipigilan ko dahil baka matakot siya.
Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siyang makatayo. “Eh kasi, matapos kong makaidlip ay nag-cr ako tapos nabasa na naman damit ko, kaya naisipan ko na maligo. Ang tanga lang dahil nadulas ako. s**t. My hips hurts a lot. Hindi ako makatayo at hindi ko rin dala ang walkie talkie kaya hindi ko sila matawagan.”
Pinatuwid ko siya ng tayo at pinag-aralan ang parteng pagong niya. Hawak ko siya sa bewang niya nang ilapit ang mukha sa likuran at harapang parte ng katawan niya upang makita kung may pasa ba o ano.
Napapaso akong lumayo sa kaniya nang mas lalong makita ang kabuuan niya. She is completely naked in front of me. Para siyang isang ipinagbabawal na pagkain na nakahain. Sobrang lapit ko sa pribadong parte ng katawan niya.
Her perky and healthy boobs is saying hi to me as well as her p***y that is... f**k! Basa ang buong katawan niya at may ilang tumutulo mula sa buhok niya.
Fuck! f**k talaga!
"Isa pa, I wanna surprise you sana that I can now take a bath on my own. Kainis kasi iyong floor eh, I slipped." Dagdag niya pa pero pansin ko na rin ang pamumula ng mukha niya. She is looking at her side.
"Ahm..." Shakirra trying to say something.
Nakatitig lamang ako sa kaniya, partikular na sa katawan niya. "Hope."
Napalundag ako. Ikinuyom ko ang aking mga palad, pinipigilan ang aking sarili pero hindi ko magawa.
"Sha, I'm sorry but I can't take this anymore."
____________❤️