HOPE’S POV
Today is the day. I checked my wireless earphone. Maliit lamang ito at hindi mapapansin ng iba. Maliban doon ay may suot din akong speaker sa loob ng polo ko, sa tapat ng dibdib ko. I can hear the noise of the four persons on the background. Ang kukulit nila.
I opened the door of my car when Atty. Laderas parked his car in front of mine. We are infront of the SDCIHI, Shakirra’s investment company. Mabuti pala at hindi pa naisasa-papel ang document of transferring the ownership to her friends and Justine Sebastian. That’s according to attorney. Sa balita kasi ay sinabi na nasa pagmamay-ari na ng mga Sebastian ang dalawang kompaniya nila. Natuwa si Shakirra nang dahil doon. Mas lalong lumakas ang loob niya para gawin ang nais niya.
Nahihilo ako nang tingalain ang building ng asawa ko. Ang taas at napakalawak. Kitang-kita ang floors at ang mga nakaupong mga empleyado at may ibang naglalakaran. Her building is wholly walled with clear glass. I got proud of her all of a sudden.
When she asked me if I could marry her, hindi na ako nagdalawang-isip pa at pumayag agad. Alam ko naman na wala siyang gusto sa akin at naisip niya lamang iyon para sa paghihiganti niya pero okay na iyon sa akin. If it would mean that she will be always at my sight and my care, even if our marriage is not because we love each other, it’s fine. I can deal with that.
Pwedeng-pwede niya naman na bawiin na lamang ang kompaniya nila at magpakita sa publiko. Pero iba na ngayon. Hindi pa maayos ang lagay niya at ang isipin na baka may magtangka na naman sa buhay niya ay hindi ko lubos na makakaya. I can’t let that to happen, kaya, ako na lamang ang haharap sa mga poncio pilato na nagbabalat kayo sa kompaniya nila.
Shakirra already had a place in my heart. I cannot let her get near with those motherfuckers who wanted to kill her. She doesn’t deserve to get hurt. It may be physically or emotionally. She already had enough.
“You ready?” tanong ni attorney habang inaayos ang coat niya. May dala-dala rin siyang black brief case at sa likod niya ay ang kaniyang assistant na may dala-dala rin nang ganoon. Ano kaya ang laman niyon?
Huminga ako nang malalim. “You can do it, Hope.” It came from the girl with the sweetest voice I ever heard in my entire life. Lumakas ang loob ko nang dahil doon.
“I’m ready attorney.”
Para sa asawa ko, gagalingan ko. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko pero dahil sa pagpapalakas nang loob ko nitong dalawang taong ito, tingin ko ay kakayanin ko naman.
The guard pulled the wide mirror entrance door and welcomed us.
Tinanguan lamang iyon ni attorney kaya naman, tinanguan ko na rin lamang ito at nagsign ng thumbs up.
Tuloy-tuloy lang ang lakad ni attorney kaya patuloy din lang akong sumusunod sa kaniya. Ganto ba dapat talaga? Serious mode na parang nagmamadali? I wonder how Shakirra walks here in her own company.
I imagined her wearing a sexy CEO attire with a f*****g stilettos. So damn hot. I quickly discarded it in my thoughts. Baka kung saan pa mapunta ang imahinasyon ko na ito. Mahirap na.
We entered the VIP elevator. Napa-wow na lamang ako nang makapasok. Ibang-iba sa usual na elevator. This one, you will really feel powerful and special.
“Hey, you okay?” Shakirra asked from the other line. She is listening to whatever is happening.
“We just entered the lift. What are you doing, asawa ko?” malambing kong tanong sa kaniya. Napalingon naman agad sa akin si attorney. Itinuro ko lamang ang tainga ko at agad naman siyang tumango na may kaunting ngisi sa labi.
Problema niya?
“I am just sitting here in your living room. Sige na, I am listening. I just want to make sure you are okay. Huwag kang kabahan, ha. You have a prize when you did great.”
Pakiramdam ko ay naginit kaagad ang buong katawan ko dahil doon. May premyo raw ako? Baka naman niloloko niya lamang ako para ayusin ko ang gagawin ko. Pero kahit wala namang premyo ay okay lamang sa akin. Ang masiguro na ayos lamang siya ay panalo na ako roon.
It stopped when we reached the designated floor. Pinauna kami ni attorney ng sekretarya niya. Magkapantay kaming naglalakad ni attorney habang nasa likuran ang assistant niya.
Nasa floor na pala kami ng heads at ng meeting room.
“That’s her office.” Attorney pointed out the large office that is covered with blinds. Ang buong side na iyon ay sa kaniya?
Napakalaki naman yata. Nahiya ang laki ng kwarto ko sa laki nito.
Tumayo ang sekretarya. Isa itong babae na tama lamang ang tangkad at ang kapayatan. “Lanie.” Pagtawag ni attorney dito.
“She’s my secretary and also my friend,” Shakirra said from the other line. Ramdam ko ang galak sa tono niya. Mukhang close sila.
I am sure she misses her so much.
“Attorney,” bati niya sa katabi ko bago ako lapatan ng tingin.
I smiled at her. Nanlaki ang mga mata niya at napansin ko ang pamumula ng pisngi niya. Okay lang ba siya?
“Good morning attorney and to you… sir,” bati niya sa amin. “Give me a minute. I’ll just call them.”
She pressed the speaker. “They are here na po.”
Maya-maya ay bumukas na lamang ang pintuan ng opisina ng asawa ko. Lumabas ang isang mestizo na lalaki na may katangkaran. Si Justine ito. I have seen him on televisions many times. Iba pala kapag sa personal. Mas may itsura siya pero wala na akong pakialam doon. Lamang lang siya sa akin ng mga ilang paligo pero kung sa pag-aalaga naman kay Shakirra ay walang-wala siya.
Nagtiim bagang ako, nagpipigil na bigwasan ang gagong ito.
He smiled at us pero hindi pa siya tuluyang lumabas. He is still holding the handle when two pretty ladies came out.
Kasama rin niya sa loob? I wonder how her office looks like.
Ang mga kaibigan ito ni Shakirra. They look nice.
“Attorney.” Bati ng gago sa kasama ko at nagyakap sila.
“Mister Sebastian.” Narinig ko ang mabigat na paghinga niya sa kabilang linya. I hope she is okay. Parang gusto ko na lamang na patayin ang linya para hindi na niya marinig ang boses ng lalaking ito pero siya na ang nagsabi sa akin na panatilihing bukas iyon hanggang sa makauwi ako.
Matapos nilang magyakap ay inilahad ni attorney ang kamay niya sa kin. I took a small step forward to get their attention.
“Here’s Doctor Hope Andres Laurente.”
Malawak ang ngiti ng mokong sa akin habang ang dalawang babae ay nakatunganga lamang. Problema nila?
Kahit si Lanie ay parang nakatanga lang sa akin. Sa akin ba sila nakatingin? Nahihiya naman akong titigan sila nang matagal.
“Welcome to SDCIHI, Doctor Laurente. I am Justine Zaffron Sebastian, the new owner of this company,” pagpapakilala niya at inilahad ang kamay sa akin.
“Ang kapal, s**t lang,” Shakirra said again. It’s okay baby. Makikita rin nito ang hinahanap niya. Proud na proud pa ang gago eh, hindi naman siya ang naghirap.
Ngumiti ako sa kaniya bago tanggapin ang kamay na nakalahad. Sobra ang pagpipigil ko na sapakin siya. Oo, wala pa kaming sapat na ebidensya pero sa kapal ng apog niya ngayon ay alam ko na agad na walang mabuting maidudulot ito sa kahit na sino.
Pasimple naman na nagtutulakan ang dalawang babae sa likod. Nang mapansin na sa kanila na ako nakatingin ay umayos sila ng tayo.
Nginitian ko sila. Mga kaibigan ito ni Shakirra. I know they will be happy that their friend is still alive.
“Joy Villar. It’s nice to meet you, doctor.” She’s cute. Mapambing ang boses niya.
I heard Shakirra murmured. Hindi nga lang malinaw.
“Nice to meet you, Miss.”
“Havannah Taylor. I and Joy are the COO of this company.”
Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon ipinahalata at tumango na lamang sa kaniya. COO? Ano iyon? Hindi ko alam kung ano ang COO, f**k! Kalma, kunwari ay alam ko.
Narinig ko na naman ang malalim na paghinga niya sa kabilang linya. Hindi siya nagsasalita.
“Let’s go to the meeting room then? The boards are already there.”
Iginiya nila ako nang maayos. Pakiramdam ko ay isa akong presidente na ini-eskortan ng mga sundalo. Ganito ba talaga kapag may bagong investor?
Naalala ko ang sinabi ng asawa ko na kapag mas malaki ang bibilhing stocks ay mas lalo nilang binibigyan ng pansin at importansya.
Lanie opened the door. The room is covered with blinds also kaya hindi kita ang nasa loob. Katulad ng opisina ni Shakirra ay malawak din ito.
Nagsipasukan sila at nahuli kami ni attorney. Nakatungo pa ako nang tummapak sa meeting room dahil sa carpet na nakalatag. Ang ganda naman dito. Halos mapayakap pa ako sa aking sarili dahil sa lamig.
Nakatayo silang lahat nang mag-angat ako ng tingin. The room is like our audio visual room in our school before. Hindi pantay ang disenyo ng floorings nito. Pataas at may upuan at lamesa sa bawat baitang. Parang sa isang teyatro. May mga nakabend din na mic sa bawat lamesa. Dito naman sa harapan ay parang may mini-stage at may malaking white board. Sa itaas na parte ay naroon nakalagay ang projector para sa presentasyon. I know may tawag dito pero hindi ko alam kung ano.
Lampas sampu ang mga naroon. May mga may edad na at ang ilan ay mga kasing-edaran ko lamang, base sa mga tayo at itsura nila. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mag-asawang Sebastian na may malalaking ngiti sa mga mukha nila. Nasa may parteng taas sila.
“Let’s all welcome Doctor Hope Andres Laurente. The new stockholder of CAF and SDCIHI.”
Malawak na nagsipangngitian ang lahat at nagpalakpakan. Iginiya kami ni Lanie sa isang side na may dalawang upuan na tingin ko ay para sa amin ni attorney.
Hindi pa naman kami nakakabili at nakakapag-invest. Ngayon pa lamang.
Ganoon ba sila mag-welcome?
May papel na sa lamesa kung saan ako uupo. Naging mabilis ang pangyayari. I brought out my check, placed the amount and signed each. Ganoon din sa dokumento na naroon. Nang matapos ay dinala naman ni Lanie kina Justine, Joy at Havannah at ang isang papel naman ay sa mag-asawang Sebastian para sa CAF naman iyon.
Dapat nga raw ay sa mismong CAF ang pagpirma ko noong isang dokumento pero sinabi nila na rito na rin lamang for my comfort.
Feeling ko ay ang yaman ko dahil sa mga amount na nasa tseke. Hindi pa nga ako nakakahawak ng ganoong kalaking pera. Isang bilyon. f**k!
Kahit sila ay manghang-mangha sa akin.
Nang matapos ay nagpalakpakan na naman ang lahat at nagsilapitan sila sa akin para makipag-kamay.
Panghuli ay ang mag-asawang Sebastian.
Gusto ko sanang tanungin si Shakirra kung nakikinig pa ba siya dahil hindi ko na siya naririnig. Is she okay? Nagalala na naman ako. Pinatay ba niya ang tawag?
“We are so glad to have another family in this company. After the Cheng’s death, our plan is to just look for a new owner of this company because we have plans of living abroad but we can’t just let their hard works fell into pieces. We are grateful you have bought the highest stock after the majority of our former stockholders sold their shares and leave. Akala namin ay isasara na lamang namin ito dahil doon. The Cheng’s will be happy also, wherever they are now,” Mrs. Sebastian stated in a lonely voice. Inakbayan naman siya ng aswa niya at hinaplos ang balikat.
Napakuyom ako. Really? Ang galing pala talaga nilang magpanggap. Anyone can be fooled. Even me, if I don’t know anything. Maghintay lamang kayo hanggang sa magkaroon kami ng ebidensya.
Ang kaninang tahimik na linya, ngayon ay naririnig ko na ang mga masasamang salita na nanggagaling kay Shakirra.
“It’s a pleasure to be part of this two amazing companies, Madam.”
Nagkamayan kami at ganoon na rin ang asawa niya.
Matapos ay nagpalakpakan na naman at niyaya nila ako sa unahan para makuhanan ng litrato. May kuha na kapit ko ang certification at may kuha na magkakasama kaming lahat pati ang mga board of directors. At mayroon din sa mga Sebastian at sa mga kaibigan ni Shakirra.
“We will have a formal welcome party for you in our hotel later at noon. So if you don’t mind, can we expect you later?”
Nagulat na naman ako. Kailangan ba talaga iyon? Hindi pa ba ito sapat?
“Say no,” Shakirra said. Mabilis ang naging pagsagot niya na iyon. Bakit kaya? Eh, gusto niya nga na malaman ang mga pakulo ng mga ito.
“I’m sorry but I have a patient to attend to later, Sir. Maybe some other time?”
“I almost forgot you are a doctor. Okay, tell us when your free time is. We need even a little celebration for this.”
Tumango na lamang ako. Hindi na rin ako nagtagal doon at umalis na. I feel the toxic atmosphere in an enclosed area with the Sebastians.
“Si Mam mo?” tanong ko kay Lovelyn nang buksan ang gate.
“Nasa likuran po, hinihintay ka.”
Ang sarap sa pakiramdam na may naghihintay sa iyo sa paguwi mo.
Nagfi-feeling na naman ako na may asawa. Eh, asawa ko naman talaga siya.
Lakad-takbo ako nang makababa sa sasakyan. She is there. Sitting on the wodden chair, staring at nothing. Nakatalikod siya sa akin at nag-iisa siya.
Agad na lumukso ang puso ko. Hindi ko alam pero sa tuwing nasa lakaran ako ay parang gusto ko na agad umuwi at makapiling siya. Hindi ko rin alam kung ano itong nararamdaman ko pero lagi ko siyang nami-miss.
“Sha…” I called her in a very sweet tone. Gusto ko mang pigilan na maging hindi malambing pero hindi ko makaya. It always came out naturally.
Agad siyang lumingon sa akin. Nakangiti ang mga labi. “Hope!” Namiss niya rin ba ako? Base kasi sa reaksiyon niya… Pero baka feeling ko na naman iyon.
Bakit kaya hindi niya ako pinayagan na pumunta sa welcome party mamaya?
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Isa pa ito sa nakasanayan ko. Pakiramdam ko ay kulang kung hindi ko siya mayayakap kapag umuuwi ako. She always felt home. She is now my home.
Fuck! I miss her. “Did I do well?”
Tanong ko at inilayo siya sa akin upang matitigan ang mukha niya. Isa ito sa paborito kong gawin. Malaya ko siyang natititigan ng hindi niya alam.
“You did pretty well. Thank you so much, Hope.”
“No problem, asawa ko.” Kinikilig ako kapag tinatawag ko siyang asawa ko. Bakit ba, e, mas nafi-feel ko na asawa ko siya kapag ganon.
Nang maalala ko na premyo raw ako…
“Where’s my prize?”
Nakita ko na napalunok siya at lumayo sa akin. “Wala pa akong maisip. You want the prize now?” Mukhang may naiisip na siya pero nahihiya lamang. Kilala na kita, Shakirra. Hindi mo ako mapagtataguan.
Tumango-tango ako na parang tanga kahit hindi niya naman nakikita. “Yes, asawa ko.”
Nakita ko siya na namula at napalunok. Ano ba ang naiisip niya?
“Will a kiss could compensate with your job well done?”
Nagulat ako nang dahil doon pero agad ding nakabawi at mas natuwa pa lalo. Parang tanga na tuloy ako ritong nakangiti sa harapan niya. Napaghahalataang walang natatanggap na halik.
“You’ll kiss me?!” Paninigurado ko dahil baka mapahiya lamang ako. Malay ko ba kung kiss na pagkain iyon o iyong halik talaga. Nakakapanabik ang ideya niya.
“Kanina kasi, nagiisip ako. Wala pa naman akong pera at hindi ko pwedneg galawin ang mga pera ko sa bangko dahil sa pagtatago na buhay ako. Kaya naman, naisip ko na, kung gusto mo lang naman…” Tumigil siya at masamang tumingin sa akin.
“Kung gusto mo lang naman ha! Huwag kang tatawa riyan at kahit hindi kita nakikita ay tatadyakan kita sa parteng where it hurts most.” f**k! Ang cute niya, sobra. Ang sarap panggigilan.
“Gusto ko!” f**k! Gustong-gusto.
Napatahimik naman siya. Huwag kasing OA Hope.
“I’m waiting asawa ko. Dali na, para sa sunod, mas galingan ko na. Kiss pala ang premyo eh.”
“Kaso diba, siyempre, parang nakakahiya iyon.”
“Ano naman ang nakakahiya roon?”
“Kasi, baka isipin mo-”
Pinutol ko na ang sasabihin niya at lumapit ako sa kaniya sa isang agresibong paraan.
Nakasandal siya ngayon sa kahoy na lamesa at naiipit ko siya ng katawan ko. I held her nape with my right hand and her waist on the other free hand.
That same time, I crashed my lips with hers.
____________❤️