Chapter 9: Dead or Alive?

1219 Words
Someone’s POV Breaking News! Cheng family met a car accident while on their way to the airport. Four bodies found dead and the other one is still missing. Narito si Steve upang ilahad ang mga karagdagang impormasyon. Ayon sa pamilya ng nobyo ng biktima, ang mga Sebastian, patungo ang sinasakyan ng pamilya Cheng sa airport upang magbakasyon sa United States nang isang linggo. Ang sasakyan ay nirentahan lamang kung kaya’t iniisip ng mga Sebastian na ang management ng sasakyan ang maaring nagkulang sa pagcheck kung may problema man ito. Ayon kasi sa mga pulis, nawalan ng preno ang sasakyan habang magyu-u turn kung kaya’t bumangga sa isang puno ang sasakyan. May bangin at dagat sa parteng pinagbanggan kung kaya’t patuloy pa rin sila sa paghahanap sa isa pang nawawalang katawan. Nakumpirma na ang mga katawan na nakita ay ang tatlong miyembro ng pamilya at ang driver. May isa pang nawawala sa ngayon at ito ay ang dalaga nilang anak at ang kilala ng nakararami na si Miss Shakirra Cheng. Labis na nalulungkot ang pamilya Sebastian sa namayapang business partner, lalo na dahil malapit na sila sa mga ito sa pamamagitan ng kanilang anak na nobyo ng biktima. Ini-imbestigahan pa rin ang nangyaring aksidente. Ngayon ay ang pamilya Sebastian ang nagiintindi sa mga labi ng mga Cheng. Ang nobyo ng biktima ay hindi pa rin makausap ngayon dahil tulala at hindi pa rin matanggap ang nangyari. Halos mabingi ako sa narinig. Ano itong balita na ‘to? This can’t be. Imposible na maaksidente sila. I know the management of the van. They are very careful with their vehicles. Too impossible. I can see that there is a foul play. f**k! I need to find that girl bago ako maunahan ng mga gustong mawala sila sa mundo. Hindi ako pwedeng magkamali, may gustong mamatay ang pamilya Cheng. Sa laki ng yaman na tinatamasa nila, alam ko na sinadya ito. Napahilamos ako sa mukha sa kaisipan na wala na ang pamilya na tumulong sa akin upang makapagaral at maging isang ganap na doctor. I am one of the Cheng Architectural Firm’s scholar. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. It’s time to give back what they have given me. I just hope that she is still alive. “Hello Cielo can I ask a favor? I really need your help pare,” nanghihina kong kausap sa kabilang linya. Cielo is a politician, a mayor in particular. I know he has men that can help me search for her. “Sure pare. Sinabi ko naman sa iyo na kapag kailangan mo ng tulong ko ay hindi ako magdadalawang isip na tulungan ka. Ano ba iyon?” At doon, inilahad ko sa kaniya ang nais kong mangyari. We have to be careful with our moves. No one should know this. Justine’s POV “Why are you sulking there, boy? Get up! We have to face the media.” “Don’t tell me you are crying with their death? Come on!” “I am so happy they are gone. Sana patay na rin ang Shakirra na iyon para masolo na talaga kita.” “We will take over their company in no time, finally.” I never wanted this. I never wished for it. I want to die as well! If only I have the power to save them. But I don’t have. They hold my life. I’m so sorry. I am so sorry. Someone’s POV Sinasabi ko na nga ba at sinadya ito. Kanina sa balita, may mga naghahanap pa sa nawawalang bangkay, pero nang marating namin ang pinangyarihan ng aksidente, wala ni isang tao. Makapangyarihan ang kalaban. Inililis ko ang manipis na polo na suot at inayos ang sombrero ko. We are dressed as fishermen. Hindi na rin nakapagtataka kahit na marami kami dahil may mga dala ito na lambat at bangka. Laking pasasalamat ko talaga kay Cielo. Kahit wala siya rito at busy sa pagintindi sa bayan nila ay ramdam ko ang suporta niya sa akin. Narito ako sa tabi ng dagat at nagiikot sa malalaking bato kung sakali man na rito siya nahulog. Mataas ang bangin. If the van crashed over the tree, the body will probably fell here. I hope she is here. Kung wala rito ay maaring sa tubig siya tumalsik. Kinalkula ko ang oras nang mangyari ang aksidente. Sampung oras na. Kung nasa tubig siya at sugatan ay kakaunti na lang ang chance na magsurvive siya. Her body should surface by now. Malapit na rin dumilim kaya kailangan na rin namin na magmadali. Kung abutin man, may dala kaming malalaking flashlight at lampara. “Doc, negative po.” One of the team leaders said through a walkie talkie. May kani-kaniya kaming lugar kung saan maghahanap. Nalungkot ako at naghanap nang muli. Umakyat ako sa isang malaking bato. Napakalalaki ng bato rito at kung dito siya tumalsik at tumama ang ulo niya sa bato ay baka patay na rin siya. Nangilabot ako sa ideya kaya iwinaksi ko agad ito. “Sir, wala rin po rito.” Napabuntong hininga ako. Nawawalan ng pag-asa. “Wala po rito, doc.” Dalawang oras na kaming naghahanap. Nagbalikan na rin ang mga nasa tubig dahil dumidilim na. Nagday-off ako ngayon sa trabaho. Mabuti na lamang at maraming resident nurse ang nasa ospital ngayon. Patuloy pa rin ako sa paghahanap. Nilingon ko ang iba na naghahanap din sa mga malalaking bato. Ako ang pinakamalayo sa kanila. “Negative, negative.” Damn it! Where are you? Sobra ang nararamdaman kong pagaalala. Napakabuti nila para kahantungan ang ganito. Demonyo lamang ang makagagawa ng ganito. Nagtiim bagang ako at mas pursigido na maghanap. Nagtago na ang araw. Nagbukas na rin ng flashlight ang iba kong kasama. Mabuti at maliwanag ang buwan ngayon. Tatlong oras na kaming naghahanap. Alas-otso na rin ng gabi. My phone rang. Cielo is calling. Siya iyong kausap ko kanina. “Hello pare. Huwag kang mabibigla pero ang taong hinahanap mo ay ibinabalita ngayon sa TV. Nahanap na ang katawan niya.” Nanlumo ako sa narinig. “Pare, are you there? Let’s just go to their burial. I’m sorry.” “Salamat sa balita pare pati na rin sa tulong.” So she’s dead. They are all dead. Sinipa ko ang maliit na bato sa paanan ko. Sinundan ko ng tingin iyon. Dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan ay nakita ko ang tinamaan noon. Binuhay ko ang flashlight bago lumapit. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Isang tao na nakahiga sa buhanginan. Fuck! Mas binilisan ko pa ang lakad ko kahit na maraming matutulis na bato ang natatapakan. Nakatagilid ang ulo niya sa direksyon ko. Natatabunan ng buhok ang mukha. Lumuhod ako sa buhangin sa gilid niya. At nang tanggalin ko ang pagkakatabon, nasilayan ko nag mukha niya. Blood is covering her face. May mga dugo rin sa ibang parte ng katawan. Agad ko siyang pinulsuhan. Ang damit niya ay nagkapunit-punit na kaya hinubad ko ang damit ko upang matabunan ito. Fuck! There’s still a pulse. Mahina pero may buhay pa. I turned on my walkie talkie and talked. “I saw her.” At nang maalala ang sinabi ni Cielo na may bangkay na ibinalita sa tv at si Shakirra ito, napakuyom ako. Why the hell would they say she's dead if her body is here? _____________❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD