*** Araw ng Biyernes at sa wakas ay weekend na naman, last day of the week. Day off ko na naman simula bukas. At ang pinaka the best sa lahat ay apat na araw ang off ko. Sobrang saya ko talaga na on leave ako sa darating na Lunes at Martes. "Kailan mo balak magpablessing sa bago niyong mansyon?" Tanong ni Amber sa akin habang busy sa pagretetouch ng lipstick niya. Tapos na ang trabaho namin sa araw na 'to at naghahanda na kami para umuwi. Napatingin naman ako sa repleksyon niya sa salamin habang naglagay ako ng kaunting pulbo sa mukha. "Baka sa susunod na buwan siguro." Sagot ko sa kanya. "Invite mo 'ko ha?" Natatawa niyang sabi na ngayo'y nag-aayos naman ng buhok niya. "Kahit hindi kita imbitahin alam kong pupunta ka. Ang kapal kaya ng mukha mo." Komento ko habang kunwaring inirapan

