I remembered nung kinasal ako last year nainis pa nga ako kay Trinity kasi hinindian niya talaga ang imbitasyon ko na siya ang magiging Maid Of Honor ko. Sumama talaga ang loob ko nun. Sabi niya lang sa akin, hindi daw siya bagay maging ganun kasi ang laki-laki daw niyang tao, nahihiya siya na ma-expose iyo'ng mga braso niya kapag nag-gown na siya. Hindi niya lang alam kung gaano siya kaganda sadyang kulang lang siya ng kumpyansa sa sarili. Medyo may kalakihan man ang pisikal na pangangatawan niya pero hindi mo talaga maitatanggi ang ganda niya. Ang ganda niya kasi at ang amo-amo pa ng mukha. Mas lalong nakadagdag sa ganda niya ang mga mata niyang sobrang expressive. She had these deep set eyes na may natural na mahahaba at makapal na pilik mata. At isa pa kahit medyo may katabaan siya, pr

