Chapter 8

1208 Words
"ANO ba 'to Matteo? Ikaw ha, parang kelan lang ang sungit sungit mo sakin." pabirong pinisil niya ang ilong ni Matteo habang nakaupo siya sa kandungan nito. Nandoon ulit sila sa tree house nila. Iyon na ang ginawa nilang official tagpuan nilang tatlo. Pinatakan siya nito ng magaang halik sa labi bago siya nginitian. Grabe ang guwapo! Hindi niya tuloy mapigilang hindi kiligin. "Buksan mo na lang. Pagpasensyahan mo na kung hindi gaanong kaganda, iyan lang kasi ang nakayanan namin ni Ysmael." excited naman niyang binuksan ang kahon na ibinigay sa kanya nito. She gasped when saw what's on the box. Cellphone! De-keypad lang iyon pero sapat na para maka contact siya sa Manila. Pinugpog niya ng halik si Matteo sa buong mukha nito. "Thank you! Thank you! Thank you!" she heard him chuckled. "Naisip kasi namin na baka nalulungkot ka na dahil nami miss mo na yung pamilya mo sa Maynila. Kung gusto mo silang kausapin, may signal sa pampang." "Thank you talaga Matteo." isinubsob niya ang mukha sa malapad nitong dibdib. Naramdaman naman niyang hinalikan nito ang kanyang ulo. "Bakit pala biglang nagbago ata yung pakikitungo mo sa akin?" "Bakit, ayaw mo ba? Mas gusto mo bang sinusungitan kita?" nakangiting pinisil nito ang pisngi niya. "Hindi naman sa ganon, kaya lang kasi---" "Mahal kita Addison." napatanga siya sa sinabi nito. Para siyang nabingi. "Sinusungitan kita nung una kasi natatakot ako. Unang kita ko pa lang sayo gusto na kita. Natatakot lang ako dahil...mukhang maykaya ka sa buhay, may pinag-aralan. Natatakot ako na makipaglapit sayo dahil baka sa huli iwan mo lang ako." she can't believe na ganito pala ang nararamdaman ni Matteo sa kanya. Masyado siyang na-overwhelmed. Umayos siya ng upo sa kandungan nito. Straddling him. "Alam kong mali Matteo pero gusto kong malaman mo na mahal din kita, kayo ni Ysmael. At natatakot din ako.." natatakot ako na kapag nalaman niyo ang totoo lumayo kayo sa akin. "Totoo ba yun Addi? Mahal mo din kami ni Matteo?" nakita niya si Ysmael na nakatayo malapit sa pinto ng tree house. Bakas ang saya sa guwapong mukha nito. Nakangiti naman siyang tumango dito. Napahagikgik siya ng paulanan siya ng magkapatid ng halik sa mukha. She wish habangbuhay na silang ganito, masaya at kontento sa isa't-isa. Kahit imposible. Gusto muna niyang sulitin ang panahon na kasama niya ang kambal bago sabihin kay Señora Luisa na nahanap na niya ang mga apo nito. It's not bad to be selfish sometimes, right? ••• PINASADAHAN ng tingin ni Addison ang kabuuan sa harap ng salamin. Niyaya kasi siya nina Matteo at Ysmael na dumalo sa birthday party sa kabilang isla ng kaibigan ng mga ito. Binilhan pa siya ng mga ito ng bagong bestida na suot niya ngayon. Kulay pula iyon at hanggang ibabaw lang ng tuhod niya ang haba. Malambot din ang tela kaya kada kilos niya ay sumusunod ang tela sa kurba ng katawan niya. Ang buhok naman niya ay inilugay na lang niya at nilagyan niya na lang ng kaunting style. "Ang ganda mo ate Addison!" puri sa kanya ni Mikay ng makalabas siya ng kuwarto. Sabay namang napatayo mula sa pagkakaupo sina Matteo at Ysmael ng makita siya. "Uuy! Sina kuya na-inlab na kay ate Addison!" tila naman doon lang natauhan ang kambal. Ginulo ni Ysmael ang buhok ni Chito. "Ikaw talaga Chito, ang bata-bata mo pa alam mo na yang lab-lab na iyan? Kayo naman lumakad na kayo at baka gabihin kayo sa daan." sabi ni Nanay Ising. Inakay naman siya ng kambal palabas ng bahay. Habang nasa laot sila ay napansin niyang panay ang titig sa kanya ng dalawa. "Baka matunaw ako niyan ha?" pabiro niyang saad sa mga ito. Lumapit naman sa kanya si Ysmael at hinalikan siya. "Huwag na lang kaya tayong magpunta sa party? Tumambay na lang tayo sa tree house." hinampas niya ito sa braso. Kapag kasi nakatambay silang tatlo sa tree house ay hindi pwedeng walang mangyayari sa kanila. "Ikaw talaga puro kahalayan iyang nasa utak mo, Ysmael! Buti pa si Matteo tahimik lang." "Kung alam mo lang mahal ko, kanina ka pa niyan ginagapang sa utak niya." inambaan naman ito ng suntok ni Matteo na ikinatawa niya. Nang makarating sila sa party ng kaibigan ng mga ito, halos lahat ng bisita ay napatingin sa kanila. She unconsciously gripped Matteo's arms. "Matteo! Ysmael! mabuti naman at nakarating kayo!" sinalubong sila ng isang babae na halos lumuwa na ang dibdib sa suot nitong damit. Nakaramdam siya ng inis ng tila sinadya nitong ikiskis ang dibdib nito sa mga braso nina Matteo at Ysmael. "Happy Birthday Tessa. Pasensya na kung wala kaming dalang regalo." sabi dito ni Ysmael. Parang sawa naman ang babaeng lumingkis sa binata. "Ayos lang, masaya na ako dahil nandito kayo... may kasama pala kayo, teka sino pala siya?" maarteng tanong nito. Pinasadahan pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa niya. Kung hindi ka ba naman malanding gaga ka, ang laki-laki kong tao ngayon mo lang ako nakita? Gusto niyang irapan ang babae sa inis pero pinigilan niya ang sarili. "Si Addison, Tessa. Nobya ko." pakilala sa kanya ni Matteo. Binigyan naman niya ng ngiti ang babae. Hindi niya alam kung siya lang ba ang nakakita pero napansin niyang saglit na tumalim ang tingin nito sa kanya. "Siya ba yung sinasabing babae na nakatira daw sa bahay niyo Matteo?" tumango lamang si Matteo. He possessively encircled his arms to her waist. "Okay. Ang mabuti pa kumain muna kayo. Mag-uwi na rin kayo ng pagkain mamaya para kina Nanay Ising." iginiya sila ng babae sa kusina. At ang gaga kung hindi ba naman nananadya, sina Matteo at Ysmael lang ang binigyan ng pagkain. She smiled secretly ng subuan siya ng pagkain ni Matteo. Todo asikaso ang kambal sa kanya. Tila naman nainis si Tessa at nagma martsa itong umalis. Pagkatapos nilang kumain ay sandaling iniwan siya ng dalawa dahil niyaya ito ng ilang lalaki na bisita rin tulad nila para uminom. Ayaw pa nga ng mga ito sumama dahil ayaw siyang iwan pero siya na din ang nagre-assured sa mga ito na ayos lang. Hindi nalang siya sumama kina Ysmael kaya naiwan na lang siya sa gilid ng hardin ng bahay ni Tessa. "Hi Addison." sabi ni Tessa. Naupo ito sa harap niya. "Hello Tessa." balik na bati niya. Tinitigan siya ng babae, para bang sinusuri ang kasulok-sulokan ng katawan niya saka ito umirap. She knew it. She's a b***h. "Ano bang nagustuhan sayo ni Matteo at naging nobya ka niya? Maputi ka lang naman pero mas maganda pa rin ako sayo." ani nito habang nakataas ang isang kilay sa kanya. She calmed herself. Kahit kanina pa siya nanggigil dito, she need to be nice to her. Ayaw niyang mapahiya sina Matteo. Makikipag-plastik-an na lang din siya kahit hindi siya sanay. "Ayaw kasi ni Matteo sa mga babaeng mukhang bisugo." sarkastikong sagot niya, gusto niyang matawa ng mukhang nagtitimpi ito ng galit. Maya maya pa ay bigla itong ngumisi. "Hindi ko kilala kung sino ka ba talagang babae ka o saang lupalop ka galing, pero ito ang sinasabi ko sayo. Akin lang si Matteo. At gagawin ko ang lahat, mapunta lang siya sa akin." She doesn't know but parang bigla siyang kinabahan. Parang may mangyayaring hindi maganda. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD