CHAPTER 1
CHANTAL POV
Nandito ako ngayon sa aking kwarto, limang mga tao ang nag aayos sa akin. Mula pag susuot ko ng mamahaling prada shoes ko hanggang sa pag suot ko ng damit, at pag make up sa akin. Maging ang bulgari snake necklace ko, sinuot ko na rin sa unang pagkakataon.
I want to make sure na magiging maganda ako sa aming mating ball ngayong gabi. Ilang taon ko na rin itong pinag handaan at ngayon ang tamang panahon upang ilabas ko ang galing ko sa fashion. Lahat ng mga fourth year students ng IST Academy.
I jus can't simply miss this opportunity sapagkat darating din ngayong araw si Lance, ang isang certified crush ng lahat ng mga kababaihan, kahit na ako na tina guriang pinaka maarte sa schoo namin. At kinamumuhian ako ng ibang girls dahil masyado raw akong pa kikay. But what can they do? My dad is a billionaire who has huge endowment in our school.
As a matter of fact, ang dad ko ang may pinaka malaking donation sa aming school kaya wala silang magagawa. Ako ang princess ng aming school.
Nang makita ko ang make up ko sa harapan ng salamin, napa simangot kaagad ako. I can't wear a make up like this sa event namin. This is going to embarrass me in front of my friends and other students, especially kay Lance na sobrang kinahuhumalingan ko. This is one and only chance na a attend ako sa mating ball like the rest.
Napa taas ako kaagad sa aking make up artist, "Ano ba 'to Mitch? Bakit ganito lang ka simple ang make up ko ha? Did I not say na gusto ko yung mala artistang make up? Masyado itong simple, hindi malo love at first sight akin si Lance with this simple make up? Baka mamaya niyan ay matalbugan ako ni Grace. Ayusin mo ang trabaho mo kung ayaw mong ma fired," I frowned.
"Sorry po Ma'am!"
"Don't say sorry, ayusin mo lang ang trabaho mo!" paninigaw ko pa sa kanya.
Ayaw ko talagang masira ang mood ko ngayong araw. And I don't want to make myself look so pathetic in the eyes of everyone at the mating ball either.
While fixing my make up, naka receive ako ng call mula kay Dad.
"Dad, can you just call me when I am done with my make up? Mabilis lang ityo pramis!" naiinis na sabi ko sa kanya.
"Chantal, may lakad pa ako ngayon. Ihahatid lang kita sa mating ball mo at uuwi din ako kaagad," sagot niya.
"Okay fine!" sabi ko sabay end ng aming call. I crossed my arms over my chest, naka simangot noong una pero napa ngiti na rin ako ng makita ko ang final look ko.
Damn, I looked so gorgeous, "Kita mo Mitch? Ganitong look ang gusto kong ma achieve, mala Marian Rivera ang ganda ko ngayon. And for sure ay magugustuhan ako nito ni Lance. Ewan ko na lang kung di niya pa ako mapansin."
"Ay siya ba yung palagi mong kinu kwento sa akin na magaling mag baseball? I remembered, you even showed me his picture and in fairness, gwapo talaga siya."
"I know right! Siya lang ang lalaking na capture ng eyes ko na super pogi. As in, hindi ako madaling ma in love sa lalaki, marami nang nag tangkang manligaw sa akin pero lahat sila, ni reject ko lang."
"Sure akong mai in love sayo ang lalaking yan, go ahead and ipakita mo sa Grace na yun kung sino ang mas angat ang beauty."
I smiled at him in front of the mirror. I grabbed my phone and asked him na picturan niya ako. As soon as I am done, I immediately upload my photos with the hashtag outfit for tonight. Wala pang isang minute, but I already received so many likes and comments. Ganito ako ka famous sa aming school.
Kaya lang, I don't like the unwanted attention that I am getting from other people. Mas gusto ko talaga ng atensyon na nang gagaling mismo kay Lance. Siya lang ang gusto kong tumingin sa akin mamaya. Bumaba na ako sa spiral naming hagdan buhat buhat ang red dress ko.
And everyone downstairs are looking at me as if I am like a celebrity, especially my dad whose smile is so sweet. I know, sasabihan niya ako na nakikita niya si mama sa akin kagaya ng paulit ulit niyang sinasabi kapag naka kita niya akong naka ayos. Sayang nga lang, I was too young when my mother died sa isang aksidente dami in our school. At hanggang ngayon, hindi pa rin natututunton kung sino ang nag hit and run sa kanya.
Nabaon na nga ang case na ito dahil sa mga sunod sunod na issues sa aming school. At unti unti ko nang natatanggap ang nangyaring ito dahil marami akong mga girl friends, mga minions actually. At sila ang makaka sama ko ngayon sa mating ball. Nang maka baba na ako, humarap ako kay Dad.
"Chantal, you really looked exactly like your mom when she was at your age," pag uulit ni Dad.
I am annoyed again, ayaw ko talaga na pinag kukumpara niya ako sa iba, lalo na sa nanay ko.
"Dad, can you please refrain from saying that? Ayaw ko na pinag kukumpara mo ako sa ibang tao, even to my late mom. Puwede mo naman akong bigyan ng compliment without mentioning other people's name."
Dinuro niya ako, "Before I forgot, susunduin kita ng 10 pm sa school mo, you can drink pero wag masyado, okay? Ang gusto ko lang ay mag enjoy ka sa once in a life time event ng school ninyo. Nothing more and nothing less."
I rolled my eyes upon hearing him, "Why are you so higpit eh sa Moa naman ang venue namin, Dad? Bukod doon ay may kasama kaming ilang mga professors. Ang over reacting mo naman," sagot kong pabalang sa kanya.
"Still, I am your father, at maiintindihan mo lang din ako kapag nagka anak ka na rin."
Tinamad na talaga ako sa ka dramahan niya. I would rather talk to my friends that listen to him.
"Dad, let's go, baka ma traffic pa tayo, mahirap na!"