GRACE POV Halos matulala ako na nasa harapan ko ang lalaking kinahuhumalingan ko. Tumatayo na nga ang mga balahibo ko sa kaba. Paano na lang kaya kung 'di ito nagsabi sa akin na pupunta ito? Baka mag panic na ako ng husto. Mayayari ako kapag nagkataon. Ang dami kong mga sikreto na malalaman nito. At isa pa, 'di pa ako ready na magpakita sa mundo matapos kong iligpit ang isa sa mga nang bully sa akin. Nadatnan kong nakalagay sa tenga ni Lance ang cellphone nito pero mabilis n'ya rin itong binaba. May dala itong rosas at chocoate. Ang sweet lang nito, tila ay nababasa n'ya kung ano ang nasa isipan ko. For the first time, mayroong isang lalaki na kagaya nito ang dumating sa aking buhay upang bigyan ito ng sigla. Bonus na lang na may hitsura si Lance at malakas ang dating nito. Masasabi ko

