CHANTAL POV "Bakit? Dont tell me na walang kwenta rin ang mga parents mo? Dont be mad at me ha? Muka lang akong walang pakialam sa paligid ko pero kasi I have seen so many parents that neglect their children. May mga parents na walang pakialam sa mga anak nila. Inuuna pa ang sarili. Yun bang masabing magulang sila pero makasarili at naging iresponsable." Napasimangot ang lalaking ito na tila ay sapul na sapul sa mga sinabi ko. "Wala akong magagawa. Tama ang sinabi mo kung buhay ko ang pinag uusapan. Mahirap man itong paniwalaan pero ni singkong duling ay wala akong natanggap sa papa ko sa pag aaral ko. Mama ko naman, mayroon nang ibang kinakasama at may tatlo silang mga anak. Bihirang mag bigay ang mama ko. Wala na rin kasi sa puder namin ni papa. Kami lang dalawa sa bahay. Sugal, inom,

