GRACE POV 'Di ko na gustong magkaroon pa ng gulo at mapahiya sa harapan ng maraming mga tao kaya kahit na labag ito sa aking kalooban, wala akong magagawa. Kailangan kong sumama sa kanila upang matapos na ito. Pero bago ako magsalita ay tinulungan ko muna si Lance na makatayo. "Please wag nyo na pong sasaktan si Lance at pinapangako ko sa inyo na sasama ako ng maayos at matiwasay." "Ano ka ba? Wag kang sasama sa kanila hangga't wala kang lawyer. Ito ang tinuro sa akin ng papa ko Grace. Pakiusap, wag mong ipapahamak ang sarili mo. Paano kung ikulong ka na lang nilang bigla ha!?" "Wala kang dapat na ikatakot dito Lance. Kaya ko ang pagsubok na ito. Pinapangako ko na magiging matatag ako. Isa pa, wala rin kasi akong pambayad sa lawyer at sapat lang ang natitira kong savings para sa pam

