Nagising ako dahil sa ingay ng ringtone na gumagambala sa aking pagtulog. Nasaan ako? Pagdilat ng mata ko ay ay tumambad sa aking mata ang sinag ng araw at ang kulay asul na kalangitan. Wala akong saplot at nakahiga ako sa damuhan. Umupo ako at napangiwi dahil sa sobrang sakit ng aking katawan. Saka ko lang naalala yung mga pangyayaring naganap kagabi. Si bro... Asan si bro? Isa isa kong pinulot ang aking mga damit na nakalatag sa lupa at isinuot iyon. Mainit na ang sikat ng araw. Maalinsangan rin ang simoy ng hangin na nagmula sa karagatan. Mula sa ibaba ay natanaw ko ang muling pagkabuhay ng siyudad. Arrrgh!! Patay ako nito! Nagring uli ang phone ko. Kinapa ko ito muka sa bulsa ng aking pantalon kung saan ito nakalagay. Mariin kong tiningnan ang pangalan ng sino mang tumatawag. Migo

