Chapter 24 Nakita ko doon sa makinis niyang mukha ang paglandas ng luha. Biglang nagtagpo ang aming mga mata at nakita ko doon ang sakit at ang tingin nitoy nagtatanong kung bakit. Bigla kong naitulak si bro sa dibdib at atomatikong gumalaw ang aking mga paa para lapitan si Migo pero nakaisang hakbang pa lamang ako ay mabilis itong lumabas sa pinto. "Migo sandali lang! "sigaw ko sa kanya. Kailangan ko siyang pigilan. Akmang hahabulin ko na sana si Migo ngunit hindi pa man ako tuluyang nakaabot sa pihitan ng pinto ay natigilan ako dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni bro sa aking kamay. Mahigpit ang pagkahawak niya na iyon dahilan para mapalingon ako sa gawi niya. Hindi ko alam ang aking gagawin sa sandaling ito. Animoy nakakulong ako sa isang sitwasyon kung saan hindi ko alam kung saan

