Alas tres ng hapon nang maisipan kong lumabas ng opisina dahil na rin sa p*******t ng aking mata kakaharap sa computer at pagbabasa ng mga dokumentong dapat kong pirmahan. Nangangalay na nga rin ang aking pwetan kakaupo buong araw. Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin nang makapagpahinga muna. Stress ako ngayong araw. Pakiramdam ko ay labis na nangangalay ang aking batok. Tila nanlalabo ang aking paningin. Mukhang kailangang makapagrelax muna ako saglit bago uuwi ng bahay. Paglabas ko ng aking opisina ay naglakad lakad lang ako sa gilid ng daan. Ewan ko ba bakit bigla na lamang sumagi sa aking isipan na mag-walk trip muna gayong tamad naman ako. Marahil ay sadyang maaliwalas lamang ang buong kapaligiran. Hindi mainit ang temperatura gayong papalapit ng lumubog ang araw dagdagan

